You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Aklan State University


College of Teacher Education
LABORATORY HIGH SCHOOL
Banga, Aklan

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 7

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga uri ng ponemang suprasegmental;

1.1. Haba at Diin

1.2. Tono o Intonasyon

1.3. Hinto o Antala

2. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin o opinyon tungkol sa maaaring mangyari kapag hindi


nagamit nang wasto ang ponemang suprasegmental; at

3. Nakabubuo ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ponemang suprasegmental sa


pakipagtatalastasan.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa:
Ponemang Suprasegmental
b. Sanggunian:
Baisa, A. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2014.
p. 200 - 201
c. Mga Kagamitan:
Multimedia Presentation, Biswal na Kagamitan (Visual Aids), Laptop, at Projector.

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga klase!


Magandang umaga po, Bb. Arador!

Bago tayo
magsimula sa Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Diyos Espiritu
Santo.
Panginoon, salamat po nang marami dahil ligtas

ating po kaming nakarating sa loob ng silid-aralang ito


upang kami’y makapag-aral. Patawarin Mo po
kami sa aming mga kasalanan. Ihanda Mo ang

makabuluhang aming pag-iisip at puso sa pagtanggap ng mga


kaalaman ibabahagi sa umagang ito ng aming
butihing guro. Tulungan Mo Kami lubusang

talakayan ay maunawaan ang mahahalagang impormasyong


matutuhan namin. Sa inyo po lahat ng kapurihan.
Hinihingi po namin ang lahat ng ito, sa pangalan

manalangin
ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas. Amen.

muna tayo sa
ating (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng mga
kalat.)

Panginoon, (Sasabihin ni Edgar ang liban sa klase.)

hingin
natin ang Opo Ma’am!

kanyang
presensiya, at
paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong
araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo
magsimula sa
ating
makabuluhang
talakayan ay
manalangin Kapansin-pansin po na magkapareho ang baybay
ng bawat pares ng salita.

muna tayo sa
ating
Panginoon,
hingin Ang mga Kaalamang Bayan na ating tinalakay ay

natin ang
ang Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de gulong,
Bugtong at Palaisipan.

kanyang
presensiya, at
paggabay sa Ang ponema ay ang tunog sa bawat titik.

pag-aaral natin
Ang Ponemang Segmental ay nangangahulugan

ngayong nag-iiba ang kahulugan ng isang salita kapag


pinapalitan o nawawala ang isang ponema nito.

araw, magsitayo Ang Ponemang Suprasegmental ang tawag sa


tunog na may pagsaalang-alang sa katiyakan ng
paraan ng pagbigkas.
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo
magsimula sa Ang haba ay tumutukoy sa haba o tagal ng
pagbigkas sa patinig na pantig ng isang salita

ating Ang diin ay ang bigat, lakas o pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig ng isang salita.

makabuluhang
talakayan ay
manalangin
muna tayo sa
ating
Panginoon, Opo ma’am.

hingin (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng

natin ang halimbawa sa guro.)

kanyang (Sasagutan ng mga mag-aaral ang gawain.)

presensiya, at Ang tono ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagbigkas ng salita o pahayag.

paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong
araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo magsimula sa ating makabuluhang
talakayan ay manalangin muna tayo sa ating
Panginoon, hingin natin ang kanyang presensiya at
paggabay sa pag-aaral natin ngayong araw na ito.
Magsitayo ang lahat at yumuko. Pangunahan mo ang
panalangin, Almaecah.
(Spiritual Intelligence)

(Bibigkasin ng mga mag-aaral ang salita ayon sa


tono nito.)

(Sasagutan ng mga mag-aaral ang inihandang


Maraming Salamat, Almaecah. Bago kayo umupo ay gawain.)
pulutin muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga
upuan at ilagay ito sa basurahan.
(Naturalist Intelligence)
Ang hinto o antala ay ang saglit na pagtigil sa
Edgar, maaari mo bang sabihin kung sino ang mga pagbigkas o pagsasalita.
liban sa klase?

