You are on page 1of 6

Blessed Day Batians!Isang mapagpalang umaga sa aming mga minamahal na mga magulang .

Ilang araw na lang at magbubukas na ang taong pampaaralang 2020- 2021

Tuloy na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa ikalima

ng oktubre 2020, kaya narito kami mula sa Batia High School

,upang magbigay ng kaalaman tungkol sa pagkuha , pagsagot

at pagbalik ng mga modyuls, na gagamitin sa pagaaral

ng inyong mga anak ,sa ilalim ng pagpapatupad natin

ng modular distance learning o MDL

Excited na ba kayo?

Tara! Ating Alamin ang proseso sa Pagkuha , Pagsagot

At pagbabalik ng Modyul

Sa unang araw ng pagkuha ng modules, sumunod sa pila na

magsisimula sa labas ng paaralan , panatilihin ang distansiya

gamit ang mga marka sa sahig . Para sa safety protocols

magpakuha ng Body Temperature. Hindi dapat ito lumampas sa

37 degree celcius.

Laging gumamit ng alcohol at handwashing facilities


sa takdang lugar sa paaralan.

Panatilihin ang distansiya sa bawat isa

Ugaliing magdala ng sariling bolpen upang pumirma sa

confidentiality form at contract tracing form

Tandaan ang learning modules ay confidential,

para ito sa pagkatuto ng mga magaaral

Hindi ito maaaring gamitin sa komersyalismo o

ano mang uri ng pag reprint nang walang pahintulot ng paaralan


Pipirma ang mga magulang sa kanilang pagtalima sa

confidentiality ng mga modules.

Mahalaga ito upang may malinaw na pagkakaunawa ang

mga magulang sa kasunduan.

Kunin ang Learning Kit o bag na naglalaman ng

modules at iba pang kagamitang pampaaralan .

inihanda ang mga bag para sa magaaral na

gagamit ng printed modular distance learning.

Ang mga bata ay pahihiramin ng

learning kit o bag na naglalaman ng mga

inihanda ng guro.

Pumunta sa exit ng paaralan

Sa pagsasauli ng mga modules at pagkuha ng

mga panibagong set ng modules, sundin ang safety protocols

ng paaralan

Ilagay ang used modules at answer sheets sa mga lagayan ,

pumirma sa listahan ng kukuha at magbabalik ng modules

Ididis infect naman ng disinfection team ang mga modules

Naghanda ang paaralan ng sanitizing chamber na may

UV light na sisiguradong ang

mga virus ay mapupuksa .

Kukunin ang panibagong set ng modules at

ilalagay sa learning kit o bag

Pumunta sa exit ng paaralan

Ngayon naman ay ating sasagutin ang mga katanungan ng ating mga magulang

Mga tanong sa pagkuha ng modyuls

Una, Kailan namin makukuha ang mga modyuls

na gagamitin ng aming mga anak?

Mayroong nakatalagang SCHEDULE ng


pagkuha ang bawat grade level.

Ang lahat ay inaasahang susunod sa itinakdang

araw at oras ng pagkuha ng module

Schedule ng pagkuha ng modules

Ang pagkuha ng modules ay tuwing Lunes ( Monday )

Tuwing Umaga ang Grade 7 and 8

Tuwing Hapon ang Grade 9 and 10

Pangalawa , saan naming makukuha ang mga

modules na gagamitin ng aming mga anak?

Mayroong nakatalagang lugar para sa pagkuha

at pagababalik ng mga modules

Sa ating paaralan na Batia HighSchool ang

nakatalagang lugar sa pagkuha at pagbabalik

ng modules sa itinakdang araw at oras

Pangalawang Tanong

Anu – ano ang nilalaman ng learning kit o bag

na aming kukuhanin?

Ang Learning Kit o Bag ay mayroong lamang

module at weekly home learning plan .

Una Module, nakapaloob sa module ang mga

lessons na babasahin at aaralin pati na rin ang mga

activities na kailangang sagutan ng mag-aaral.

Ang lahat ay inaasahang panatilihing maayos

at malinis ang mga module

Pangalawa Weekly Home Learning Plan

o Lingguhang pantahanang plano sa pagkatuto ,

ito ang magsisilbing gabay ng magaaral tungkol sa

mga lessons na kanyang aaralin at activities na

sasagutan niya araw araw ,


Nakasaad sa pinakataas na bahagi ng

Linnguhang Pantahananang Plano sa Pagkakatuto o

weekly home learning plan ang pangalan ng paaralan ,

antas ng magaaral , petsa at kasalukuyang markahan ,

Makikita rin dito ang araw at oras ng pagaaral ,

aralin o lesson na babasahin ,

Gawain o activities na dapat sagutan at mga tagubilin ng guro.

Ang mga subject teachers ay imomonitor ang mga

estudyante upang masiguro na masusunod ang weekly

home learning plan , Ang tulong at gabay ng mga ,


magulang at guardian ay inaasahan upang maiwasang

mahuli sa lessons ang mag-aaral .

Anu- ano ang aming dapat dalhin kapag kukuha ng

module ng aming mga anak?

( sabibhin lang narito ang sagot ) tapos magturo pakaliwa o pakanan puwedeng lumakad pakaliwa o
pakanan

Ayon na rin sa batas ang maaari lamang lumabas ay

ang may edad na 21 -59. Kailangan ding magsuot

ng facemask, faceshield at sundin ang social distancing

MGA TANONG TUNGKOL SA PAGSAGOT NG MODULES?

Paano matututo ang aming anak sa modular distance learning?

Sa gabay ng mga magulang o guardian , aaralin

ng mga magaaral ang mga lessons sa module.

Kung ang magaaral ay may katanungan,

maaari siyang makipagugnayan sa kanyang guro sa

itinakdang oras lamang, sa pamamagitan ng FB ,

TEXT O TAWAG AT CHAT SA MESSENGER.

Maari ding mag research sa internet para

sa karagdagang kaalaman.
Saan isusulat ng aming mga anak ang mga sagot sa

Gawain o activities ?

Ang modules ay hindi dapat sulatan o lagyan ng

kahit anong marka.

Sa notebook at papel isusulat ang mga Gawain o activities.

Paano bibigyan ng grado ng guro ang aming anak?

Ang mga Gawain o activities ay iwawasto ng guro at

siya ay magbibigay ng puntos ayon sa kanyang pagsusuri

at base na rin sa nakatalagang rubrics

Paano ipapasa ng aming mga anak ang kanyang mga activities?

Tuwing ikalawang linggo ang pagpapasa ng mga

activities ng inyong mga anak sa paaralan

sa anakatakdang araw at oras.

MGA TANONG TUNGKOL SA PAGBALIK NG MODULE

Kailan ibabalik ang mga module na natapos aralin ng

aming anak?

Ang Junior High School ( Grade 7 hanggang Grade 10 )

ay tuwing Huwebes , Umaga ang Grade 7 and 8 ,

Hapon naman ang Grade 9 and 10.

Kung ang napili ninyo ay online distance learning,

narito ang mga dapat tandaan

Turo pakanan o pakaliwa ---

May iba pang katanungan, maaaring makipag ugnayan sa

amin sa pamamagitan ng aming official FB page

na Batia High School .

Ang mga adviser ng inyong mga anak ay handa ring

sumagot sa inyong mga katanungan.

Kayat maaari ding makipag ugnayan sa kanila!

Muli maraming salamat sa inyong pakikinig .


Patuloy po tayong magingat , maging ligtas at

pagpalain ng Panginoong Diyos!

You might also like