You are on page 1of 26

NAIPALILIWANAG ANG MGA

TUNGKULIN NG PAMAHALAAN
SA KOMUNIDAD.
AP2PSK-IIIA-L6
Q3 ARPAN LINGGO 6 DAY 3
 Ano ang ibig sabihin ng
DOH?
 Ano ang pangunahing
tungkulin ng DOH?
Ang programang pang imprastraktura ay
programa ng pamahalaan na mahalaga sa pag-
unlad ng bansa.
Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga
pangunahing sistema at serbisyo na kailangan ng
isang bansa o organisasyon upang mapatakbo
nang maayos.
Pinauunlad ng pamahalaan ang pagsasaayos ng
mga kalsada, pagbubuo ng mga daluyan ng tubig
at marami pang iba.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng
imprastraktura ng pamahalaan.

Paaralan
Ang kagawaran ng Edukasyon ay
nangangasiwa sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng
mga silid-aralan pati ang mga pasilidad para sa
tubig at sanitasyon sa mga pampublikong
paaralan.
Tulay
Itinayo sa pagitan
ng mga ilog, dagat at
bangin. Ginagamit ito
upang mapaikli ang
paglalakbay ng mga tao.
Dito tumatawid ang mga
tao mula sa kabilang
pampang ng ilog, at
upang mapadali ang
pagluluwas ng mga
produkto ng mga
mamamayan.
Kalsada
Isang daan o kalye para
sa ruta ng
pangtransportasyon,
pampaglalakbay o
pantrapiko ng sasakyan
upang maayos at
mapabilis ang paglalakbay
ng mga mamamayan sa
lungsod patungo sa
kanilang destinasyon.
Water Supply
Mahalaga sa bawat tao ang malinis
na suplay ng tubig.
Flood Control
Ito ay isa sa mga
mahalagang proyekto
na matatagpuan sa
ating lungsod upang
maiwasan ang
pagbaha sa mga
mababang lugar lalo
na sa mga panahon
ng tag-ulan.
Ano ang ibig sabihin ng
imprastraktura? Bakit ito mahalaga?
Magbigay ng mga halimbawa ng mga
imprastrakturang natalakay natin?
Sa palagay ninyo ginagampanan ba ng
pamahalaan ang mabuting paglilingkod
sa pamayanan at mamamayan?
Paano ginagampanan ng
pamahalaan ang mabuting
tungkulin sa mamamayan?
Pagtataya:
Panuto: Iguhit sa patlang ang
masayang mukha  kung ito ay
mahalaga sa pag-unlad ng ating
lungsod at malungkot na mukha 
naman kung hindi.
______1.
______2.
______3.
______4.
______5.
DAY 4
Balik-Aral
Ano ang ibig sabihin ng
imprastraktura? Ano-ano ang mga
halimbawa ng imprastrakturang
tinalakay natin? Bakit pinapahalagahan
ng gobyerno/pamahalaan ang
programang imprastraktura?
 Ang pamahalaan ay mahalaga sa pag-unlad
at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan
ng komunidad.
 Pinapahalagahan ng pamahalaan ang mga likas
na yaman. Ang mga likas na yaman ay
pinangangalagaan ng bawat komunidad para
sa ikakaunlad nito. Ito rin ang pangunahing
pinagkukunan ng mga pangangailangan ng mga
tao. Ito ay binubuo ng sakahan, pangisdaan,
kagubatan at minahan.
 Maliban sa likas na yaman, pinapahalagahan din ng
pamahalaan ang kaligtasan ng mga mamamayang
Pilipino.Pangangalaga at pagpapanatili ng katatagan at
katahimikan ng komunidad.
 Tungkulin ng pamahalaan ang matiyak ang kaligtasan
ng taong bayan sa anumang uri ng karahasan mula sa
loob at labas ng bansa.
 Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of
the Philippines) ay ang magtatanggol sa bansa laban
sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw
ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa
mga tao sa oras ng sakuna.
Pagmasdan ang mga larawan ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas
Bakit dapat pinapahalagahan ang likas na
yaman?
Ano ano ang naitutulong nito sa mamamayan?
 Ano-ano ang bumubuo sa likas na yamang
nabanggit?
Maliban sa likas na yaman, ano pa ang tungkulin
ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng
mamamayan?
Ano ang tungkulin ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas (Armed Forces of the Philippines)?
 Paano ginagampanan ng pamahalaan ang
tungkulin sa pangangalaga ng likas na
yaman?
 Paano rin pinapangalagaan ang
katatagan at katahimikan ng
komunidad?

You might also like