Maraming Salamat! Ngayon, tayo ay magsimula na sa


ating aralin.

B. Pagganyak

Handa na ba kayo sa ating talakayan ngayong umaga?

Ngayon bago tayo dumako sa ating pormal na


talakayan ay may nais akong ipakitang dalawang
pares ng mga salita na may kaugnayan sa paksang
ating tatalakayin sa umagang ito. (Logical & Visual-
Spatial Intelligence)
(Sasagutin ng mag-aaral ang halimbawa.)

(Sasagutin ng mag-aaral ang pagsasanay.)

Para po sa akin, maaaring hindi po


magkaintindihan ang magkausap.

Mahihirapan pong tukuyin ng tagapagpakinig ang


mensahe o saloobin na nais ipabatid ng
tagapagsalita.

Nauunawaan po naming ma’am at wala na po


kaming tanong.

Ano ang napapansin ninyo sa dalawang pares ng mga


salita?

Tama! Mapapansin sa dalawang pares ng salita na


magkapapareho ang baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan batay sa paraan ng pagbigkas nito. Dahil
ito sa ponemang suprasegmental. (Bubuo ng sanaysay ang mga mag-aaral.)

C. Pagtatalakay sa Aralin

(Verbal-Lingistic Intelligence)
Bago natin umpisahan ang talakayan ay magbalik-
tanaw muna tayo. Noong nakaraang linggo ay pinag- Nalaman ko po ang tatlong bahagi ng ponemang
aralan natin ang mga Kaalamang Bayan. Maaari mo suprasegmental at natutunan ko po na huwag
bang ibigay Mheiljess ang ilan sa mga Kaalamang basta-basta magbibitaw ng mga salita kung kaya’t
Bayan na ating tinalakay? dapat gamitin ang mga ponemang
suprasegmental upang maiwasan ang hindi
pagkauunawaan at maging malinaw ang
pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.
Mahusay! Ngayon ay dumako na tayo sa paksang
ating tatalakayin. Bago ang talakayan, alamin muna
natin ang ibig sabihin ng Ponemang Suprasegmental
at ano ang pinagbubuhatan ng salitang ito upang
lubos na maunawaan natin ang aralin.

Unahin natin ang salitang ponema. Ano ang ponema?


Maaari mo bang basahin, Jessica?

Kapag binigkas ko ang titik A ay nakabubuo ito ng


tunog at iyon ang tinatawag na ponema. Ang ponema
ay may dalawang uri: Ponemang Segmental at
Ponemang Suprasegmental. Ano ang Ponemang
Segmental at Suprasegmental? Pakibasa, Jay.

Kapag sinabing Ponemang Segmental ay nagbabago


ang kahulugan ng isang salita kapag napalitan ang
isang ponema nito. Halimbawa ang salitang iwan at
ewan. Nang pinalitan ang ponemang i sa e ay
nagbago ang kahulugan nito at Ponemang
Suprasegmental naman ang tawag sa paraan ng
pagbibigkas ng mga salita. Binabatay ito sa haba at
diin, tono o intonasyon at hinto o antala. Ngayon ay
isa-isa nating pag-usapan ang nasabing mga
Ponemang Suprasegmental.

Ang una sa mga ito ay ang haba at diin. Pakibasa,


Jamaica.

Karaniwang magkasama ang haba at diin sa pagbigkas


ng isang pantig. Tandaan ang pagbabago ng diin ay
siya ring pagbabago ng tunog para sa mga salitang
may iisang baybay.

Sa mga ipakikita kong halimbawa, bigkasin niyo ng


may diin ang mga pantig na nakasulat sa malaking
titik.

HApon – afternoon
haPON – Japanese

Sa unang salita, makikita na ang diin ay nasa unang


pantig ng salita kaya’t ito ay nangangahulugang
afternoon at sa ikalawang salita naman ay nasa huling
pantig naman ng salita ang diin kaya’t ito’y
nangangahulugang Japanese.
Naiintindihan na ba klase ang haba at diin?

