You are on page 1of 293

1

The publication of this manual is part of the Strengthening of the Response Capacity of Local Governments
Affected by Typhoon Parma in Areas of Central Luzon with the assistance of the Spanish Agency for
International Development Cooperation (AECID).


Copyright © 2013. Local Government Academy

All rights reserved


This manual is intended for education and training purposes


When using such for publication and learning materials, please acknowledge your reference.

ISBN 978 – 971 – 0576 – 45 – 6


Printed and bounded in Manila, Philippines

Published by:

Local Government Academy


Department of the Interior and Local Government
8/F Agustin I Bldg., F. Ortigas,Jr. Road, Ortigas Center, Pasig City
Tel Nos. (632) 634 – 8430 / 634 – 8436
www.lga.gov.ph
MENSAHE

Ang mga sakuna na sanhi ng kalikasan at ng tao ay mas madalas ng mangyari


at ang isa sa mga sanhi nito ay ang pabago-bagong lagay ng panahon, kung
saan nakapagdudulot ng matinding kapinsalaan sa komunidad at sa kalikasan.
Ang Central Luzon ay matatagpuan sa mababang lugar sa hilagang bahagi ng
Pilipinas, dahilan upang tagurian itong “catch-basin” o taga-salo ng tubig. Ilan sa
mga lugar dito, partikular ang lalawigan ng Nueva Ecija ay malimit daaanan ng
bagyo at bulnerable sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang sunod-sunod na pagsalanta noong 2009 hanggang 2011 ng mga bagyong


Pepeng, Falcon, Pedring at Quiel ang nagbigay daan upang magsagawa ang
Local Government Academy, sa pakikipagtulungan sa gobyerno ng Espanya sa
pamamagitan ng Agencia Española de Cooperacion Internacional para el Desarollo, at Lalawigan ng Nueva
Ecija, ng isang proyekto na may titulong “Strengthening of the Response Capacities of Local Governments
Affected by Typhoon Parma in Areas of Central Luzon”. Layunin ng proyektong ito na tumulong sa
rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga komunidad na nasalanta ng bagyong Parma (local na pangalan:
Pepeng) noong 2009 sa aspetong imprastraktura, pangkabuhayan, at pagpapa-unlad at pagpapalakas ng
kapasidad ng mga lokal na pamahalaan at komunidad laban sa sakuna.

Bilang bahagi ng pagpapa-unlad ng kapasidad sa pagtugon sa sakuna ng Lalawigan ng Nueva Ecija, ang
Local Government Academy kaagapay ang Center for Disaster Preparedness ay buong pribilehiyong
binuo ang gabay na ito para sa pagsasanay na may pamagat na Kontra-Disaster: Gabay sa Pagsasanay
Ukol sa Pampamayanang Pamamahala sa Pagtugon sa Disaster ng Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Office (MDRRMO) sa kanilang Pagsasanay sa mga Barangay. Ang pagpapalimbag at produksyon
ng materyal na ito ay isang oportunidad upang maipalaganap ang impormasyon na kinakailangan ng ating
mga lokal na gobyerno sa pag iimplementa at pagsasakatuparan ng programang pang-DRRM. Ito rin ay
maaaring magsilbing gabay sa pagbabalangkas ng mga polisiya na makakatulong upang mas matugunan ang
pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Inaasahan namin na sa pamamagitan ng gabay na ito ay mas magiging maayos at matibay ang mekanismong
paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa sakuna ng bawat pamayanan.

MARIVEL C. SACENDONCILLO, CESO III


Executive Director, LGA
MESSAGE

It is with great pride that this Manual touching on the Community Based Disaster
Risk Reduction Management, will provide all the barangays with the opportunity
to build their own resilience to natural hazards more effectively and efficiently.

I can never overemphasize the need for better preparedness to disasters within
the community. By working with the barangays and providing them with the
proper tools and trainings, we are once again a step closer to provide the people,
especially the most vulnerable, an opportunity to increase their resilience, reduce
poverty and strengthen their own capacities to cope with disasters without
depending on external aid.

The Spanish Agency for International Development Cooperation (AECID) has been partnering with the
Local Government Academy and the Department of Interior and Local Government since 2010 for the
implementation of the project “Strengthening the Disaster Risk Reduction Capacity of LGUs affected by
Typhoon Parma in the Central Luzon area”. This project has achieved a great success, strengthening the
DRRM capacities, not only at municipal and provincial level but also at the national level.

The project is also contributing to improve the coordination with regional and national agencies through the
enhancement of the National Disaster Risk Reduction Management Council and the Office of Civil Defense
disaster risk reduction capacities, supporting its leadership and responsibility and providing them with the
necessary equipment to successfully establish the first nation-wide humanitarian warehouses in the country.

Through a comprehensive partnership for development cooperation with the Philippines, the Spanish
Cooperation remains committed to strengthen the local and national capacities on DRRM, believing that
better capacities, tools and practices will make the difference in future emergencies. This Manual will provide
an inside look about basic but essential practices that will lead the community towards the way of resilience.

I encourage all the barangays and municipalities to take advantage of this knowledge product and create an
impact on their communities. As we have already experienced, it is possible to save lives as well as to protect
the community, but it will require all our joint efforts.

Mabuhay and thank you very much.

VICENTE SELLÉS ZARAGOZÍ


Coordinator General
Spanish Cooperation in the Philippines
MENSAHE

Kaisa ng mamayang Novo Ecijano, binabati ko ang Local Government


Academy at ang Spanish Agency for International Development Cooperation
for Development (AECID) sa paglalathala ng “Kontra Disaster: Gabay
sa Pagsasanay ukol sa Pampamayanang Pamamahala sa pagtugon
sa Disaster” sa pamamatnugot ng Center for Disaster Preparedness
Foundation, Inc.

Sinasalamin ng publikasyong ito ang patuloy na paglago ng kamalayan at


pakikibahagi ng bawat isa sa pagtataguyod ng pangkalahatang kahandaan
sa pagtugon sa mga kalamidad. Bilang isa sa mga lalawigang tuwirang
makikinabang dito, tiwala akong malaki ang maidudulot nito upang ganap
na maging matatag ang aming pamayanan sa pagharap sa mga pagsubok dulot ng pagbabago ng klima, nang
may pagtutulungan ng lahat.

