You are on page 1of 1

Enero 20, 2024

Magandang araw po sa inyong lahat,


Ako po si Manuel E. Pacquiao, Jr., guro sa asignaturang Filipino 8 at 9 sa Mataas na Paaralang Pambansa
ng Cabantian. Nagpapaabot po ako sa inyo upang ipaalam ang isang mahalagang bahagi ng aming
kurikulum na may kinalaman sa pangwakas na gawain ng aming mga mag-aaral.
Para sa kanilang pangwakas na gawain, ang aming mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagsasanay o praktis
at shooting para sa kanilang gagawing short commercial sa araw Sabado o at Linggo (Enero 20 o at 21,
2024) sa kanilang bakanteng oras at panahon na bahagi ng kanilang gawaing pagganap para sa ikalawang
markahan. Ang layunin ng pagsasanay na ito ay mapabuti ang kanilang kasanayan sa wika at iba't ibang
aspekto ng asignaturang Filipino.
Upang maging epektibo ang kanilang pagsasanay, kailangan po ng aming mga mag-aaral ng inyong
pahintulot na payagan silang mag-shoot o mag-practice sa loob at labas ng paaralan. Nais po naming tiyakin
sa inyo na ito ay magiging isang kapaki-pakinabang na karanasan para sa kanilang pag-unlad bilang mga
mag-aaral.
Ipinapaabot namin ang mga sumusunod na kahilingan:
a) Pahintulutan ang aming mga mag-aaral na mag-shoot o mag-practice at mag-shooting sa araw
Sabado o at Linggo sa kanilang bakanteng oras at panahon.
b) Bigyan sila ng suporta at pagsuporta upang maging positibong bahagi ng kanilang pagsasanay.
c) Tiwala sa aming pangako na ang bawat aktibidad ay ligtas at may sapat na pangangalaga.
d) Hinihingi po namin ang inyong pagsuporta sa proyektong ito upang matiyak na magiging
matagumpay ang pangwakas na gawain ng aming mga mag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong
pag-unawa at kooperasyon.
e) Ang hindi pagpayag sa nasabing gawain ay HINDI makaaapekto sa marka ng mag-aaral. Bibigyan
na lamang ng iba o mas angkop na gawain ang mga mag-aaral na walang pahintulot mula sa mga
magulang.
f) HUWAG pahintulutan na umalis ang mga mag-aaral kapag hindi maganda ang panahon o may
nagbabatyang sama ng panahon.

Maraming salamat po sa inyong oras at pagtitiwala.

Lubos na gumagalang,

MANUEL E. PACQUIAO, JR.


Guro sa Asignaturang Filipino 8 at 9

PANGANGAILANGANG PAHINTULOT NG MAGULANG O TAGAPAG-ALAGA

Ako, si _________________________________________________________________, ay nagbibigay


Pangalan ng Magulang o Tagapag-alaga

ng buo at maligayang pahintulot sa aking anak na si

____________________________________________________, na nag-aaral sa Mataas na Paaralang


Buong Pangalan ng Mag-aaral

Pambansa ng Cabantian, sa paglahok sa mga pagsasanay at praktis para sa kanyang pangwakas na gawain

sa asignaturang Filipino 8 at 9.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay mapabuti ang kanyang kasanayan sa asignaturang Filipino at
mapaghandaan ang pangwakas na gawain. Bilang magulang o tagapag-alaga, ay aking naiintindihan at
tinatanggap na ang paaralan ay may sapat na pangangalaga at seguridad sa lahat ng oras na naroroon ang
aking anak para sa nasabing pagsasanay o praktis. Sumusunod ako sa mga patakaran at regulasyon na
itinakda ng paaralan para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mag-aaral.

Ipinagkakatiwala ko ang aking anak sa mga guro at tagapamahala ng paaralan sa buong panahon ng
aktibidad na ito.

Lubos na gumagalang,

__________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Petsa:

You might also like