You are on page 1of 10

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Filipino 2: Kasanayan sa Komunikasyon at Pagpapahalaga sa Noli Me Tangere


Aralin (Wika Panitikan at Iba pang Anyo)

Subject Code: Fil.2 Lesson Guide Code: _1_ Lesson Code: 1.1 Time Limit: __30 minuto___

TA: 1 minuto ATA:____

Sa katapusan ng talakayan ay inaasahang makamit ang sumusunod:

1. naipaliliwanag ang mga ponemang suprasegmental;

2. natutukoy ang kahalagahan ng tamang paggamit ng ponemang suprasegmental; at

3. nabibigyang kahulugan ang paggamit ng mga uri ng ponemang suprasegmental sa


ibinigay na sitwasyon.

TA: 4 minuto ATA: ____

Ano-ano ang sinisimbolo ng mga “emoticons” para sa’yo?

Subukin mong bigyan ito ng kahulugan at gamit, batay sa paksang ating tatalakayin: Ang
Ponemang Suprasegmental.

Kahalagahan: Ponemang Suprasegmental ang tawag sa paraan ng pagbigkas ng isang


salita, parilala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan.

“In My Feelings”

Panuto: Bigkasin at gamitin sa isang pangungusap kung anong uri ng emosyon ang
ibinibigay ng bawat salita batay sa magkaibang nakalaan na “emoticons”.

Halimbawa:

Paano nagkakaiba ang bigkas ng pangungusap na “Mahal ko ang bayan ko.” gamit ang
emoticons na: at Nahihiya
Naglalambing

Nagugulat
Natatawa “Masusugpo
ang virus.”
“Laganap ang
Nalulungkot virus.”
Nagagalit

Filipino 2 Pahina 1 ng 10
Ngayong nabigkas mo ang bawat pangungusap batay sa ibinigay na emoticon, paano
nagkakaiba ang mga ito? Upang mapalawak ang iyong kasagutan, magtungo sa susunod na
bahagi.

TA: 15 minuto ATA: ____

Ang Ponemang Suprasegmental:

Sa tulong ng isinagawang gawain sa naunang bahagi ay maaaring mapalawak ang kahulugan


ng Ponemang Suprasegmental sa pamamagitan ng pagtukoy sa kahalagahan at tamang
paggamit nito.

Mahalaga ang wastong pagbigkas. Sa pamamagitan nito ay mas nauunawaan at


nararamdaman ng tagapakinig (dekoder) ang diwang nais ipahiwatig ng tagapagsalita
(enkoder). Dito papasok ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ponemang Suprasegmental.

Pansinin ang magkaibang pangungusap:

1. “Laganap ang virus!”


Gamit ang emoticon na nagugulat, nagpapabatid ito ng pagkabigla o
sensyales ng hindi inaasahang pagtanggap.

2. “Laganap ang virus?”


Gamit ang emoticon na nalulungkot, nagpapabatid ito ng pangamba o
sensyales ng kalungkutan.

Sa madaling sabi, mas nagiging malinaw at tiyak ang paghahatid ng mensahe na may kalakip
na emosyon sa pamamagitan ng tamang pagbigkas.

Ang Ponema:

Naalala mo pa ba ang iyong mga natutuhan tungkol sa ponema?

Ang Ponema ay isang makabuluhang tunog sa isang salita na ginagamit upang makabuo ng
kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga ito.

May 21 ponema sa wikang Filipino:

• 16 na Katinig
(p, t, k, b, d, g, m, n, s, h, l, r, w, y, ng, impit na tunog o glottal sound)

• 5 Patinig
(a, e, i, o, u)

Filipino 2 Pahina 2 ng 10
Tandaan: Maliban sa mga ponemang malayang nagpapalitan, kapag pinalitan ang isang
ponema sa loob ng isang salita, ito ay makabubuo ng ibang kahulugan.

• Ang mga ponemang segmental kapag pinagsama- sama sa makabuluhang ayos ay


makabubuo ng salita.

• Sa pagbigkas naman ng mga nabuong salita pumapasok ang ponemang


suprasegmental.

Ang Mga Uri ng Ponemang Suprasegmental

Batay sa mga ibinigay na paliwanag sa itaas, masasabi mo bang lubusan mo nang naintindihan ang
ponemang suprasegmental?

Kung gayon, tumungo naman tayo sa pagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga ponemang
suprasegmental batay sa ibinigay na sitwasyon o sa madaling sabi ay kung paano mo ito
magagamit sa pang araw-araw.

Tandaan: Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng


tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.

Balikan: Sa unang bahagi ng talakayan, gumamit tayo ng mga simbolong “emoticons” upang
lubusang maintindihan ang pagbigkas batay sa isinaasaad na emosyon. Ito ay halimbawa
lamang, sapagka’t sa ponemang suprasegmental ay may tinatawag na notasyong ponemiko.

• Sa ponemang suprasegmental ay gumagamit ng mga tinatawag na notasyong


ponemiko na makatutulong upang matukoy ang tamang paraan ng pagbigkas.