Ang lalawigan ng Nueva Ecija ay patuloy na nabibigkis ng matibay na pagpapahalaga at pangangalaga sa


kapakanan ng bawat Novo Ecijano. Sa aking mga minamahal na kalalawigan, nawa’y gamit ang gabay na ito,
buong tapang at sigasig nating tugunan ang mga hamon sa ating komunidad at gampanan ang tungkuling
maging maingat at panatilihing ligtas at handa ang ating sarili at pamayanan sa anumang panganib o banta
ng kalamidad.

Sama-sama po tayo sa tuloy-tuloy na pagtataguyod ng payapa, maunlad at matatag na Nueva Ecija!

AURELIO M. UMALI
Punong Lalawigan
MENSAHE

Ang pagtugon sa pagbabago ng panahon ay pagtugon sa mga maaaring


mangyari dulot ng kalamidad. Ang pamayanan na maayos at ligtas ay
sumasalamin sa epektibong pamumuno ng pamahalaan at pakiki-isa ng
mga naninirahan dito.

Ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan ay masusing nakatuon


sa pagpapaigting ng kakayahan at kaalaman ng mga pamahalaang lokal
na siyang unang tumutugon upang mabawasan at maging handa ang
pamayanan sa mga sakuna.

Ang lalawigan ng Nueva Ecija, bagamat nakakaranas ng mga kalamidad, ay


napapanatili ang kaayusan sa lalawigan at kaligtasan ng mga naninirahan
dito. Ito ay dahil sa mahusay na pamumuno ng mga lokal na pamahalaan na nakikipagtulungan sa iba’t ibang
ahensya ng gobyerno at ang pakiki-isa ng mga novo ecijano.

Kailangan nating makasiguro na sa mga susunod na pagsubok dulot ng pagbabago ng panahon at kalikasan,
wala nang tahanan ang dapat masira, wala nang kabuhayan ang dapat mawala at wala nang mahal natin sa
buhay ang mamatay.

Ipagpatuloy po natin ang pagtutulungan upang hindi na natin kailanganing mangamba tuwing may paparating
na bagyo o anumang kalamidad.

Dir. ABRAHAM A. PASCUA, Ph.D., CESO III


Provincial Director of Nueva Ecija and
Concurrent Assistant Regional Director of Region III
TALAAN NG NILALAMAN
DISENYO NG PAGSASANAY

Konteksto at Layunin 1

Lugar 2

Mga Kalahok 2

Pamamahala at Koordinasyon 3

Proseso 3

PAMBUNGAD NA GAWAIN

Layunin 6

Daloy 6

Mga Kinakailangan 7

Proseso 7

Mahahalagang Puntos 11

Dapat Tandaan 12
MODYUL 1: PAG-UNAWA SA MGA PANGANIB AT DISASTER

Layunin 15

Daloy 15

Mga Kinakailangan 16

Proseso 16

Mahahalagang Puntos 25

Dapat Tandaan 26

MODYUL 2: ANG DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT


ACT NG 2010

Layunin 29

Daloy 29

Mga Kinakailangan 30

Proseso 30

Mahahalagang Puntos 34

Dapat Tandaan 35
MODYUL 3: PAMPAMAYANANG PAMAMAHALA SA PAGTUGON SA
DISASTER (COMMUNITY-BASED DISASTER RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT O CBDRRM)

Layunin 37

Daloy 37

Mga Kinakailangan 38

Proseso 38

Mahahalagang Puntos 42

Dapat Tandaan 42

MODYUL 4: PAGHAHANDA SA DISASTER (DISASTER PREPAREDNESS)

Layunin 45

Daloy 45

Mga Kinakailangan 46

Proseso 46

Mahahalagang Puntos 54

Dapat Tandaan 55
MODYUL 5: PAGTUGON SA EMERGENCY (EMERGENCY RESPONSE)

Layunin 57

Daloy 57

Mga Kinakailangan 58

Proseso 58

Mahahalagang Puntos 60

Dapat Tandaan 61

MODYUL 6: KOMPREHENSIBONG PAGPA-PLANO PARA SA CBDRRM


(CONTINGENCY PLANNING)

