You are on page 1of 8

Bayaton Zeyn Claire A.

Gawain 5 FIL031

1. Korapsyon sa Pilipinas
Nagkakaroon ng korapsyon sa ating pamahalaan dahil sa pansariling interest at pangangailang
pinansiyal. Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na
panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Hindi kaila sa atin na kapag naririnig
natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”

Mga Solusyon:

- Ang pagsugpo ng korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao, dapat tayong mga PIlipino
ay magtutulungan na maisaayos ang pamamaraan sa ating bansa.
- Dapat ay magbago sa indibidwal na lebel at intidihin ang bawat sariling interest at tulong
pinansyal.
- Dapat maging bukas ang gobyerno sa pag tala ng kaban ng bayan upang makita sa publiko ang
mga naibabayad ng gobyerno upang matustusan ang pangangailangan ng bansa.

2. Isyung Pangkalusugan
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

Ang kalusugan ay mahalaga sapagkat ito ang nagsasabi kung ang isang tao ay may kakayahang
makagawa o makapagtrabaho.Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kalusugan ay isang estado
ng pagiging masigla hindi lamang sa isip at pangangatawan ngunit maging sa pakikisalamuha sa ibang
tao. Kaya naman, mahalaga na maging malusog upang magawa ng isang tao ang mga bagay na
inaasahan mula sa kanya tulad ng pagtatrabaho, paggawa ng mga bagay ng may kapanagutan, at
responsableng pagdedesisyon. Mas magiging produktibo at makabuluhan ang buhay kung malusog ang
katawan at pag - iisip ng isang tao. Ang pagkakaroon ng disiplina at pag - iwas sa mga bagay na
makasasama sa kalusugan ay ang unang hakbang tungo sa pagkakaroon ng malusog na kaisipan.

Mga Solusyon:

- Dapat nating alagaan ang ating paligid, tiyakin na malinis ito at itapon ang mga basura sa tamang
lalagyan.
- Kumain ng masustansiyang pagkain. Para maging malusog, napakahalaga ang tamang nutrisyon,
at para sa tamang nutrisyon, kailangan ang masustansiya at balanseng pagkain.
- Panatilihing maging malakas at malusog, mag-ehersisyo sa araw-araw. Anuman ang iyong edad,
kailangan mo ng regular na ehersisyo para sa magandang pangangatawan.

3. Isyung Polusyon

Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ng kaisipan.Sa
pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig.

Mga Solusyon:

- Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang tungkulin ng bawat mamayanan. Ito ay mahalaga
dahil maaari nating maiwasan ang polusyon na makakasira sa atin lalo na sa kapaligiran.
Makakatipid sa paggamit ng paulit ulit o re-use. Ang reduce naman ay ang pagbabawas sa
pagbili ng mga plastik. At ang huli, ang recycle ay ang paggawa ng bagong materyal gamit ang
mga luma o patapong bagay na.
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

- Huwag magtapon ng basura at nakakalalasong kemikal. Huwag gumamit ng mga dinamita at


cyanide o anumang uri ng lason sa pangingisda dahil mas malaki ang perwisyong dulot niyo
kaysa sa maaaring inaakalang pagmumulan ng kabuhayan.
- Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang pinaka-epektibong paraan kung paano mapipigilan
ang pagbaha. At ngayong nananalasa na ang baha at marami nang nasisira, saka lamang
lubusang napagtutuunan ng pansin ang pagtatanim ng mga punongkahoy.

4. Edukasyon

Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog
ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang
naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga
uring ito.
Sa ibaba ay ang mga problemang kinahaharap ng ating edukasyon sa Pilipinas:
Kakulangan ng mga silid aralan
Kakulangan ng mga guro.
Kakulangan ng sweldo ng mga guro
Mataas na matrikula sa mga paaralan
Kakulangan ng mga libro.

Mga Solusyon:

- Bigyan ng malaking Budget ang pagpapagawa ng mga silid aralan at huwag kurakutin ng mga
nasa katungkulan ang budget na nakalaan dito, isipin ninyo na ang mga mga batang iyan ang
magiging pag-asa natin para sa magandang kinabukasan ng ating bansa pagtuunan natin sila ng
pansin.
- Taasan ang sahod ng mga guro, at bawasan ang trabahong inaatang sa mga guro ang reports at
kung anu-ano pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong Teacher sa koleheyo sapagkat
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na
ginagawa nila.
- Ibaba ang matrekula sa mga pamantasan, magtayo ng mas maraming pam publikong paaralan
para sa mga mahihirap, mag tayo ng mga programang tutulong sa mga bata upang makapag aral
hanggang kolehiyo.

5. Transportasyon

Notoryus ang Pilipinas sa pinakamalalang problema ng trapik sa buong mundo. Humigit kumulang 3.5B
pesos ang nawawalang kita araw araw dahil sa trapik. Ayon sa MMDA, maraming taon ang kailangan
para maayos ang mass transport sa Pilipinas. Hindi overnight nangyari ang trapik sa Metro Manila kaya
hindi rin overnight ang solusyon para rito.

