You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang


ay inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang pagkakaiba ng tatlong uri ng ponemang suprasegmental;


b. naitatala mula sa tulang nabasa ang mga salitang nagbabago ang kahulugan
batay sa paraan ng pagbigkas nito (diin at haba; at,
c. nasusuri ang tiyak na kahulugan ng salita batay sa pagkakasulat nito sa
anyong transkripsiyong ponemiko.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ponemang Suprasegmental


Sanggunian: Modyul sa Ikatlong Markahan Filipino 7
Kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Magandang Umaga klas.


Magandang din umaga po sir!

Batiin rin natin si Gng. Alona O. Geronimo.


Magandang umaga po Gng. Alona G. Javier.

2. Pagtsek ng atendans
Pedro, sino ang lumiban sa klase ngayon?
(Sasabihin ng mag-aaral kung sino ang lumiban sa
klase.)
B. Pagganyak

Klas, may inihanda akong tula na ating babasahin.


Bogart, maaari mo bang basahin ang tula.
(Babasahin ni Bogart ang tula na may pamagat na:
“Ayuda sa Panahon ng Pandemya” ni Rhea T. Bejasa.)
C. Paglalahad sa Aralin

Klas, may napansin ba kayo sa pagkasulat ng mga


salita sa binasa nating tula? Victor.
Opo sir, ang ilang mga salita po ay nakasulat ng
pahilis.
Maaari mo basahin ang mga salitang ito?
Hermano
pito
pito
saya
saya
mama
mama

Kung ating mapapansin mga bata, ang mga salita ay


kapuwa pareho ng baybay ngunit mayroong
pagkakaiba ng kahulugan sa tulong ng tamang
pagbigkas ng mga salita.

Ang mga salitang inyong binasa nanakasukat ng


pahilis ay may kaugnayan sa paksang ating tatalakayin
ngayong araw at ito ay ang ponemang
suprasegmental. Ang mga ponemang suprasegmental
ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog
na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat. Sa halip, sinisimbulo it ng mga notasyong
ponemiko o transkripsyong ponemiko
upang matukoy ang paraan no pagbigkas. Ang mga uri
ng ponemang suprasegmental ay ang tono, din at
antala.

(ipakikita ng guro ang paksang aralin)

D. Paghawan ng Sagabal

Bago natin suriin ang mga salitang nakasulat ng pahilis


ay atin munang alamin ang ibig ipakahulugan ng ilang
terminolohiya upang ito ay higit nating maunawaan.

(Ang mga bata ay pipili sa kahahon at itatapat sa


pinakaangkop na bilang)

a. Morpema

b. Ponema

c. Pagpapantig

1. Tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng tunog


na may kabuluhan.Sinisimbolo ito ng mga titik
natin sa ating alpabeto na mauuri sa dalawa,
ang patinig at katinig.

2. Tumutukoy sa pinagsama-samang tunog


upang makabuo ngsalita. Ito ang pinakamaliit
na yunit ng salita.

3. Ang paghahati ng bigkas ng isang salita.


Halimbawa, angsalitang KAIBIGAN ay may
apat (4) na pantig sapagkat apat na bahagi
ang pagbigkas nito.

E. Pagtalakay sa Aralin

Ngayon ay aalamin natin ang ang bumubuo sa


ponemang suprasegmental. Unahin na natin ang tono
o intonasyon.. Maaari mo bang basahin ang
kahulugan nito, Marko.

Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng


tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng
kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod
na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ng pagtaas o
Salamat Marko. Lagi nating tandaan, kapag sinabing pagbaba ng tinig.
tono o intonasyon, ito ay tumutukoy sa pagtaas at
pagbaba ng tinig ng nagsasalita. Magbibigay ako ng
mga halimbawa upang ito ay ating higit na
maunawaan. Pagkatapos kong magbigay ng
halimbawa sa bawat bilang ay bibigyan ko kayo ng
pagkakataong magbigay din ng halimbawa.