Layunin 63

Daloy 63

Mga Kinakailangan 64

Proseso 64

Mahahalagang Puntos 68

Dapat Tandaan 68
PAGTATAPOS

Layunin 69

Daloy 69

Mga Kinakailangan 70

Proseso 70

Mahahalagang Puntos 70

Dapat Tandaan 71

GLOSSARY 72

SANGGUNIAN

1 Sanggunian # 1: PowerPoint Presentation ng Pambungad na Gawain 77

2 Sanggunian # 2: PowerPoint Presentation ng Modyul 1 89

3 Sanggunian # 3: Video Tungkol sa Bagyong Ondoy 120

4 Sanggunian # 4: PowerPoint Presentation ng Modyul 2 121

5 Sanggunian # 5: Praymer Ukol sa Republic Act 10121 146


6 Sanggunian # 6: PowerPoint Presentation ng Modyul 3 171

7 Sanggunian # 7: Video Tungkol sa Karanasan ng Dagupan City 205

8 Sanggunian # 8: Video Tungkol sa Karanasan ng Barangay Manguin 206

9 Sanggunian # 9: PowerPoint Presentation ng Modyul 4 207

10 Sanggunian # 10: Ehersisyo sa Pagbibigay ng Babala 240

11 Sanggunian # 11: PowerPoint Presentation ng Modyul 5 242

12 Sanggunian # 12: PowerPoint Presentation ng Modyul 6 267

13 Sanggunian # 13: PowerPoint Presentation ng Pagtatapos 284


D ISENYO NG PAGSASANAY
KONTEKSTO AT LAYUNIN
Ang pabago-bagong lakas at dalas ng mga bantang panganib, dagdag pa ang kahirapan at kawalan
ng kakayanan ng marami na harapin ang mga ito, ang dahilan ng madalas na pagdanas ng maraming
mamamayan sa disaster. Kaya naman malaki ang papel ng mga lokal na pamahalaan, kaagapay ang
mga pamayanan, upang baguhin ang ganitong kalagayan. Dahil sila ang direktang nakakaranas
ng epekto ng pabago-bagong lagay ng panahon at nakakaunawa ng kanilang kultura at konteksto,
sila rin ang maaaring pagmulan ng mabisang pagkilos upang paghandaan, iwasan, harapin, at
bumangon mula sa isang disaster. Ang ganitong pagtingin, kakambal ang pagtutok ng polisiya
ng Pamahalaan sa kahandaan sa disaster, ang nagtulak sa Local Government Academy (LGA), sa
pamamagitan ng suporta ng Agencia Española de Cooperacion Internacional para el Desarollo
(AECID), na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at pamayanan sa Nueva Ecija sa
pamamahala sa pagtugon sa disaster o Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Ang Nueva Eija ay isa sa mga lalawigan sa Pilipinas na sunod-sunod na nakaranas ng matitinding
disaster bunga ng bagyo at matinding pagbaha. Mula sa Bagyong Pepeng noong 2009, Falcon,
Pedring, at Quiel (2011), at iba pang matitinding pag-ulan kahit walang bagyo, malaki ang naging
pinsala ng mga ito sa mga pamayanan at buong probinsya. Kaya naman pinangunahan ng LGA ang
pagpapatupad ng proyektong “Strengthening the Disaster Risk Reduction and Response Capacity
of Local Governments affected by Typhoon Parma in Central Luzon.” Nilalayon ng proyekto na
hindi na maulit ang mga naging pinsala ng mga nabanggit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng
kapasidad ng mga barangay, bayan, at buong lalawigan sa DRRM.

Malaking bahagi ng proyekto ang pagsasanay sa mga lokal na pamahalaan upang magsagawa ng
mga gawaing pang-DRRM. Kaya naman nagsagawa ng serye ng mga limang araw na pag-aaral para
sa mga bayan ng Nueva Ecija mula Pebrero hanggang Nobyembre 2012. Dinaluhan ito ng mga
opisyal at manggagawa ng mga pamahalaang bayan sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk
Reduction and Management Office (MDRRMO) na siyang tututok at magsasanay sa mga barangay
na kanilang sinasakupan.

Ang mga pagsasanay sa mga barangay ay naglalayong matiyak na may malinaw at maayos na mga
mekanismong kontra-disaster ang mga barangay. Sisikapin nito na magkaroon ng kakayahan ang
mga kalahok sa bawat barangay na:

1
 Masuri ang kalagayan at karanasan ng barangay sa disaster;

 Maipaliwanag ang mga mahahalagang nilalaman ng Republic Act 10121;

 Maipaliwanag ang basehang konsepto ng pamamahala sa pagtugon sa disaster o DRRM at


pampamayanang pamamahala sa pagtugon sa disaster o Community-based Disaster Risk
Reduction and Management (CBDRRM);

 Makabuo ng mga mekanismo sa paghahanda sa disaster at pagpapababa ng negatibong


epekto nito;

 Makagawa ng mga mekanismo upang makatugon ng maayos sa panahon ng emergency; at

 Makabuo ng komprehensibong plano upang makapagpatupad ng pampamayanang


pamamahala ng pagtugon sa disaster.

Higit sa pagkakaroon ng mga mekanismong paghahanda at pagtugon sa disaster, adhikain ng mga


pagsasanay sa barangay na magbunga ng mga pamayanang may kakayanang magbigay proteksyon,
harapin, at bumangon mula sa epekto ng panganib at disaster.

LUGAR
Hangga’t maaari ay sa barangay mismo gaganapin ang pagsasanay. Sa ganitong paraan, mas
madaling makakakalap ng mga kinakailangang datos ukol sa kalagayan ng lugar. Maari itong
ganapin sa barangay hall, basketball court, o bahay na may sapat na laki at luwag para sa dami ng
mga kalahok.

MGA KALAHOK
Inaasahang dadalo sa pagsasanay ang lahat ng opisyal ng Barangay Council, mga kinatawan ng
iba’t ibang opisina ng barangay (hal. Health Unit, Tanod), mga kinatawan ng iba’t ibang sektor
(magsasaka, kabataan, kababaihan, senior citizen, may kapansanan) at samahan (civil society
organizations o CSOs na kinabibilangan ng non-government organizations o NGOs, people’s
organizations o POs, kooperatiba, simbahan, media, atbp.), at mga kinatawan o lider ng bawat
purok at mga lugar na madalas tamaan ng bantang panganib. Hangga’t maaari ay subukang pantay
ang dami ng mga kababaihan at kalalakihang kalahok.

2
PAMAMAHALA AT KOORDINASYON
Ang MDRRMO ng bayang kinalalagyan ng barangay ang siyang magsasagawa at magpapadaloy ng
pagsasanay. Sila din ang bahala sa mga kakailanganing materyales. Ang Barangay Council naman
ang mag-iimbita at makikipag-usap sa mga kalahok at maghahanda ng lugar na pagsasanayan.

PROSESO
Ang limang araw na pagsasanay ay umiikot sa tatlong tema at binubuo ng anim na bahagi:

Talahanayan 1. Proseso at Nilalaman ng Pagsasanay

Tema Modyul Nilalaman

Kalagayan ng Disaster sa

Ang Kalagayan Pag-unawa sa Panganib at
Modyul 1 Barangay
Natin Disaster
Mga Pangunahing Konsepto at

Terminolohiya sa DRRM
Pangunahing Mandato ng RA

Ang Republic Act (RA)
10121
10121: Disaster Risk
Modyul 2 Sistema at Balangkas

Reduction and Management
Ang Ating Kaparusahan

Act ng 2010
Gabay at Balangkas ng BDRRMC

Pamamaraan Pampamayanang
Para Tugunan Pamamahala sa Pagtugon sa
ang Kalagayan DRRM: Konsepto at Yugto

Disaster (Community-Based
Modyul 3 CBDRRM: Konsepto at

Disaster Risk Reduction and
Karanasan
Management Approach o
CBDRRM)

3
Pagsusuri ng Risgo sa

Pamayanan (Community Risk
Assessment)
Modyul 4 Paghahanda sa Disaster
Pagbuo ng Sistema sa

(Disaster Preparedness)
Pagbibigay ng Maagang Babala
at Paglikas (Early Warning
System at Evacuation System)
Pagbuo ng Plano sa Pagbibigay

ng Kaalamang Pampubliko
(Public Awareness)