Kung naiintindihan ninyo, magbigay kayo ng


halimbawa ng mga salitang magkapareho ang baybay
pero magkaiba ang kahulugan.

Para madagdagan ang inyong kaalaman tungkol sa


haba at diin na ating tinalakay, isang pagsasanay ang
aking ibibigay. Letra lamang ang inyong sasabihin.

Dumako naman tayo sa tono o intonasyon. Pakibasa,


Ethan.

Ang pagbabago ng tono ay maaaring nagpahahayag


ng iba’t ibang damdamin at mag-iwan ng iba’t ibang
impresyon. Ang tono ay maaaring 1 – mababa, 2 –
katamtaman at 3 – mataas. Gamitan natin ng bilang
ang bawat tono. Gamitin natin ang halimbawa.

Basahin ninyo ang mga sumusunod na salita na may


iba’t ibang tono ayon sa bilang nito. Subukan natin ito
sa salitang talaga.

Bigkasin natin ang unang salita. Mapapansin na ang


pantig na TA ay nasa katamtamang tono, ang pantig
na LA naman ay nasa mataas na tono at ang pantig na
GA ay nasa mababang tono. Kaya kapag binigkas
natin ito ay nag-iiwan ito ng impresyon na
pagpatitibay ng salita o may kasiguraduhan. Sa
ikalawang salita naman ang TA ay nasa katamtamang
tono pa din, ang LA ay nasa mababang tono at ang GA
ay nasa mataas na tono kung kaya’t pag binigkas ito
ay nag-iiwan ito ng impresyon na nagtatanong o nag-
aalinlangan.

Ngayon ay sabayan niyo akong bigkasin muli ang mga


salita ayon sa tono nito.

Ngayon ay subukin natin ang kung naintindihan ninyo


ang tono o intonasyon. May inihanda akong gawain
ukol dito.

Magaling! Ngayon naman ay dumako tayo sa huling


ponemang suprasegmental. Ito ang hinto o antala.
Basahin ang kahulugan, Kellen.
Ang hinto o antala sa pangungusap ay ginagamitan ng
kuwit ( , ). Ang paggamit ng hinto o antala ay
nakapagpababago ng kahulugan ng isang pahayag.

Gamitin natin ang pangungusap na “Hindi maganda.”.


Sa pangungusap na ito ay walang paghinto o antalang
inilagay kaya ito ay nangangahulugang hindi maganda
ang isang bagay.

Samantalang sa ikalawang pangungusap na “Hindi,


maganda. ” Mapapansin na inilagay ang antala
pagkatapos ng salitang hindi. Dahil ditto ay nagkaroon
ng pagbabago ang kahulugan sa pahayag. Ito naman
ay nangangahulugang pinasusubalian ang isang bagay
o sinasabing ito ay maganda.

Subuking sagutin ang halimbawa na aking ibibigay.


Tukuyin kung anong pangungusap ang naglalahad ng
wastong mensahe.

Ipinakita ninyo ang inyong galing sa pagsagot sa


halimbawa ng aking ibinigay. Kaya alam kong
masasagot ninyo ang pagsasanay na aking inihanda
tungkol sa hinto o antala. Ito ang Pick Mo Na!

Mahusay mga bata! Naunawaan ninyo an gating


tinalakay tungkol sa ponemang suprasegmental.
Napagtagumpayan ninyong masagutan ang mga
pagsasanay na aking inihanda.

Sa inyong palagay, ano kaya ang maaaring mangyari


kung hindi natin gagamitin nang wasto ang
ponemang suprasegmental?

Magaling! May iba pang kasagutan?

Nauunawaan ba klase ang mga napag-usapan? May


tanong pa ba ukol sa tinalakay?

Kung gayon, dumako naman tayo sa isang gawaing


lalong magpalalalim ng inyong kaalaman at
kasanayan kaugnay ng aralin.

D. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Narito ang gawain. Bumuo ng isang sanaysay tungkol


sa kahalagahan ng ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan.

Bago magsimula, ibibigay ko muna sa inyo ang


pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman – 30
Organisasyon ng mga ideya – 30
Paggamit ng angkop na mga salita – 20
Orihinalidad – 20

Kabuuan: 100%

F. Paglalahat

Sa pangkalahatang pagtatalakayan, anong aral o


mensaheng inyong napulot mula sa araling ating
tinalakay?

Kahanga-hanga! Talaga nga namang naintindihan


ninyo ang paksang ating tinalakay klase.

IV. PAGTATAYA

Pakitago ang gamit na nakapatong sa inyong upuan


maliban sa bolpen at kumuha kayo ng kalahating
bahagi ng papel para sa pagsusulit. Inaasahan kong
masusunod ang mga panuntunan sa ganitong
gawain. Basahin ang panuto Ayanna.
(Babasahin ni Ayanna ang panuto.)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ang mga sumusunod ay mga bahagi ng


ponemang suprasegmental maliban sa
isa.
a. Tono o Intonasyon
b. Diin at Haba
c. Bugtong
d. Hinto o Antala
2. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi
nabigyan ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita.
b. Hindi magiging malinaw ang
mensaheng nais ipahiwatig.
c. Magiging malinaw ang pagsasalita.
d. Walang ideya.
3. Mahalaga ang paggamit ng ponemang
suprasegmental dahil __________.
a. Nakatutulong ito upang matukoy ang
estado ng emosyon o damdamin ng
tagapagsalita.
b. Maipahahayag nang mabuti ang nais
iparating na mensahe.
c. Maiiwasan ang hindi pagkauunawaan
sa tagapagsalita at tagapagpakinig.
d. Lahat nang nabanggit.
4. Narito ang isang anekdota. Tinatanong ng
hukom ang nasasakdal.
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nasasakdal: Hindi, si Juan.
Ano ang nais ipabatid ng nasasakdal?
a. Siya ang salarin.
b. Hindi siya ang pumatay kundi si Juan.
c. Napagkamalan siyang si Juan.
d. Siya si Juan.
5. Kung hindi tayo gumamit ng tamang diin,
tono, at antala sa pagsasalita ay magdudulot
ito ng kaguluhan sa ating pamayanan at
dahilan ng hindi pagkaiisa ng isang bansa.
Mahihinuhang ang pahayag ay isang_____.
a. opinyon
b. katotohanan
c. kasinungalingan
d. biruan

Isa-isa nating iwawasto ang pagsusulit klase.

Susi sa Pagwawasto
1. c
2. b
3. d
4. b
5. b
Klase, sino ang nakakuha ng iskor na 5, 4, 3, 2, 1

Natutuwa ako klase sapagkat lahat ay nakapasa,


nangangahulugan lamang na lubusa ninyong
nauunawaan ang topikong ating tinalakay.

Pakipasa sa harapan ang naiwastong mga papel at


ibigay sa akin. Pakikolekta, Andrea.

V. TAKDANG-ARALIN

Sa puntong ito, kunin ang kwaderno klase at isulat


ang takdang aralin para sa araling pag-uusapan
natin sa susunod na pagkikita.

A. Basahin at pag-aralan ang akdang Ang


Hukuman ni Mariang Sinukuan.

May di malinaw ba klase sa takdang -aralin?


Kung maliwanag na ang lahat ay iligpit na ang mga
gamit. Ayusin ang mga upuan, pulutin ang mga
kalat, at bunutin ang anumang bagay na nakasaksak.
Maaari na kayong lumabas ng silid.
Wala po Ma’am.
Maraming salamat at mag-ingat kayo sa pag-uwi!
Maraming salamat at paalam na po, Binibining
Arador!

Hinanda ni:

DANNIELZ C. ARADOR

Nagsasanay na guro

You might also like