You are on page 1of 4

Organisadong Gawaing Pampisara

I. Layunin:
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa sa mga sumusunod na
kakayahan:
a. Naiisa-isa ang mga uri ng mga ponemang suprasegmental.
b. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka
at
haiku.
c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng bantas sa pagkakaintindihan.

II. Gawain 1: SuriBasa


Panuto: Basahin ang tulang Tanka at Haiku sa tamang tono, diin, intonasyon at antala. Suriin
ang tula batay sa mga inihandang tanong.

Tanka Haiku
Nangungulila Nawawalang Baka
Sa’yong paglayo mahal, Baka nandito
Taglamig, puso’y uhaw Ang baka na nawala
Punong sugatan yakap Na alaga niya.
Ikaw ang hanap
Ikaw ang lahat.

Mga Tanong:
1. Ano ang salitang inuulit ulit sa tulang haiku?
2. Ano ang ibig sabihin sa una at pangalawang salita na baka?
3. Ano ang mga bantas na ginamit sa dalawang tula?
4. Mayroon bang pagkakaiba sa kahulugan kung iba ang tono, diin, intonasyon at pag-antala sa
pagbigkas ng mga salita? Bakit?
III. Ilustrasyon

Ponemang Suprasegmental

Ang Ponemang Suprasegmental ay tumutukoy sa


mga makabuluhang yunit ng tunog na walang
katumbas na letra sa pagsulat. Notasyon o
simbolo ang ginagamit kung kailangang isulat
upang matukoy ang wastong paraan ng
pagbigkas.

TATLONG URI NG PONEMANG


SUPRASEGMENTAL

TONO O INTONASYON HINTO O ANTALA


DIIN - Tumutukoy sa pagtaas - Ito ay tumutukoy sa saglit
o pagbaba ng tinig sa na pagtigil ng pagsasalita
- Ito ay ang lakas, bigat o
upang higit na maging
bahagyang pagtaas ng tinig pagbigkas ng pantig ng malinaw ang mensaheng
sa pagbigkas ng pantig na isang salita, parirala o ipinahahayag. May hinto,
maaaring makapag-iba sa pangungusap upang bago nagsimula ang isang
kahulugan ng mga salita
maging ang mga ito man ay
higit na maging pangungusap at may hinto
malinaw ang rin pagkatapos nito. Kuwit
magkapareho ng baybay.
pagsasalita. (,) ang ginagamit sa hinto.

IV. Gawain 2
Panuto: Gamitin ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa paggawa o pagbuo ng isang
Tanka o Haiku. Siguraduhin na ang mga salita ay nabibigyan ng tamang diin, tono, at antala
kapag ito’y nagamit na sa loob ng isang tula. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para
gawin ang inyong gawain.
V. Ebalwasyon
Panuto:   Suriin ang mga pahayag at salita na mayroong mga ponemang suprasegmental.
Ibigay ang tamang sagot sa bawat bilang.
Diin
1. Nagkasakit siya sa:
a. BA:ga b. ba:GA
2.Marami siyang mga aklat, mahilig kasi siyang mag:
a. BA:sa b. ba:SA
3. Mapula ang kanyang mga:
a. la:BI b. LA:bi

TONO O INTONASYON
1. kanina = ____, pag-aalinlangan
Kanina = ____pagpapatibay, pagpapahayag

2. kumusta = ____, pagtatanong na masaya


kumusta = ____, pag-aalala

3. matalino = , pagpuri
Matalino = , pag-aalinlangan

HINTO O ANTALA
1. Sinasabing hindi si Jose ang humiram ng libro.
A. Hindi, si Jose ang humiram ng libro mo.
B. Hindi si Jose ang humiram ng libro mo.
2. Ipinapakilala mo ang iyong kaibigang si Julie sa iyong ate.
A. Ate, si Julie ang kaibigan ko.
B. Ate Julie, ang kaibigan ko.
3. Ipinagbabawal na dalhin ang isang bagay.
A. Huwag, ito ang dalhin mo.
B. Huwag ito ang dalhin mo.

You might also like