Pagtugon sa Emergency:

Ang Ating Konsepto
Konkretong Emergency Operation Center

Gagawin (EOC)
Pagtugon sa Emergency
Modyul 5 Sistema sa Pamimigay ng Relief

(Emergency Response)
(Relief Delivery Operations)
Pamamahala ng Evacuation

Center (Evacuation Center
Management)

Nilalaman ng Planong CBDRRM



Komprehensibong Pagpa- Mga Kailangang Pag-planuhan

Modyul 6
plano para sa CBDRRM ng Barangay
Pagpa-plano

4
Pangunahing pinahahalagahan ng pagsasanay ang kaalaman at kakayahan ng mga tao sa
barangay upang makabuo ng mga mekanismong kontra-disaster. Kaya naman ang mga
proseso at pamamaraang gagamitin ay may pagbibigay diin sa aktibong pagbabahagi ng mga
kalahok. Magagawa lamang ito kapag sila’y nasa isang lugar na komportable at malaya silang
makapagpapahayag. Bunga ng ganitong pagkilala, ang mga modyul ay magsisimula sa mga
gawaing simple, magaan, at makakatulong magpa-relax sa mga kalahok, ngunit may relasyon
pa rin sa mga konseptong tatalakayin. Ang mga sumusunod ang mga pamamaraang gagamitin:

 pang-grupong galaw o laro bilang pagpapakilala sa modyul;

 pang-grupong talakayan ng mga konseptong DRRM at mga mekanismo para dito;

 pagpapalabas ng video;

 sama-samang pagtalakay sa mga konsepto at bunga ng mga gawaing pang-grupo (plenary


sharing and discussions); at

 pagbabahagi ng mga Tagapagdaloy at Tagapagsalita ng mga konseptong teknikal at mga


karanasan sa DRRM.

5
P AMBUNGAD NA GAWAIN

LAYUNIN
Matapos ang Pambungad na Gawain, inaasahang magagawa ng mga kalahok ang mga sumusunod:

 maipaliwanag ang konteksto at layunin ng pagsasanay;

 komportableng makapagpakilala ng mga sarili at maibahagi ang inaasahan mula sa


pagsasanay; at

 matukoy ang kanilang magiging bahagi upang makatulong sa daloy at pamamahala ng


pagsasanay.

DALOY

PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pambungad na Panalangin 5 minuto

2. Pambungad na Pananalita 5 minuto

3. Pangpagising at Pagpapakilala 30 minuto

4. Pagbabahagi ng mga Inaasahan 15 minuto

5. Pagbuo ng mga Grupong Kaagapay (Host Teams) 5 minuto

6
Slide 4 ng Sanggunian 1

MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #1 (PowerPoint Presentation)
 Craft Papers
 Pentel Pens

PROSESO
1. Gamitin ang Sanggunian 1 para sa buong proseso.

2. Batiin ang mga kalahok. Hilingin ang isang opisyal ng barangay na manguna sa panalangin
(Slide 2 ng Sanggunian 1).
3. Matapos ang panalangin, hilingin ang Punong Barangay na magbigay ng pambungad na
pananalita (Slide 3).

4. Bilang pampagising at gawaing pagpapakilala, gawin ang mga sumusunod:

 Kamusta Ka?

Atasan ang mga kalahok na humanap ng kaparehas. Sabihan sila na magkakamustahan sa


isa’t isa habang inaawit ang “Kamusta Ka,” nagdadaop-palad, at umaaksyon (Slide 5):

Kamusta ka, halina’t magsaya


Pumalakpak, pumalakpak,
Ituro ang paa
Padyak sa kanan,
Padyak sa kaliwa
Umikot ng umikot at humanap ng iba

Kapag nakahanap na ng iba ang mga kalahok, bigyan ng 15 segundo ang bagong
pares na magtanungan: saan ka ipinanganak? Ulit-ulitin ang proseso ng pag-awit at
pagtatanungan. Sa panahon ng tanungan, ibigay muli ang naunang impormasyong
ibinigay sa mga naunang kapareha at sagutin ang bagong tanong na isisigaw ng
Tagapagdaloy. Mga kasunod na tanong:

7
Saan ka lumaki?
Ano ang paborito mong pagkain?
Saan ang paborito mong pasyalan?
Nasaan ka noong Bagyong Pepeng?
Ano ang nangyari sa inyo noong Pepeng?
Ano ang nagbago sa buhay mo matapos ang Pepeng?

Matapos ang huling pagtatanungan at awitan, muling umawit sa saliw ng “Kamusta


Ka” gamit ang mga sumusunod na titik (Slide 6):

Kamusta ka?
Halina’t magsanay
Maghanda na, maghanda na
Imulat ang mata
Mga pamayanan
Mga mamamayan
Kumilos nang kumilos
at imulat ang iba

 Spell DRRM (Slide 7)

Matapos ang awit, patayuin ang mga kalahok nang nakabilog. Ipaliwanag na sila
ay nagsasanay upang paghandaan at iwasan ang disaster na dulot ng bagyo, lindol,
baha, at iba pang bantang panganib sa kanilang barangay. Sasanayin sila sa usapin
ng Disaster Risk Reduction and Management o DRRM. Ipasambit sa mga kalahok,
“DRRM.” Lakasan pa, “DRRM.” Mas malakas pa, “DRRM.” Pinakamalakas na boses,
“DRRM.”

Matapos ipasigaw sa mga kalahok ang DRRM, sabihin sa kanila:

“May malaking papel sa inyong harap at ang inyong hintuturo ay lapis. Isulat n’yo sa
papel ang DRRM (igagalaw ng mga kalahok ang hintuturo upang isulat sa “papel” ang
DRRM habang sinasambit din ito). Ang siko ang naging lapis, muling isulat sa inyong
harapan ang DRRM (igagalaw ng mga kalahok ang siko upang isulat sa “papel” ang
DRRM)…”

Ulitin ang proseso na pinapagalaw ay kanang balikat, kaliwang balikat, baba, nguso,
ulo, balakang, tuhod, kaliwang paa, kanang paa, at buong katawan.

