You are on page 1of 37

Aralin 1

Ang Sariling
W ika
(Tulang Kapampangan)
W ik ang Filipino at Iba pang
M ga W ik a Natin,
Ipagmalak i, M ahalin, at
Panatilihin."
Layuning
Pampagkatuto:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nakapaglalahad ng sariling kaisipan at opinyong
hinggil sa pagpapahalaga sa wikang Filipino at
sa iba pang mga wika ng bansa;
2.Nababatid ang iba't ibang uri ng mga
kaalamang- bayan; at
3.Nakasusulat ng isang kaalamang – bayang
sasalamin sa kultura ng lugar na pinagmulan ng
isang awiting-bayan sa sariling lugar gamit ang
wika ng kabataan.
Sagot Ka
Muna!
Bukod sa wikang Filipino, ano pang
wika o diyalekto sa bansa ang alam
mo o nais mong matutuhan?

Sa iyong palagay, bakit binigyang-


pansin ng K to 12 Curriculum ang
paggamit ng MOTHER TONGUE sa pag-
aaral sa primarya?

Bakit dapat pahalagahan ang wikang


Filipino at ang iba pang mga wika ng
bansa?
Alam Mo
Ba
Isa sa pinakamahalagang bagay na naimbento o
nagawa ng tao sa mundo ay ang WIKA.
Mahalaga ito sapagkat ito ang kasangkapang
kailangan upang magkaunawaan.
Hindi naitala sa kasaysayan kung paano
nagsimulang ang pagkakaroon ng wika ng mga
tao sa mundo.
Ipinagpalagay na nagsimulang magtalastasan
ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol o
tunog na tulad ng sa hayop na sinabayan ng
mga kumpas upang mabilis na maihatid ang
mensaheng nais ipabatid.
Mga Te orya ng Pinagmulan ng
W ika
Teoryang “Bow-wow”
- Ayon sa teoryang ito, ginagaya ng mga
tao ang tunong ng kalikasan. Ang mga sinaunang
tao diumano ay kulang na kulang sa mga salitang
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa
kanilang paligid ay natutuhan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nililikha ng mga
ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko
ay tinatawag na tuko dahil sa tunog na nalilikha
nito.
Mga Te orya ng Pinagmulan ng
W ika
Teoryang “Yum-yum”
- Pinag-uuganay ang teoryang ito ang tunog at
ang kilos ng pangangatawan. Ayon sa teoryang ito,
ang tao ay tumutugon sa mga bagay na
nangangailangan ng paggalaw at ginagaya ito sa
pamamagitan ng kanilang bibig.
Mga Te orya ng Pinagmulan ng
W ika
Teoryang “Pooh-pooh”
- Ayon sa teoryang ito, ang mga ay lumilikha ng
tunog na may kahulugan upangmaipahayag ang
tindi ng damdaming nararamdaman tulad ng galit,
tuwa, galak, takot, pangamba, at iba pa
Ayon sa pananaw ng mga relihiyoso, isinasaad ng Genesis
11:1-9, dito ay mapapansin nating ang wika ay kaloob ng
Diyos sa tao. Ang Diyos ang nagtakda ng wika sa bawat
bansa.
Kaya anumang wika ang ating sinasalita, dapat ito
ating
mahalin at pahalagahan sapagkat sa pamamagitan nito ay
ating naipahahayag ang lahat ng nilalaman ng ating puso at
isipan.
Talasalitaan
:
Ang tulang ito ni Don Monico R. Mercado ay isinalin sa Tagalog
mula sa wikang Kapampangan. Ito ay itinagalog ni Lourdes
Punzalan.
Sagot Ka Muna
Ulit! 1.Bakit itinuturing na ang isang wika ng lahi ay
mas mahalaga pa sa kayamanan?
2.Paano raw malalaman ang mga mithiin o
adhikain ng isang bansa o lahi ayon sa may-
akda?
3.Bakit itinuturing ang wika na kaluluwa ng
isang bansa?
4.Naniniwala ka bang ang wika ay pamanang
yaman ng ating mga ninunong hindi dapat
pabayaan? Bakit?
5.Sa iyong palagay, bakit kailangang
pahalagahan natin ang iba pang wika ng
bansa bukod sa Filipino?
Share! Share!
Share!
Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga at pagmamalaki sa wikang
Filipino at katutubong wikang ginagamit sa lugar
na iyong kinalakihan?
Mga Kaalamang-
Bayan
Maituturing na isa sa pinakamatandang sining
ang tula sa kulturang Pilipino. Batay sa
kasaysayan, ang unang Pilipino ay may likas
na kakayahang ng
magpahayag kanilang kaisipan sa
pamamagitan ng mga salitang naiayos sa
maanyong paraan. Katunayan, ang mga
salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng
mga pahayag ng mga Pilipino noong unang
panahon.
Mga Kaalamang-
Bayan
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa
ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla, “
bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig
sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba
pang mga akdang patula tulad ng tulang
panudyo, tugmang de gulong, bugtong at
palaisipan, at iba pang kaalamang bayan.
Mga Kaalamang-
Bayan
1. T u lan g/Aw itin g Pan u dyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalsan
ang layunin ay manlibak, manukso, o mang-
uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro
kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong
Patula.
Halimbawa:
Ako isang lalaking matapang Si Maria kong
Huni ng tuko ay Dende Nagtinda sa
kinatatakutan. gabi Nang hindi
Nang ayaw maligo, kinuskos ng mabili Umupo sa
gugo Pedro Panduko, matakaw sa tabi
tuyo.
Mga Kaalamang-
Bayan
2. T u g m a n g de -Gulong
Ito ay mga paalala o babala na kalimitang
makikita sa mga pambublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito’y malayang naipararating
ang mensaheng may kinalaman sa
paglalakbay.

