You are on page 1of 1

Malinis na Tubig: Malusog na Pangangatawan

Jerian Aranas

Ang Lungsod ng Dabaw ay sagana sa kalikasan, ngunit hindi makakailang sa isipan ang mga
suliranin sa kapaligiran. Samakatuwid isinulong ngayon ang pagkakaroon ng “Clean Water at
Healthy Watershed” na nakakapagpabuti sa kalusugan ng mamamayanan. Subalit, gusto mo ba ng
pagbabago sa lugar na iyong kinagisnan?

Ang tubig ay ang pinakamahalagang elemento sa lahat ng aspeto lalong-lalo na sa tao.


Kinakailangan ng ating katawan ang presensiya ng tubig, upang makontrol ang ating temperatura at
mapanatili ang kaayusan ng ating katawan. Binubuo rin nito ang ating katawan at ang mundo sa
porsiyentong pitumpu. Itinuturi rin ito bilang unibersal na solbent na kung saan ang elementong ito
ay may mga iba’t ibang gampanin o reponsibilidad na makatutulong sa lahat. Sa madaling salita,
ang tubig ay buhay.

Mayaman ang Lungsod ng Dabaw sa lahat ng larangan lalong-lalo na sa kalikasan. Isa nito
ay ang pagkakaroon natin ng watershed na kung saan ang lahat ng tubig na binubuhos ng ulan ay
dumadaloy sa lupa patungo sa mga ilog, lawa, o dagat. Gumaganap ito bilang tunnel na
kumokolekta ng tubig mula sa ulan patungo sa iisang lugar. Ito ang dahilan kung bakit may tubig sa
atin tahanan na nakatutulong sa ating pang-araw-araw na gawain at pangangailangan natin.

Halimbawa nito ay ang Talomo-Lipadas Watershed na kung saan dito nanggaling ang 97%
ng inuming tubig ng Lunsod ng Dabaw. Gumawa ng samu’t saring programa ang pamahalaan
upang mapanatili at hindi bababa o hindi tutuyo ang nasabing watershed na ito. Pinoprotektahan
din ito ng NGO at ng iba pang pribadong sangay na hindi maaabuso ng mga taong nakatira at
nakapaligid nito dahil ito ang nagsusuplay ng tubig sa kabuuang Lungsod ng Dabaw. May ibang
sektor na nagtatanim ng mga halaman at punongkahoy sa paligid nito upang hindi masira ang lugar.
May mga estudyante rin na sumulong na mapanatili ito dahil gusto nilang protektahan ito.
Masasabi na maswerte ang mga Dabawenyo dahil dito.

Hindi maipagkakaila na ang Lungsod ng Dabaw ay ang isa sa may pinakamalinis na tubig sa
buong mundo. Kaya pag-ingatan ang kalikasan na ibinigay ng Diyos lalong-lalo na ang tubig na kung
saan ito ang pinakamahalaga sa bawat indibidwal.

You might also like