You are on page 1of 1

Department of Education

Schools Division Office, Caloocan


CALOOCAN HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH DEPARTMENT
10th Ave., Grace Park, Caloocan City

KASUNDUAN NG MAG-AARAL, MAGULANG, AT PAARALAN


SA PAGSASAGAWA NG WORK IMMERSION PROGRAM

Ang kasunduang ito ay nilagdaan at sinang-ayunan ngayong ika- _____ ng _______, 2022, sa pagitan nina:
CALOOCAN HIGH SCHOOL, na matatagpuan sa 10th Ave., Grace Park, Caloocan City, na pinamumunuan ni G. JUANITO
B. VICTORIA bilang Principal, tinutukoy sa kontratang ito bilang paaralan, at __________________________________
(pangalan ng magulang), na nasa wastong edad at nakatira sa __________________________________ tinutukoy sa kontratang
ito bilang magulang.
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________
Baitang at Seksyon: 12- ___________

MGA TUNGKULIN NG PAARALAN:


1. Tukuyin ang pamamaraan na maisagawa ang work immersion ngayong panahon ng pandemya.
2. Magtalaga ng immersion adviser na susubaybay sa mga mag-aaral.
3. Magkaroon ng mekanismo sa pagsasagawa ng mga kaukulang gawain ang bawat strand para maisakatuparan ang
hangarin ng work immersion.
4. Siguraduhing mahigpit na naipatutupad ang mga probisyon sa DEPED Order No. 30, s 2016 at DOLE Labor Advisory
No. 9, s 2016.
5. Bigyan ng angkop na grado ang mga mag-aaral matapos ang panahon ng kanilang immersion.
6. Pagtataglay ng Special Parental Authority sa ilalim ng Family Code sa mag-aaral na sumasailalim ng immersion
program.

MGA TUNGKULIN NG MGA MAGULANG:


1. Pagbibigay ng pahintulot sa anak, o Parent Consent, upang maisagawa ang work immersion.
2. Pagpirma sa Parent Consent at anumang dokumento na may kaugnayan sa immersion.
3. Palagiang pagmonitor sa araw-araw na gawain ng anak patungkol sa immersion.
4. Pagpapaalala sa anak tungkol sa polisiya ng immersion na taglayin ang wastong pag-uugali sa trabaho.
5. Pakikipag-ugnay sa adviser sa mga panahon na kailangan ng patnubay o concerns para sa mga mag-aaral.

MGA TUNGKULIN NG MGA MAG-AARAL:


1. Practice Excellence at all times. Linangin ang kahusayan sa anumang iniatang na gawain sa lahat ng pagkakataon.
2. Matutong makisama nang maayos at makiisa sa anumang mapagkakasunduan ng mga kagrupo.
3. Sumunod sa mga alituntunin na pinapatupad ng kinabibilangang grupo, lalo na kung tungkol sa paghahati-hati ng halaga
ng kontribusyon sa mga gastusin, at sa pag-aatang ng mga ispesipikong gawain.
4. Tuparin ang mga itinakdang panahon na gugugulin sa nakaatas na trabaho upang hindi maging sanhi ng delay o
pagkaantala sa gawain ng ibang kagrupo.
5. Makipag-ugnayan sa magulang, Immersion Adviser o Focal Person hinggil sa anumang uri ng suliranin na may
kaugnayan sa pagsasagawa ng work immersion.
6. Gawin nang taos-puso ang mga gawain sa immersion upang malinang ang mabuting saloobin sa paggawa.
7. Ugaliing updated ang mga datos na kailangan sa bawat yugto ng work immersion.
8. Inaasahan ang iyong mahigpit na pagtupad sa itinakdang deadline ng pagsusumite ng portfolio.
9. Tiyaking matuto sa mga gawain na kapaki-pakinabang at higit pang makapagpapasulong sa kakayahang magagamit sa
aktwal na pagtatrabaho.

Kami ay sumasang-ayon at tumatalima sa mga probisyon na nakapaloob sa kontratang ito, at inaasahan na tumupad sa
safety protocols habang isinasagawa ang work immersion. Anumang pangyayari na sanhi sa hindi pagtupad nito, ay hindi na
sagutin ng paaralan.

___________________________ ___________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang Pangalan at Lagda ng Principal
(Signature over Printed Name) (Signature over Printed Name)
Government Issued ID:__________ Government Issued ID:__________
Date Issued: _________________ Date Issued: __________________

PATOTOO (Witness)
_______________________________________ _______________________________________

SUBSCRIBED and SWORN to before me this ______ day of __________, 2022, at Caloocan C ity, Philippines.

You might also like