You are on page 1of 10

John Vincent L. Caguioa 10- BONIFACIO Gng. E.

Rotia

Tayutay
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit
ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan,
kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o
pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng


dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng
mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y,
animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang
mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng
mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing


ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan
ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan,


panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas
mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o


grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng
mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na
tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-
aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib
ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto


kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay


lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang
tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay
kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming
labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang
katotohanan.
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa


karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na
tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong
wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking
kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang
elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga
kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas


o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang
kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay!
Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod
ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na


kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha
dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga


salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng
pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y
natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito


upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
.
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit


ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig
nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang


patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o
saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang
masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong
Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla,
Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang –


diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?
John Vincent L. Caguioa 10- BONIFACIO Gng. E. Rotia

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan
ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit


sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa
tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang
nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng


tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho


ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a.
a a i
a i a
a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog


na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y


Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at
tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao
ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Porma ng tula.

Tono/Indayog
Diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong
panauhan.
John Vincent L. Caguioa 10- BONIFACIO Gng. E. Rotia

Sabayang Pagbigkas 238

Ang Sabayang Pagbigkas ay masining na pagpapakahulugan o


interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa
pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang
malakas ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang at
maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang
uri ng kaisipang masining at madamdamin. Nagtataglay
ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad ng kahulugang
pangkoro sa musika, isang pamamaraan ng masining na pagbigkas
sa pamamagitan ng sama-sama, magkakatugma, magkakabagay
at magkatugong-tinig, isang tuluy-tuloy na aliw-iw ng mga salita.
Ang koro ay nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng tinig. Pinagsasanib-
sanib ang mga ito nang ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa
at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan. Sinasabing ang higit na
pinakamabisang pamukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay
yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama – nakikita, naririnig at
nadarama. Taglay ng Sabayang Pagbigkas ang lahat ng sangkap
na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa
mga manonood/tagapakinig, gayon din naman sa mga
bumubigkas/koro. (Andrade, 1993)
Ayon naman kay Abad (1996), ang Sabayang Pagbigkas ay isang
kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa
pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa
wasto nilang tunog, puwersa at lakas. Taglay nito ang mabisang
panghikayat o pamukaw sa damdamin dahil sa natitigatig nito ang
pandinig, paningin at pandama ng tao.
Ang pakikilahok sa sabayang pagbigkas ayon kay Andrade (1993) ay
nagdudulot sa mga mag-aaral ng mga sumusunod : Una, ito ay
mabisang pamaraan ng pagkatuto ng wika. Ikalawa, mabisa itong
pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa
pagkakaroon ng kabatiran at lugod sa pagpapaunlad ng panitikan.
Ikatlo, ito’y isang pangunahing pagsanay sa pagtatalumpati,
pagbigkas nang isahan, pagpapakahulugan at pag-arte sa
tanghalan. Ikaapat, naglalaan ito ng malawak na kakayahan sa
pagkalugod sa sining. Ikalima, nakatutulong ito sa
ikapagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang gawaing
pangkatan, pakikiisa at pakikibagay. Ikaanim, isa itong panimulang
kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng pakikipag-talastasan.
John Vincent L. Caguioa 10- BONIFACIO Gng. E. Rotia

Kayganda ng Daigdig
Kayraming bulaklak sa Itong Haring Araw na dulot
ating paligid ay liwanag
Sari-saring kulay, Ay napakaganda kung
mabango't marikit bagong sisikat
Kayraming bituing Maganda rin ito sa
nagsabog sa langit tanghaling tapat
Anong pagkaganda ng Lalong matulain, paglubog
ating daigdig sa dagat
Kayrami ng ibong Kayganda ng buwan kung
nangaglipad-lipad nagbibilog na
Ang kanilang awit, Kung kabilugan
nagbibigay-galak na'y lalo pang maganda
Kayrami ng isda sa ilog, sa Kayganda ng gabi,
dagat kaygandang umaga
Ang daigdig ay sadyang Ating paligid anong
mapalad pagkaganda
Kayganda ng bundok, ng
Ang hamog sa damo, may
gulod, ng bulkan
iwing kariktan
Kayganda ng bukid, ng
Kung nagkislap-kislap
lambak, at parang;
sa tama ng araw
Kayganda ng lawa,
Ang ulang tikatik, kaysarap
ng talon, ng bukal,
pakinggan
Ang ating daigdig
Tila humihimig ng isang
ay puno ng kariktan
balitaw
Ang daloy ng tubig sa
sapa at batisan Sa lahat at lahat ng mga
Parang isang awit, kay- kariktan
inam pakinggan Sa ating paligid at ng
At pag-ihip nitong kalikasan
mahinhing amihan Tayo'y pasalamat sa
Pati damo't dahon ay Poong Maykapal
nagsisisayaw Na siyang maylikha nitong
daigdigan

You might also like