8
 Pagpapakilala: Ako si… (Slide 8)

Panatilihing nakabilog ang mga kalahok. Nagsimula ang pagpapakilala simula sa


gawaing pagkakamustahan. Ang susunod ay pagpapakilala ng pangalan ng bawat
kalahok. Ang bawat isa ay hahakbang paharap, babanggitin ang kanyang pangalan, at
hahakbang pabalik. Mauuna ang Tagapagdaloy bilang halimbawa, susunod ang nasa
kanan niya, hanggang ang lahat ay makapagpakilala.

Kapag natapos na ang proseso, ulitin muli ang pagpapakilala na may kasama nang
aksyon matapos ibigay ang pangalan. Matapos magpakilala ang lahat nang may
aksyon, muling magpapakilala ang bawat isa na may aksyon, subalit gagayahin siya ng
sunod-sunod at mabilis ng lahat ng kalahok hanggang matapos mula sa nagpakilala.
Gawin ito hanggang sa huling kalahok.

 Tawagan

Matapos ang pakilanlanan, magtatawagan naman ang mga kalahok. Sisimulan ng


Tagapagdaloy na tawagin ang isang kalahok, habang sinasambit n’ya ang pangalan ng
kalahok, pumupunta siya sa pwesto nito at aalis naman ang kanyang tinawag sa pwesto
para tumawag ng iba at pumunta sa pwesto ng kanyang tinawag. Ulitin hanggang
makapagtawagan at makalipat ng pwesto ang lahat. Matapos nito, ulitin ang proseso
pero baguhin ang tono ng pagtawag ayon sa kategoryang ibibigay ng Tagapagdaloy:

Nanalo sa lotto (tawagin ang kalahok na parang nanalo siya sa lotto)


May utang
Birthday
Lasing
Kailangang lumikas dahil mataas ang tubig baha
Lumilindol
May sunog
Tinatangay ng malakas na hangin dahil sa bagyo

 Bagyo, Lindol, Baha (Slide 9)

Pasigawin ang isang kalahok (na nasa dulo sa harap) at himuking umaksyon ng “Bagyo!”
Ang katabi naman nya ay “Lindol!” Ang susunod na katabi naman ay “Baha!” Ulitin ang

9
proseso hanggang sa ang lahat ng kalahok ay nakasigaw na ng bagyo, lindol, o baha.
Atasan ang mga kalahok na magsama-sama ang lahat ng sumigaw ng bagyo, ang lahat
ng sumigaw ng lindol, at ang lahat ng sumigaw ng baha.

 Humanay Ayon sa… (Slide 10)

Matapos magsama-sama ayon sa grupo, bumanggit ng katangian o kategorya na


magiging batayan ng pagkasunod-sunod ng mga kasapi ng bawat grupo. Halimbawa
ng mga kategorya:

Alphabetical order ng kanilang palayaw


Bilang ng magkakapataid (mula pinakamarami hanggang pinakakonti)
Buwan ng Kapanganakan
Dami ng naging boypren/gelpren (mula pinaka-marami hanggang pinaka-kaunti)
Haba ng buhok (mula pinaka-maikli hanggang pinaka-mahaba)
Purok na tinitirhan (pinakamalayo hanggang pinakamalapit sa Barangay Hall)
Purok na bahain (mula sa pinakamalalim hanggang pinakamababaw)

Ang grupo na pinaka-mabilis humanay at tama ang pagka-sunod-sunod ang siyang


makakakuha ng mga puntos.

5. Para sa pagbabahagi ng inaasahan, maglagay ng tatlong malalaking craft paper at pentel


pen sa iba’t ibang bahagi ng kuwartong pinagdadausan ng pagsasanay. Ang mga grupo ay
atasang pumili ng craft paper na pagsusulatan. Isusulat nila ang mga inaasahan sa mga
sumusunod (Slide 11):

 Bagyo: Inaasahan sa nilalaman o pag-uusapan sa pagsasanay

 Lindol: Inaasahan sa tagapagdaloy at mga kalahok

 Baha: Inaasahan sa oras, lugar, pagkain, materyales

Bigyan ang bawat grupo ng 5 minuto para sa gawain. Matapos nito, basahin nang malakas
ang mga isinulat ng bawat grupo. Magtanong at maglinaw kung kinakailangan. Lagyan ng
tsek ang mga inaasahang matutugunan ng pagsasanay at ekis naman sa mga inaasahang
hindi matutugunan. Ipaliwanag kung bakit.

10
6. Ibahagi ang disenyo ng pagsasanay, mula sa layunin, daloy, iskedyul ng mga gawain, gayun
din ang metodolohiyang gagamitin (Slides 12-16). Balik-balikan ang ilang inaasahan upang
maipakita ang pagkatugma nito sa layunin o daloy. Tanungin ang mga kalahok kung may
limitasyon sila sa oras at kung paano ito maso-solusyunan. Bigyang diin ang kahalagahan
ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok, kaya naman gagamit ng mga pamamaraan ang
pagsasanay upang mas makapagpahayag ang mga ito.

7. Sabihan ang mga kalahok na may pagkilala sa kakayahan ng mga ito na makatulong nang
malaki sa pamamahala ng pagsasanay. Kaya naman ang mga nabuong grupo (Bagyo,
Lindol, at Baha) ay magiging kaagapay ng mga Tagapagdaloy at organisador ng pagsasanay
sa mga sumusunod na gawain (Slide 17):

 Bagyo: Pag-aayos at paglilinis ng lugar

 Lindol: Pag-alalay sa Tagapagdaloy

 Baha: Paghahanda ng pagkain

8. Banggitin ang ilan pang mga impormasyong dapat malaman ng mga kalahok gaya ng
palikuran, pahingahan, oras ng pagdating at pag-uwi, oras ng pagkain, at iba pa (Slides
18-19).

MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Ang pagsasanay ay naglalayong mabigyan ng kakayahan ang mga opisyal at residente ng
barangay na makapag-plano at makabuo ng mga mekanismo para mapamahalaan ang
paghahanda at pagtugon sa disaster.

⇒ Susubukang tugunan ng pagsasanay ang mga inaasahan ng mga kalahok, lalo na ang mga
kinakailangang gawin kontra-disaster.