Halimbawa:
1.Ang ‘di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay
‘di makabababa sa paroroonan.
2.Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
3.Ang ‘di magbayad walang problema, sa karma palang bayad
ka na.
Mga Kaalamang-
Bayan
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi
lamang. Noon ito’y karaniwang nilalaro sa lamay upang
magbigay- aliw sa mga namatayan ngunit nang
lumaon ay kinagiliwan na rin laruin kapag may mga
handaan o pista.
Halimbawa:
Gumagapang na ang Maliit pa si Totoy
ina, Umuupo na ang Marunong nang
anak lumangoy

Sagot: Kalabasa Sagot: Isda


Mga Kaalamang-
4 . Palaisipan
Bayan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito
ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong
pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito’y
nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang
Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa
kanilang mga inapo.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumaundag ang isa. Ilan ang natira?
May isa bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano
nakuha ang bola nang hindi man lamang nagalaw ang
sombrero?
T
T u lan g de- B u gto n g
Gulong

A
N T u lan g/Aw itin g
Panudyo
Palaisipan

D
A Mga Kaalamang-Bayan
Aha
!
Ponemang
Suprasegmental
Ang mga ponemang suprasegmental ay
mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan.
Nakatutulong ito upang maging mas
maliwanag at maiparating ang tamang
damdamin sa pagpapahayag.
PONEMA - ang pinakamaliit na unit ng
makabuluhang tunog. Ang pag- ng
ponema ay binubuo aaral ng
suprasegmental. segmental at
Ponemang
Suprasegmental
Segmental = ay ang tunay na tunog
at ang bawat tunog ay kinakatawanan
ng isang titik sa ating alpabeto.

Suprasegmental = ay ang pag-aaral


ng diin (Stress), tono (tune), haba
(lengthening) at hinto (Junc ture).
Ponemang
Suprasegmental
Intonasyon, T o n o , at P u n t o
Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at
pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig
sa salita na maaring makapag-iba ng kahulugan
ng salita maging ang mga ito naman ay
magkapareho ng baybay. Ang tono ng pagsalita
ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin
samantalang ang punto ay ang rehiyonal na
tunog o accent.
Ponemang
Suprasegmental
Intonasyon, T o n o , at P u n t o

Halimbawa:

Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/


Nagdududa) Ang ganda ng tula.
(Nagsasalaysay)
Ang ganda ng tula! (Napapahayag ng
kasiyahan)
Ponemang
Suprasegmental
Diin at Haba

Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas


na iniuukol ng nagsasalita sa pantig ng salita.

Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng


bigkas sa pantig ng salita.
Ponemang
Suprasegmental
Intonasyon, T o n o , at P u n t o

Halimbawa:

/BAlah/ /BU.kas/ (next


(bullet) day)
/baLA?/ /buKAS/ (open)
(threat)
/TU.boh/ (pipe)
/tuBOH/ (sugar
cane)
Ponemang
Suprasegmental
Hinto o Antala

Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang


higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-
kolon, at kolon sa pagsulat upang maipakia ito.
Ponemang
Suprasegmental
Intonasyon, T o n o , at P u n t o

Halimbawa:

Hindi maganda.
(sinsabing hindi maganda ang isang
bagay)

Hindi, maganda.
(pinasusubalian ang isang bagay)
T Bukod sa mga ponemang suprasegmental
ay nakakatulong din sa mabisang
A pagpapahayag
mga ang
di berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng
kamay at galaw ng mata at katawan lalo na sa
N pagbigkas ng tula.
Mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang
D galaw ng mata at katawan ay dapat magkaroon ng
kaisihan.
A Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa
diwang isinasaad o sa nais sabihin ng bibigkasin.
Kaya
Mo'to!
Panuto: Piliin ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga
pangungusap.
/bu.kas/ , /bukas/
______________ na tayo pumunta sa silid-
aklatan upang magbasa ng mga bagong tula.

______________ pa kaya ang silid-aklatan


hanggang mamayang hapon?
Kaya
Mo'to!
Panuto: Piliin ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga
pangungusap.
/bu.hay/ , /buhay/
Ang wika ay______________ _
kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.

Ang_______________ ng tao naisasalaysay


nang maayos gamit ang angkop na salita o
wika.
Kaya
Mo'to!
Panuto: Piliin ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga
pangungusap.
/sa.yah/ , /sayah/
Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng
_______________ sa panahong ito.

Hindi niya mapigilan ang _______________


nang makabalik siya sa Pilipinas at
makasama ang kanyang pamilya.
Pagsasanay
3.1
Panuto:
Sumulat ng sariling kaalamang – bayang
sumasalamin sa kultura ng lugar na
pinagmulan ng isang awiting-bayan sa
sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.
Iangkop ang wastong tono o intonasyon sa
pagbigkas nito sa susunod na araw ng
klase.
Pagsasanay 3.1
Gaw ing batayan ang r ubr ic na ito sa pagbuo ng
aw tput.

You might also like