Paano mo bibigkasin at bibigyang kahulugan ang pahayag na ito?

Kailan magsasagawa ng mass testing

Gamit ang notasyong ponemiko maiintindihan natin na ang nagsasalita ay nasa


tonong nagtatanong dahil sa pagtaas ng linya na sumisimbolo sa tono.

Ito ay nagsisilbing pantulong sa ponemang segmental at tumutukoy sa paraan ng


pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

Filipino 2 Pahina 3 ng 10
Ngayon ay pamilyar ka na sa isang halimbawa ng pagtukoy ng ponemang suprasegmental.
Palawakin pa natin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa tatlong uri ng ponemang
suprasegmental: ang diin, intonasyon at hinto.

1. Intonasyon o Tono (pitch)

• Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng pagbigkas ng pantig ng isang salita upang


higit na mabisa ang pakikipag-usap sa kapwa.

• Makahulugan ang tono bilang isang suprasegmental dahil nagbabago ang


kahulugan ng isang salita o pangungusap batay sa pagbabago ng tono.

Halimbawa:
Ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang pangungusap nang may parehong ayos at
baybay?
a. May nag mañanita kahapon

b. May nag mañanita kahapon

Nasa parehong ayos at baybay ang dalawang pangungusap, ngunit matutukoy


ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawa dahil sa pagkakaroon ng pagbabago ng
tono.

Ang unang pangungusap, ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong habang


naglalahad o nagsasalaysay naman ang ikalawang pangungusap.

Kaya mo bang tukuyin ang iba pang halimbawa? Subukin mo.

Gawin: Alin sa dalawang halimbawa ang tumutukoy sa pangungungusap na


nagtataka?

a. Nagpahayag ng saloobin ang Pangulo ng dis-oras ng gabi

b. Nagpahayag ng saloobin ang Pangulo ng dis-oras ng gabi

Kung ang iyong kasagutan ay ang ikalawang pangungusap, ikaw ay tama! Maaari
ka nang magtungo sa susunod na bahagi.

Tandaan: May tatlong lebel ang tono: unang lebel (mababang tono ng pantig), ikalawang lebel
(katamtamang tono), at ikatlong lebel (mataas na tono). Sa loob ng pangungusap, kadalasang
nahahati sa lebel ng tono ang huling salita.

Filipino 2 Pahina 4 ng 10
2. Hinto/Tigil o Antala (juncture)

• Tumutukoy ito sa saglit na pagtigil na isinasagawa sa pagsasalita.

• Maaaring huminto nang panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at


maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto.

Ang• paggamit ng mga simbolong (,) bilang panandaliang paghinto at ng tuldok (.)
bilang katapusan ng pangungusap.

Halimbawa:

Ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang pangungusap nang may parehong ayos at
baybay?

a. Hindi, Covid 19. b. Hindi Covid 19.

Nasa parehong ayos at baybay ang dalawang pangungusap, ngunit matutukoy ang
pagkakaiba ng kahulugan ng dalawa dahil sa pagkakaroon ng pagbabago ng simbulo.

Sa unang pangungusap, ang nagsasalita ay sigurado sa tinutukoy na sakit


samantalang hindi naman iyon ang uri ng sakit na tinutukoy sa ikalawang
pangungusap.

Nilalagyan naman ng isang bar ( / ) ang isang saglit na paghinto at ng dalawang bar
(//) ang katapusan ng pangungusap. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng
pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.

Halimbawa:

Ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang pangungusap nang may parehong ayos at
baybay?

a. Doktor Francisco Duque ang pangalan niya//


Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.
b. Doktor / Francisco Duque ang pangalan niya//
Kinakausap ang Doktor, at ipinakikilala Si Franciso Duque.
c. Doktor Francisco / Duque ang pangalan niya//
Kausap ang isang Doktor na Franciso ang pangalan. Ipinakikilala si
Duque.
d. Doktor / Francisco / Duque ang pangalan niya//
Ipinakikilala ang isang Doktor at si Francisco kay Duque.

Filipino 2 Pahina 5 ng 10
Kaya mo bang tukuyin ang iba pang halimbawa? Subukin mo.

Gawin: Alin sa dalawang halimbawa ang tumutukoy sa naging pag-amin ng


kasalanan dahil sa kawalan ng disiplina sa kalinisan?

a. Hindi / ako / ang sanhi ng paglaganap ng virus//

b. Hindi / ako ang sanhi ng paglaganap ng virus//

Kung ang iyong kasagutan ay ang ikalawang pangungusap, ikaw ay tama! Maaari
ka nang magtungo sa susunod na bahagi.

3. Haba at Diin (stress)

• Ang haba ay tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng


pantig ng salita.

Halimbawa:

Sa transkripsyon, ang tuldok (.) ay nagsisilbing pananda upang matukoy ang


pantig na binibigkas nang mahaba.