⇒ Nakasalalay ng malaki sa mga kalahok ang tagumpay at kahihinatnan ng pagsasanay kaya


naman mahalaga ang kanilang aktibong partisipasyon.

⇒ Ang lahat ay may alam at kakayanang magbahagi. Gagamit ang pagsasanay ng mga
pamamaraan upang mas maluwang at komportableng magbahagi ang mga kalahok.

11
DAPAT TANDAAN…
G Ipaskil ang mga inaasahan at listahan ng mga kaagapay na grupo sa loob ng kuwarto o
gusaling pinagdadausan kung saan makikita ito ng mga kalahok.

G Ikabit ang mga inaasahan ng mga kalahok sa konteksto, layunin, at lalamanin ng pagsasanay.
Tukuyin kung may mga inaasahang hindi makakamit o hindi na sakop ng pagsasanay.

G Pakiramdaman kung komportable na ang mga kalahok na magbahagi ng opinyon at


karanasan. Dagdagan ang mga gawaing pampagising kung may pakiramdam na kulang pa
ito.

12
MODYUL 1
A NG KALAGAYAN NATIN

MODYUL 1:
PAG-UNAWA SA MGA PANGANIB AT DISASTER SA ATING
LUGAR

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 1, inaasahang kolektibong magagawa ng mga kalahok ang mga sumusunod:

 Maisalarawan ang mga nararanasang panganib at disaster sa kanilang barangay;

 Matukoy ang mga isinasagawa ng Barangay Council, mga pamilya, at buong pamayanang
pagtugon sa mga nararanasang panganib at disaster; at

 Maipaliwanag ang ibig sabihin at pagkakaiba ng mga pangunahing terminong ginagamit sa


usaping pamamahala ng pagtugon sa disaster (Disaster Risk Reduction and Management
o DRRM)

DALOY

PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pagpapakilala sa Modyul

1.1 Panimulang Ehersisyo: Pumunta Kayo


10 minuto
1.2 Maikling pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul
5 minuto

15
2. Sama-samang Pagsasalarawan

2.1 Pang-Grupong Gawain/Workshop


2 Oras
2.2 Pagbabahagi ng Resulta
20 Minuto
2.3 Paglalagom
5 Minuto

3. Mga Terminolohiya at Konsepto sa DRRM

3.1 Pang-Grupong Gawain/Talakayan


1 Oras
3.2 Pagsasadula
20 Minuto

MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #2 (PowerPoint Presentation at na-imprentang kopya ng presentasyon)
 Craft Papers
 Cartolina/Meta Cards (iba’t ibang kulay)
 Transparent Plastic Sheets (na hinati sing-laki ng craft papers)
 Pentel Pens (na magkakaiba ng kulay, 5 sets)
 Gunting
 Pandikit (paste o glue)
 Masking Tape

PROSESO
pagpapakilala sa modyul

1. Bilang panimulang gawain, atasan ang mga kalahok na pumunta sa iba’t ibang lugar sa loob
ng kinalalagyan na gusali na tumutugma sa mga babanggiting katangian.

16
1.1 “Pumunta kayo sa…”
 Lugar na maaliwalas
 Lugar na pwedeng manalangin
 Lugar na masarap magkuwentuhan
 Lugar na ligtas sa mga batang maglaro
 Lugar na kailangang linisin
 Lugar na mapanganib o pwedeng magkaroon ng disaster

1.2 Sa bawat lugar na pupuntahan, tanungin ang mga kalahok ng mga sumusunod

 Bakit ito ang inyong napiling lugar? Anu-ano ang inyong mga pamantayan?
 Anu-ano ang epekto ng lugar na ito sa inyong pakiramdam?
 Pagdating sa lugar na maaaring magkaroon ng disaster, kasamang itanong kung
ano ang maaaring maging panganib nito at kung ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ang disaster.

2. Ipaliwanag na ang susunod na gawain ay tututok sa mga lugar na madalas makaranas ng


disaster sa barangay, ano ang epekto nito, at kung paano ito hinaharap. Ipaliwanag sa mga
kalahok ang layunin ng modyul. Itanim sa kanilang kaisipan na ang mga resulta ng mga
gawain sa ilalim ng modyul ay mahalaga dahil magsisilbi itong gabayang datos sa susunod
pang mga modyul.

Sama-samang pagsasalarawan

1. Hatiin sa limang grupo ang mga kalahok. Gamit ang Sanggunian #2, ipaliwanag ang takdang
gawain ng bawat grupo upang maisalarawan ang nararanasang panganib at disaster sa
kanilang barangay:

Ang unang grupo (Group 1) ay guguhit ng Spot Map ng barangay (Slides 6-12 ng

Sanggunian #2). Tiyakin na matukoy ang mga tampok na pisikal na katangian sa lugar
(bahayan, mga pangunahing pasilidad, daan, tulay, dagat, ilog, sapa, sakahan, bundok,
atbp.). Kung maaari ay maiguhit ang tamang dami o proporsyon ng mga bahayan.
Sumangguni sa Larawan 1 para sa halimbawa ng spot map.

17
Matapos nito, tukuyin ang mga lugar

na low-, medium-, at high-risk sa mga
karaniwang panganib sa lugar (baha,
bagyo, sunog, atbp), pati na rin ang
dami ng pamilya at indibidwal na
apektado kung may sapat na datos.
Sumangguni sa Talahanayan 2 para sa
mga indikasyon ng antas ng panganib
sa lugar.

Gumamit ng legend o palatandaan



(maaaring simbolo o kulay ng marker
pen) para sa mga tukoy na pasilidad
at tukoy na mga apektadong lugar.
Gumamit ng isang plastic sheet
at isang kulay ng pentel pen kada
panganib na natukoy. Ang Larawan
2 ay nagpapakita ng isang spot map Halimbawa ng Spot Map
na pinatungan ng plastic sheet upang
tukuyin ang mga bahaing lugar sa
isang barangay.

