You are on page 1of 1

Paghahanda sa Nalalapit na Learning Camp ng mga Mag-aaral sa Grade 7 at Grade 8

Inihayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang nalalapit na Learning Camp para sa


mga mag-aaral ng Grade 7 at Grade 8 na layuning palakasin ang kanilang mga kakayahan at
kaalaman sa iba't ibang larangan.
Ang Learning Camp ay nakatakdang gawin mula Hulyo 24, 2023 hanggang Agosto 25,
2023 sa mga pampublikong paaralan. Layunin nitong magbigay ng mga aktibidad na
magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangunahing asignatura tulad ng Ingles,
Matematika at Agham.
Kasama sa mga aktibidad sa Learning Camp ang mga workshop, paligsahan, at mga
gawaing pangkat na naglalayong palakasin ang mga kasanayan sa pagsusulit, pagsusulat, at
pagsasalita ng mga mag-aaral. Bibigyan sila ng pagkakataon na magamit ang kanilang mga
natutuhan sa loob ng silid-aralan sa mga praktikal na sitwasyon.
Bukod sa akademikong mga aktibidad, magkakaroon din ng mga outdoor na aktibidad na
naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, pangkapaligiran, at kahusayan sa pisikal ng mga mag-
aaral. Ngunit isasagawa pa din ang regular na pag-monitor ng temperature at social distancing.
Mayroon ding mga guro at mga staff na nakaatas upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng
mga patakaran at agarang pagresponde sa anumang mga pangyayari o pangangailangan.
Ang Learning Camp na ito ay bahagi ng malawakang programa ng DepEd na
naglalayong magbigay ng mga karagdagang oportunidad sa mga mag-aaral upang maging handa
at maunawaan ang mga pangangailangan ng kanilang mga hinaharap na taon ng pag-aaral.
Inaasahang ang mga karanasang ito ay magpapalakas ng kanilang mga kakayahan, kumpiyansa,
at pagkamalikhain.

You might also like