Mga Solusyon:

- Carpooling
Isinusulong ng MMDA ang carpooling dahil makaka-save ng pera ang sinomang mag-carpool.
Mababawasan din ang air pollution at magiging mabuti rin ang relasyon ng mga tao na nag-
carpool.
- Pagkakaroon ng Limitasyon sa Bilang ng Sasakyan na Mabibili
Ayon din sa MMDA, isinusulong nila ang planong pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng
sasakyan na pwedeng bilhin ng mga Pilipino.
- Disiplina
Importante ang disiplina sa pagkakaroon ng solusyon sa trapiko sa Metro Manila.
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

6. Baha

Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa, at isang
delubyo.Sanhi nito ang ulang rumaragasa o bumubugso. Maaari rin itong padagsang pagtambak ng
napakaraming bagay sa isang lugar. Naging katumbas din ito ng gunaw o pagkagunaw sa ibang diwa.

Mga Solusyon:

- Pagsagawa ng tree planting.


- Ang pagbabawal pagtapon ng basura sa ilog.
- Maging isang disiplinadong mamamayan.

7. Urbanisasyon
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

Ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga pagbabago sa isang lugar ang siyang
tinatawag na urbanisasyon.Tumutukoy din ang urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook na rural
tungo sa mga pook urbano, ito ay ayon sa mga bansang nagkakaisa. Ang ilan sa epekto ng urbanisasyon
ay polusyon sa hangin, polusyon sa tubig, pagkakaroon ng mga skwater, at polusyon sa llupa.

Mga Solusyon:

- Pagkakaisa ng tao sa isang pook o lugar.


- Respeto at paggalang sa bawat isa dahil hindi naman problema ang urbanisasyon kung
tutulungan mong maiahon ang sarili. Maging masipag sa lahat ng bagay.
- Ang pagkakaroon ng "family planning" dahil pag kakaunti lamang ang populasyon ay onti lamang
ang pangangailangan ng lugar para sa paninirahan.

8. Deforestation

Ang deforestation, clearance, clearcutting o clearing ay ang pagtanggal ng isang kagubatan o


kinatatayuan ng mga puno mula sa lupa na pagkatapos ay ginawang isang kagubatan na hindi ginagamit.
Ang kagubatan ay maaaring kasangkot sa pagbabago ng lupa ng kagubatan sa mga bukid, sakahan, o
gamit sa lunsod. Ang pinakapokus na pagkasira ng kagubatan ay nangyayari sa mga tropical
rainforest.Halos 31% ng kalupaan ng Daigdig ay sakop ng mga kagubatan.

Mga Solusyon:

- Ang solusyon sa deforestation ay ang pagtanim ng mga bagong puno o ang programang tree
planting.
- Bawasan ang pagputol ng kahoy. Suportahan ang mga produkto ng mga kumpanya na nakatuon
sa pagbawas ng pagkalbo ng kagubatan.
- Bumili ng mga recycled na produkto at pagkatapos ay i-recycle muli ang mga ito.
Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

9. Kahirapan/Poverty

Ang kahirapan ay walang sapat na materyal na pag-aari o kita para sa mga pangangailangan ng isang tao.
Ayon sa UN kahirapan ay lumampas sa higit pa sa kakulangan ng mga kakayahang ito.Maaaring kabilang
sa kahirapan ang mga elemento ng panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika.

Mga Solusyon:

- Tanggalin ang korupsiyon sa gobyerno na siyang nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino.


Kung wala sanang corrupt na opisyan ng gobyerno, ang budget sa iba't ibang ahensiya o
-kagawaran ay deretsong maitutulong sa mga tao.
- Ang bawat tao ay dapat mag-aral hanggang sa makatapos ng isang kurso, ito man ay
agrikultural, propesyonal, bokasyonal, teknikal, o iba pa.
- Huwag munang mag-asawa kung wala pa siyang matibay na trabaho at kinikíta. Sa trabaho at
kinikíta magmumula ang ipantutustos sa mga pangangailangan ng asawa’t mga anak.

10. Iligal na Pagmimina


Bayaton Zeyn Claire A. Gawain 5 FIL031

Ang isyung iligal na pagmimina ay maraming masamang naidudulot hindi lang sa kapaligiran kundi pati
na rin sa ating nagbabagong mundo.Una na riyan ay ang pagguho ng lupa dahil sa paghina ng lupa na
resulta ng walang humpay na paghuhukay ng lupa upang makahanap ng mga mahahalagang
hiyas.Pangalawa,ang pag-agos ng mga gumuhong lupa ay maaanod sa katabing ilog kapag umulan na
makasasama hindi lang sa mga isda pati na rin sa ating mga tao.Ang lupa na napupunta sa ilalim ng ilog
ay nagreresulta sa pagbabaw ng mga kailugan,kukunti ang mga isda,tataas ang lebel ng tubig at
maaaring bumaha at maapektuhan ang mga residente malapit sa lugar ng pagmimina.Pangatlo ay
maaari rin itong magdulot ng mga naglalakihang mga sinkholes;ito yung malalaki at malalalim na butas
sa ilalim ng lupa na sanhi ng paglambot ng lupa.Maapektuhan ang iba't-iband mga imprastraktura sa
lugar,manganganib ang mga residente lalong lalo na nang mga nagmimina.

Mga Solusyon:

- Dapat magtatag ang gobyerno ng mga administrasyon sa ibat-ibang lugar na ang hangad ay
mapangalagaan ating mga bundok o iba pang lugar na may puwedeng minahan.
- Pag-recycle ng mga kagamitan upang mabawasan ang isa pang mapagkukunan na mina.
- Pagdadagdag ng mga katutubong lupa at damuhan, paglilinis ng labis na basura, tamang pag-
aalis ng basura, mga inspeksyon sa site at muling pagtatanim ng mga puno at natural na
kagubatan.

You might also like