Professional Documents
Culture Documents
Alam mo ba?
Nagsimulang magtalastasan ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol o tunog ng hayop na
sinabayan ng mga kumpas upang mabilis na maihatid ang mensaheng nais ipabatid. Narito ang ilan sa mga teorya
ng pinagmulan ng wika.
❖ Teoryang “Bow-wow”- Ayon sa teoryang ito, ginagaya ng mga tao tulad ng ihip ng hangin, patak ng ulan
at iba pa. Bahagi rin nito ang mga tunog na nililikha ng hayop tulad ng tahol ng aso, tilaok ng manok at iba
pa. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinawag na tuko dahil sa tunog na nililikha nito.
❖ Teoryang “Yum-yum”- Pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at kilos ng pangangatawan. Sa teoryang
ito ipinapakita ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng paggalaw at ginagaya ito sa
pamamagitan ng kanilang bibig. Isang halimbawa nito ang pagbibigay senyales na thumbs up.
❖ Teoryang “Pooh-pooh”- Sa teoryang ito, ang tao ay lumilikha ng tunog na may kahulugan upang maihayag
ang tindi ng damdaming nararamdaman tulad ng galit, tuwa, galak, takot, pangamba, at iba pa.
Ilan lamang ito sa mga teorya na ayon sa mga dalubwika, maituturing na may kakulangan upang ganap
na maipaliwanag ang kasalimuotang taglay ng pinagmulan ng wika.
Unawain Natin
MGA KAALAMANG-BAYAN
1. TULANG/AWITING PANUDYO
Ito ay isang uri ng akdang patula na, kadalasan, ang layunin ay manlibak, manukso, o
mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na
Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
1. Ale, Ale, namamayong 2. Chitchiritchit alibangbang
Pasukubin yaring sanggol Salaginto Salagubang
Pagdating sa Malabon Ang babae sa lansangan
Ipagpalit ng bagoong. Kung gumiri’y parang tandang
1
2. TUGMANG DE-GULONG
Halimbawa:
1. Ang hindi magbayad 2 Aanhin pa ang gasolina
walang problema sa kung jeep ay sira na.
karma pa lang, bayad
kana.
3. BUGTONG
Halimbawa:
1. Maliit pa si Totoy 2. Nagtago si Pilo
Marunong nang lumangoy Nakalitaw ang ulo
4. PALAISIPAN
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan
ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga
ninuno. Ito ay laganap parin hanggang sa kasalukuyan sapagkat ito’y nakapagpapataas sa isipan ng
mga mag-aaral . Ito ay hindi lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi
maging sa usapan sa internet.
Halimbawa:
1. Sa isang kulungan ay may limang 2. Anong mayroon sa ahas na
baboy si Mang Juan. mayroon din ang baboy na wala
Lumundag ang isa. Ilan ang natira? sa ibon?
2
ALAM MO BA NA …
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Halimbawa;
1. Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/Nagdududa)
2. Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
3. Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. DIIN at HABA
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na nauukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig
ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita.
Halimbawa;
1. /tu.boh/ (pipe) 2. /asoh/ (usok)
/tuboh/ (sugar cane) /a.soh/ (isang uri ng hayop)
3. HINTO O ANTALA
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa;
1. Hindi maganda (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda (sinasabing ang isang bagay ay maganda)
2. Amy, si Ann ang kapatid ko. (ipinakikila kay Amy, si Ann bilang kapatid ng nagsasalita)
Amy Ann ang kapatid ko. (sinasabig ang kanyang kapatid ay si Amy Ann)
Bukod sa mga ponemang suprasegmental, nakatutulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga di
berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng
tula. Gayundin, mahalga sa pagbigkas ang disiplina. Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa
diwang isinasaad o sab ais sabihin ng bibigkasin.
Tayain Natin
PAGSASANAY 1
PANUTO: Mula sa iyong napag-aralan mula sa kahalagahan ng tamang pagbigkas, ipaliwanag ang
kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental. (Tono, diin, antala). Pansinin ang
pamantayan sa pagwawasto bago simulan ang pagsagot. Isulat sa iyong papel ang iyong
gawa.
KABUOAN 5 puntos
KABUOAN 10 puntos
Likhain Natin
KABUOAN 10 puntos