Halimbawa ng Hazard Map

18
Talahanayan 2. Mga Batayan/Indikasyon sa Pagtukoy ng Antas ng Panganib sa Lugar

Batayan/Indikasyon sa Lugar
Panganib
High-Risk Medium Risk Low Risk

• Mabilis bahain • Sunod na binabaha • Binabaha lamang kapag


• Pinakamataas ang matapos bahain ang mala-Ondoy o Pepeng
Baha antas ng tubig/baha mga lugar na high risk ang lakas ng ulan
• Pinakamatagal humupa
ang baha

• Buhaghag ang lupa • Clay ang klase ng lupa • Adobe ang klase ng
• Walang plano ang • Gusaling may plano lupa
gusali o may mga ngunit hindi sertipikado • Gusaling may plano
Lindol indikasyon na kulang sa ng lisensyadong at sertipikado ng
tibay (kulang sa biga, inhinyero lisensyadong inhinyero
haligi) • Kitang kita ang tibay ng
pagkakagawa ng gusali

• Siksikan/dikit-dikit ang • Bahagyang siksikan • Magkakalayo ang mga


mga bahay at makipot at dikit-dikit ang mga bahay at may maayos
Sunog ang daan papasok at bahay na daan papasok at
palabas sa lugar palabas sa lugar

 Gagawin naman ng pangalawang grupo (Group


2) ang Disaster Timeline (Slides 13-15 ng
Sanggunian #2). Iisa-isahin ng grupo ang mga
matitinding disaster na naranasan ng barangay
ayon sa petsa/taon (pinakabago hanggang sa
pinakamatagal nang nangyari). Tutukuyin din
ng grupo ang naging pinsala at epekto ng mga
nasabing disaster sa kanilang lugar, gayun din
ang mga aral na natutunan ng mga tao mula sa
karanasan.

Halimbawa ng Disaster Time Line

19
Ang pangatlong grupo (Group 3) ay gagawa ng

Social Venn Diagram (Slides 16-18). Ang diagram
ay magpapakita ng mga samahan/institusyong
kumikilos at nakikipagtulungan sa barangay bago,
habang, at matapos ang panganib o disaster.
Guguhit o gugupit ng mga hugis-bilog ang grupo
na s’yang kakatawan sa bawat samahan at sa laki
nito. Guguhit ng hugis-puso sa gitna ng malaking
papel upang mag-simbolo ng puso ng barangay.
Ang mga samahan/ institusyon na nagbigay na
ng tulong sa lugar o maaaring makatulong sa
Halimbawa ng Social Venn Diagram mga gawain kontra-disaster ay ilalagay malapit
o malayo sa puso, depende kung gaano kalapit
itong nakikipagtulungan sa barangay. Ang mga
samahang nagtutulungan o nag-uugnayan ay
ilalagay din malapit sa isa’t isa.

KKK Matrix naman ang gagawin ng pang-apat



na grupo (Group 4, Slides 19-21). Ang KKK ay
tumatayo sa mga salitang Kabuhayan, Kalusugan,
at Kaugalian. Ipapakita ng matrix o talahanayan
ang ikinabubuhay ng mga tao sa barangay, ang
kanilang kalagayang pangkalusugan, at ang
kanilang gawi at pinahahalagahan (positibo at
negatibo) bago, habang, at matapos ang disaster.
Halimbawa ng KKK Matrix

Ang panlimang grupo (Group 5) ay gagawa ng



“Yesterday, Today, and Tomorrow” (Slides 22-
23) Sa pamamagitan ng pagguhit, ilalarawan
ng grupo ang (a) kalagayan ng likas-yaman,
kapaligiran, at itsura ng barangay 20-30 taong
nakararaan; (b) kalagayan ng mga nabanggit
sa kasalukuyan; at (c) ang gusto nilang maging
kalagayan ng kanilang barangay sa kinabukasan
makalipas ang 20 taon.
Halimbawa ng “Yesterday, Today, and Tomorrow

20
2. Bigyan ng 2 oras ang bawat grupo upang tapusin ang gawain. Bigyan sila ng tig-sampung
(10) minuto para mag-ulat.

3. Lagumin ang resulta ng ginawa at iniulat ng bawat grupo sa pamamagitan ng paggamit ng


meta cards o Slides 25-32 ng Sanggunian #2 (kailangan lamang itong palamanan habang
nag-uulat ang mga grupo). Tukuyin ang mga sumusunod:

 Bantang-panganib o disaster na madalas maranasan sa lugar

 Mga lugar sa barangay na matinding naaapektuhan

 Epekto sa mga nasabing lugar at mga sektor

 Dahilan kung bakit ito nangyayari

 Kakayahan ng mga tao upang harapin ang mga epekto (kasama ang mga samahang
kaagapay)

 Pangarap para sa barangay at kahalagahan ng maayos na paghahanda at pagtugon sa


bantang panganib o disaster para makamit ito.

21
mga terminolohiya at konsepto sa drrm

1. Pabalikin ang mga kalahok sa kanilang mga grupo. Gamit pa rin ang Sanggunian #2, atasan
silang maglista sa craft paper ng mga salita na naiisip nila kapag naririnig nila ang bawat
isang salitang babanggitin. Bigyan ang mga grupo ng 15 segundo na maglista ng mga salita.
Unang banggitin nang magkasunod (hindi sabay, Slide 34) ang:

 Disaster
 Hazard (Bantang Panganib)

2. Matapos ang 15 segundo, ipapaskil sa dingding o harapan ang mga sagot ng bawat grupo.

3. Magtanong at maglinaw (e.g. bakit ninyo naisip ang salitang ito?). Purihin ang mga salita
na umaayon sa ibig sabihin ng terminong nabanggit. Itama naman ang hindi naaayon.

4. Matapos ang pagpo-proseso, talakayin ang ibig sabihin ng disaster at bantang panganib
(hazard) gamit pa rin ang Sanggunian #2 (Slides 35-40) na tumatalakay dito. Tiyakin
na malinaw sa mga kalahok ang pagkakaiba ng dalawang konsepto sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga halimbawa. Himukin ang mga kalahok na magtanong. Gamitin din ang
mga resulta ng mga naunang gawain (e.g. lugar na maaaring ma-disaster, spot map, mga
salitang nailista) upang mas ipatindi ng mga termino.