Sa salitang Pangulo, ang /a/ sa Pa ang may diin dahil binibigkas ito nang may
kahabaan kaysa
• Ang diin /u/ ng
naman ngu- at – /o/
ay tumutukoy sang lo. ng pagbigkas ng pantig ng salita.
lakas

Tandaan: Mahalaga ang diin sa wikang Filipino sapagkat nagbabago ang kahulugan ng
isang salita kapag nababago ang diin nito. Pansinin ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

Ang salitang magnanakaw na may diin sa pantig na /na/ at haba sa /a/ ay


nangangahulugan ng isang kilos (pandiwa).
Pansinin naman ang pagbabago ng kahulugan nang walang haba at diin sa
ikalawang salita na magnanakaw na tumutukoy sa tao (pangngalan).

Filipino 2 Pahina 6 ng 10
TA: 18 minuto ATA: ____

Ngayon naman ay nasa bahagi na tayo ng pagsagot sa mga katanungan upang masukat ang
lawak ng iyong natutunan.

I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan lamang ang titik ng
mapipiling kasagutan.

1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag?

a. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga maysakit

b. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga maysakit

c. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga maysakit

d. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga maysakit

2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagtataka?

a. Maka-agham ang pagtugon ng gobyerno sa pagsugpo ng sakit

b. Maka-agham ang pagtugon ng gobyerno sa pagsugpo ng sakit

c. Maka-agham ang pagtugon ng gobyerno sa pagsugpo ng sakit

d. Maka-agham ang pagtugon ng gobyerno sa pagsugpo ng sakit

3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakilala ng pangalan ng kasama


sa kinakausap?

a. Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan niya//

b. Pangulong/Rodrigo/ Duterte/ ang pangalan niya//

c. Pangulong Rodrigo/ Duterte ang pangalan niya//

d. Pangulong /Rodrigo/ Duterte ang pangalan niya//

Filipino 2 Pahina 7 ng 10
4. Inamin niya ang kasalanan.

a. Hindi/ ako/ ang nagbulsa ng pondo//

b. Hindi/ ako ang nagbulsa ng pondo//

c. Hindi ako ang nagbulsa ng pondo//

d. Hindi ako/ ang nagbulsa ng pondo//

5. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong haba?

a. /kai.lan/

b. /tay.o/

c. /mag.hihi.lom/

d. /Pi.li.pi.nas/

II. Panuto: Tukuyin ang haba at diin ng sumusunod na salita. Isulat lamang ang
transkripsyong ponemiko sa kabilang hanay.

Salita Transkripsyon

Manggagamot (pandiwa)

Manggagamot (pangngalan)

Buhay (life)

Buhay (alive)

IV. Panuto: Lagyan ng wastong tono ang sumusunod na pangungusap.

a. Nangutang ang Pangulo (nagtatanong)

b. Nangutang ang Pangulo (naglalahad)

Filipino 2 Pahina 8 ng 10
V. Panuto: Sagutin ang katanungan gamit ang angkop naponemang suprasegmental.
(10 puntos)

Sa kabila ng isinasagawang programa ng gubyerno ng Pilipinas sa pagsugpo ng nakamamatay


na sakit na COVID-19, sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit patuloy na tumataas
ang bilang ng mga maysakit sa bansa? Magbigay ng partikular na tugon at pangatwiranan sa
pamamagitan ng pabibigay ng partikular na halimbawa at pagbibigay solusyon sa mga ito.

Pamantayan sa Pagmamarka
Wasto at maayos ang naging paggamit ng ponemang
Organisasyon 4 puntos
suprasegmental

Nilalaman Kumpleto ang diwa at ideya ng pagpapahayag. 4 puntos

Wastong Gamit ng
Wasto ang gamit ng bantas 2 puntos
Bantas
Kabuuan 10 puntos

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Filipino 2 Pahina 9 ng 10
TA: 2 minuto ATA: ____

Pagpapahalaga

Sa pamamagitan ng mga ponemang segmental o makabuluhang tunog sa


Filipino ay nakabubuo tayo ng mga salita upang bumuo naman ng mga
pangungusap na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan sa ating kapwa.

Higit na nagiging mabisa ang ating pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng


paggamit natin ng mga ponemang suprasegmental.

Mahalaga ang suprasegmental dahil ito ay pantulong sa ponemang segmental.

TA – suggested time allocation set by the teacher


ATA – actual time spent by the student (for information purpose only)

Sanggunian

Bernales, Rolando A. et, al.: (2002). Komunikasyon sa Wikang Filipino. Valenzuela City:
Mutya Publishing House.

Mendoza, Elenita D. (2002). Sining ng pagbigkas at pasulat na pakikipagtalastasan : tula,


deklamasyon, talumpati at kuwento. National Book Store: Mandaluyong City.

https://www.google.com/imghp?hl=en. Inakses noong Ika-10 ng Hulyo 2020

Inihanda ni: SALVADOR Q. FONTANILLA I


Posisyon: Special Science Teacher II
Kampus: PSHS-Main
Pangalan ng reviewer: PENELYN M. BANAWA
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV
Kampus: PSHS-Cordillera Administrative Region

Filipino 2 Pahina 10 ng 10

You might also like