You are on page 1of 2

IDYOMA

Abu ng utak - bobo

Ahas na tulog - torpe

Amoy lupa - malapit ngmamatay; matanda

Balat kalabaw - makapal ang mukha; hindi marunong

Di – binyagan - hindi pa tuli

Hindi makabasag ng pinggan - mahinhin

Hipong tulog - mabagal kumilos

Hilong talilong - litong – lito

Ibig na ayaw - dadalawang isip

Ihatid sa dambana - pakasalan

Ilista sa tubig - kalimutan na ang utang

Kaaway ng liwanag - magnanakaw

Kabatakang kumot - kaibigan

Kakaning itik - walang silbing tao

Kapit tuko - mahigpit ang kapit

Kinain ng laho - biglang nawala

Kinakalambre ang tiyan - gutom na gutom

Kumagat sa pain - naloko

Lagot ang pisi - naubos ng pera

Lakad pangong - mabagal lumakad

Laman ng lansangan - mga playboy

Langis at tubig - mayaman at mahirap

Mabigat ang katawan - tamad

Magbara ng ilong - pikon

Magbatak ng buto - magtrabaho

Magdildil ng asin - mahirap

Maglubid ng buhangin - magsinungaling

Magsunog ng kilay - mag-aral ng mabuti


Mahaba ang buntot - lakisalayaw

Malalim ang bulsa - kuripot

Mataas ang lipad - mayabang

Matandang tinali - matandang binata

Matulis ang nguso - tsismosa

May gatas pa sa labi - bata pa

May sunog na abaca - may puting buhok

Nakakuha ng kalabasa - bagsak sa pag-aaral

Nagbibilang ng poste - walang trabaho

Naghuhugas ng kamay - umiiwas magkaroon ng pananagutan

Tinik sa puso - sama ng loob; galit

Umutang ng buhay - pumatay ng tao

You might also like