1. Pagsasalaysay/paglalarawan
Dumating sila kanina.
Maganda talaga si Roa

2. Masasagot ng 00 o HINDI
Halimbawa:
Totoo?
Sila iyon, di ba?

3. Paghahayag ng matinding damdamin


Naku, may sunog!
Hoy! Alis dyan!

4. Pagbati
Kumusta ka?
Magandang umaga po.
Salamat sa iyo.

Pagsagot sa tanong
0o, aalis na ako.
Ang pangalawang bumubuo sa suprasegmental ay
diin/haba. Anon ga ba ang diin/haba? Maaari mo
bang basahin, Petra.

Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol


ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin
naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng
salita. Ginagamit ang simbolong tuldok /./ upang
Salamat Petra, pakatatandaan natin klas na ito ay matukoy ang pantig ng salita na may diin.
haba ng pagbigkas. Tandaan din natin ang ginagamit
na simbolo ito ay ang /./. Mayroon tayong mga
halimbawa rito upang ito ay ating higit na
maunawaan.

1. /ba.hay/
2. /ku.bo/
3. /ka.hoy/

Magtungo naman tayo sa ikatlong bumubuo sa


suprasegmental, ito ay ang antala. Maaari mo bang
basahin Pedring ang kahulugan ng antala.
Nangangahulugan ito ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. Maaaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap,
at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang
paghinto.
Salamat Pedring, tama ito ay ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita. Bakit? Upang higit na malinaw ang
mensaheng ipinapahiwatig.

Mayroon tayong mga halimbawa dito klas, ang


pahalang na guhit ang magbibigay ng hudyat sa
bahagyang paghinto.

PANGUNGUSAP KAHULUGAN

Duke Eduardo Miguel Sinasabi ang buong


ang pangalan pangalan ng ipinakikilala
niya/
Duke/ Eduardo Miguel Kinakausap si Duke at
ang pangalan ipinakikilala sa kanya si
niya// Eduardo Miguel
F. Paglalahat

Base sa mga naibigay na halimbawa ano ang


tinatawag na ponemang suprasegmental? Jose.
Ang suprasegmental ay binubuo ng tono, diin at
antala. Ang tatlong bumubuo po sa ponemang
suprasegmental ay may kaniya kaniyang fanksiyon
upang epektibong maipahiwag ang nais iparating na
mensahe o ideya.
Salamat Jose!
Ano naman ang papel ng tono/intonasyon? Cicero. Sir, ang papel po ng tono/intonasyon ay ang pagbaba
o pagtaas ng tinig, ang pagtaas ng tono o ang pagbaba
nito ay indikasyon o hudyat ng kahulugan.

Salamat Cicero!

Ano ang papel ng diin/haba? John.


Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas.

Ano naman ang papel ng antala? Enrique.


Sir, ito po ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
Mahusay mga bata!

Napakahusay niyo mga bata!

IV. Ebalwasyon

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng Tirahan po sir.


mga transkripsyong
ponemiko. Isulat sa patlang sa kaliwa ang sagot. Isulat
naman sa patlang sa
gawing uli sang transkripsyong ponemiko ng isinasaad
na kahulugan. Makikita
sa unang bilang ang halimbawa: Isulat ang sagot sa
sariling sagutang papel.
Sagisag po sir.
nail 1. /pa.ko?/ /pako?/ 1.fern
______2. /si.kat/ _______2.known
______3. /bu.sog/ _______3.full
Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t
ibang damdamin, makapagbigay kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Aktibiti B

Panuto: Pilin mula sa kahon at isulat sa patlang ang


tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.

/bu.kas/, /bukas/

1.______na tayo pumunta ng bahay para sa paggawa


uli san proyekto.
2.______pa ang mga malls ngayon kaya bilisan mo at
nang makahabol ka.

/bu.hay/, /buhay/ Sir, may pag-aalinlangan.

