You are on page 1of 2

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Pag-iba-ibahin ang bilis ng pagbigkas sa mga pangungusap sa bawat letra (A, B, C,) batay sa hinihingi sa
bawat bilang
A. “Umuulan na naman”
1. Iklian ang bigkas na parang nagulat.
2. Habaan ang bigkas na parang nanghihinayang.
3. Katamtaman ang bigkas na parang nagsasaad lamang ng tunay na pangyayari.
B. “Lumapit ka, __________ “Idugtong ang sumusunod:
1. pag hindi, iiwan kita!
2. at may ipapakita ako sa iyo.
3. at nang Makita mo ang hinahanap mo!
C. “Ayoko! Ayoko! Ayoko
1. Dalangan ang bigkas sa bawat pantig ng huling ayoko!
2. Dagdagan ang tindi sa bawat pantig ng huling ayoko!
3. Isigaw ang unang “ayoko” at saka bawasan ang tindi na parang alingawngaw ng damdaming
bumugso sa unang pagbigkas.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang napansin mo sa pagbigkas ng mga pangungusap batay sat ono, diin, at hinto ng mga ito?
2. Nagkaroon ba ng pagbabago ang kahulugan habang binibigkas sa iba-ibang paraan? Patunayan.
3. MAdali bang naunawaan ang mga pahayag sa iba’t ibang pagpapahayag? Ipaliwanag.

Sa paggamit ng ponemang suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin at


kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita upang madaling matukoy ang kahulugan, layunin o intensyon ng
nagsasalita
Sa ponolohiyang Filipino, may tinatawag ding ponemang suprasegmental.
May tatlong uri ng ponemang suprasegmental:
(1) intonasyon o tono;
(2) diin at haba;
(3) hinto/antala.

1. Intonasyon o Tono
Ang intonasyon o tono ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng
salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita upang higitna maging mabisa ang ating
pakikipag- usap maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono- may bahaging mababa, katamtaman, mataas o
mataas na mataas.

A B
3 3
2 PON 2 HA
K K
A
Sa kahapon
1 Asamantalang sa kahapon (b)1 ito ay
(a) ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong,
nagsasalaysay. HA PON
Ito ay dahil sa tono. Sa nabasang halimbawa, nakitang sadyang makahulugan o ponemiko ang tono
bilang suprasegmental.
Naroon ang diwa ng salitang kahapon na ang ibig sabihin ay nagdaang araw . Ngunit dahil sa tono,
nagkaroon ito ng dagdag na diwang ibig ipahatid ng bumigkas: nagtatanong o nagdududa na humihingi ng
kasagutan.
Narito ang iba pang halimbawa:
Ang ganda ng dalaga? (Nagtatanong/Nagdududa)
Ang ganda ng dalaga. (Naglalarawan)
Ang ganda ng dalaga! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Ang salitang kasama (companion) ay salitang malumay na ang diin ay nasa patinig na /a/ sa pantig na –sa-
ay higit na mahaba ang nagiging bigkas kaysa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at –ma.
Subuking alisin ang haba ng patinig sa pantig na –sa- at mababago ang kahulugan ng salita. Hindi na
companion kundi tenant na.

Iba pang halimbawa:


/kasah.ma/ = companion
/kasama/ = tenant
/magnana. kaw/ = thief
/magna. na. kaw/ = will steal

3. Hinto o Antala
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, at semi kolon, sa pagsulat upang maipakita ito.

Halimbawa:
Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda. (Pinasubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.)

You might also like