3.________ang diwa ng pagdadamayan dito kaya


karaniwan na lamang ang
makakita ng mga taong nagtutulungan kahit di
magkakilala.
4.Ang _________ng tao ay nakasalalay sa sakripisyo at
pagsisikap nito.

/sa.yah/, /sayah/ Ako po sir! Ang ibig sabihin po nito ay may


kasiguraduhan!

5. Wala na akong nakikitang kakabaihang nagsusuot


ng______dito sa aming lugar.
6. Hindi mapigilan ang kanyang______
nang makita ang mahal niya. Ang antala ay bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid
/pa.so?/, / paso?/ sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//), o gitling (-).
Ginamot ni uli sang______
niya sa binti.
8. Mahilig sa halaman ang uli sang kaya reregaluhan
ko siya ng__________.
/tuboh/, /tu.bo? /
1. Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala
9.Abnormal ang___________ng saging tuwing tag- 2. Kinakausap si Duke at ipinakikilala
init. sa kanya si Eduardo Miguel.
10. Nangunguna ang Mindanao sa pag-aani ng palay
at produksiyon ng asukal mula sa_______
3. Ipinakikilala si Miguel kay Duke Eduardo.
V. Ebalwasyon

4. Ipinakikilala sina Duke at Eduardo kay Miguel


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag o
pangungusap. Isulat
ang kahulugan nito batay sa pag-iba ng hinto sa
pagbigkas nito. Limang puntos
bawat aytem. Ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa
ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit
bilang pantulong ay ang tono (pitch), haba (length) at
antala (juncture).
PAHAYAG/PANGUNGUSAP KAHULUGAN
1. Hindi pula.//
Tono, diin at antala po sir.
2. Hindi/ pula.//
3. Hindi siya ang nanalo.//
4. Hindi/siya ang nanalo.//
Nakatutulong po ito sa epektibong
pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Kapag maayos at
wastong tono, diin at antala po ang ating gagamitin ay
VI. Ebalwasyon
mauunawaan po natin ang mga ideya at mensahe ng
walang halong pagkalito
A. Panuto: Ipaliwanag ang tanong sa ibaba.
Isulat sa loob ng kahon ang iyong paliwanag.
Tanong:
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang paggamit ng
ponemang
suprasegmental sa ating pakikipagtalastasan?

B. By Panuto: Pumili at Isulat sa patlang ang


tamang salita na may wastong din ayon
sa wastong gamit nito sa pangungusap.

Mga salitang Pangungusap


pagpipilian
/pala/, /pa.lah/ 1.Dumating na______
siya kagabi na may
dalang maraming____.

/da.ting/, /dating/ 2._____matamlay na


ang bata noong
bagong______
pa lamang ito.
/la.mang/, 3. Ako______
/lamang/ dapat ang
maging______
sa amin
/tagah/, /taga?/ Ang lalaking____
probinsiya ay
may_______
sa kanyang mukha.
/ya.ya/ /yaya?/ 5. Ang aming____
ay nag-_______
nang mamasyal.

Takdang Aralin

Panuto: Gamit ang natutuhan, sumulat ng isang talata


gamit ang mga
salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang
kaligirang baybay nito.
Maaaring pumili sa mga mungkahing paksa sa ibaba o
bumuo ng sariling paksa.
Mga Mungkahing Paksa:

1. Mga Hakbang sa Pagpapanatili ng Kalinisan ng


Katawan

2. Bagong Buhay sa New Normal

3. Mga Nais Kong Gawin Pagkatapos ng


Pandemya
4.
Pamantayan sa Pagmamarka:

Organisasyon ng ideya 25 puntos


Kawastuhan ng 10 puntos
pagbabago ng diin
Wastong gamit ng 10 puntos
salita(bantas, malaking
titik,baybay)
Kalinisan 5 puntos
Kabuan 50 puntos

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JETHRO KENT J. BORRES ALONA O. GERONIMO


Gurong Nagsasanay Tagasanay

Pinagtibay ni:

SAMUEL R. APOSTOL, Ed D.
Punongguro IV

You might also like