22
5. Uliting muli ang proseso (hakbang 1 to 4) gamit ang mga sumusunod na salita:

5.1 Set 2 (Slides 42-47 ng Sanggunian 2)


 Vulnerability (Bulnerabilidad)
 Capacity(Kapasidad)

5.2 Set 3 (Slides 48-51 ng Sanggunian 2)


 Exposure (Pagkalantad)
 Disaster Risk (Risgo sa Disaster)

23
5.3 Set 4 (Slides 52-57 ng Sanggunian #2)
 Climate Change (Pagbabago ng Klima)
 Climate Change Adaptation (Pag-aangkop sa Pagbabago ng Klima)

6. Matapos ang pagtalakay sa mga konsepto, bigyan ng 20 minuto ang bawat grupo upang
gumanap at magpakita ng sitwasyon (role-play) na magsasalamin ng pagkakaiba ng mga
konsepto:

 Unang Grupo: Disaster at Bantang Panganib


 Pangalawang Grupo: Bulnerabilidad at Kapasidad
 Pangatlo at Pang-apat na Grupo: Pagkalantad at Risgo sa Disaster
 Pang-limang Grupo: Pagbabago ng Klima at Pag-aangkop sa Pagbabago ng Klima

7. Bigyan ang bawat grupo ng 5 minuto para mag-role play.

8. Matapos ang bawat grupo, purihin ang mga pagganap na ayon sa ibig sabihin ng mga ito.
Itama naman ang hindi naaayon, kung mayroon.

9. Lagumin ang naging resulta ng mga gawain sa ilalim ng modyul. Bigyang diin ang mga
mahahalagang puntos na minumungkahi sa modyul na ito.

24
MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Hindi lahat ng bantang-panganib ay nagiging disaster. Nagkakaroon ng disaster kapag
tinamaan ang isang lugar na bulnerable at lantad sa risgo (gaya ng mga “high-risk” na lugar
na tinukoy nila sa kanilang spot map). Kapag mataas ang bulnerabilidad at pagkalantad
ng lugar, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng disaster kapag may bantang panganib.

⇒ Ang disaster ay maaaring paghandaan at sagkaan. Susi dito ang pagpapalakas ng mga
kakayanan ng mga tao na paghandaan at harapin ang bantang panganib. Ang mataas na
kapasidad ay makapagliligtas ng buhay, ari-arian, at kabuhayan.

⇒ Ang mga pamayanan at lugar (gaya ng mga binanggit na bulnerableng lugar sa naunang
spot map) ay maaaring kolektibong harapin ang mga banta ng disaster at pagbabago ng
klima sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kapasidad at pagpapababa ng bulnerabilidad.

HANGO SA MGA TUNAY NA KARANASAN

↔ Isang residente ng Aliaga ang may kapansanan at hindi makalakad. Sa halip


na tanggapin na lamang ang kanyang pagka-bulnerable, pinalakas niya ang
kanyang personal na kapasidad. Nagpadagdag siya ng palapag sa kanyang
tirahan upang panatilihan at pag-akyatan ng gamit tuwing bumabaha sa
kanilang lugar. Bukod pa rito, siya ay bumili ng bangka upang may paraan siyang
lisanin ang tirahan kung aabutin ng tubig ang buong bahay. Pinagkakakitaan
niya rin ang bangka dahil ginagamit niya itong pampasaherong sasakyan
tuwing tag-baha.
↔ Bunga ng nagbabagong klima, ang pagbaha tuwing tag-ulan ay naging
bahagi na ng buhay sa Zaragoza, Nueva Ecija. Bilang pag-aangkop, maraming
residente ang nagdagdag ng palapag sa kanilang mga tirahan kung saan sila
nananatili at nag-aakyat ng mga gamit kapag binabaha ang kanilang lugar.
↔ Ang buong probinsiya ng Nueva Ecija ay nagpapatupad na ng pag-aangkop sa
klima sa larangan ng agrikultura: (1) Pagtatanim ng 40 kilo ng palay sa bawat
ektarya ng lupang sakahan, (2) pagpapatupad ng integrated pest management
kung saan sa halip na gumamit ng mga kemikal, mga “mabubuting” insekto
ang gamit upang itaboy ang mga peste (3) pagsasakang organic, at (4) palay
check system.

25
DAPAT TANDAAN
G Itabi ang mga resulta ng unang gawain (workshop) dahil gagamitin pa ang mga ito sa mga
susunod na modyul.

G Bigyang diin ang mga positibo nang ginagawa ng Barangay at mga residente upang palakasin
ang kanilang mga kapasidad.

26
MODYUL 2
A NG ATING GABAY AT PAMAMARAAN
UPANG TUGUNAN ANG KALAGAYAN

MODYUL 2: ANO ANG ATING GABAY?


ANG DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT NG 2010

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 2, inaasahang may kakayanan na ang mga kalahok na maipaliwanag ang mga
pangunahing nilalaman ng Republic Act (RA) 10121, o kilala rin bilang Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) Act ng 2010.

DALOY

PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pagpapakilala sa Modyul 5 minuto

1.1 Pagpapalabas ng Video: Typhoon Ondoy 2 minuto

1.2 Maikling pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul 3 minuto

2. Pagtalakay: Disaster Risk Reduction and Management Act


1 oras
ng 2010 (Republic Act 10121)

3. Inisyal na Pag-aayos ng Balangkas ng BDRRMC 50 Minuto

4. Paglalagom 5 minuto

29
MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #3 (video ukol sa Typhoon Ondoy)
 Sanggunian #4 (PowerPoint Presentation at na-imprentang kopya ng presentasyon)
 Sanggunian #5 (Kopya ng praymer ukol sa RA 10121)

PROSESO
pagpapakilala sa modyul

1. Ipalabas ang maikling video patungkol sa Bagyong Ondoy (Sanggunian #3).

2. Matapos ang palabas, idiin na ang karanasan ng bansa sa Bagyong Ondoy ay maaaring
paghandaan upang hindi na muling maulit. Ganun din ang mga naranasang disaster na
iniulat ng mga grupo sa ilalim ng Modyul 1. Ito nga ay sa pamamagitan ng pagpapalakas
ng mga kakayanan ng pamayanan upang paghandaan at harapin ang bantang panganib o
disaster. Ang isang armas na makakatulong at gagabay sa mga barangay para dito ay ang
Disaster Risk Reduction and Management Act ng 2010 o Republic Act (RA) 10121.

3. Ipaliwanag na ang susunod na talakayan ay iikot sa konteksto at mahahalagang nilalaman


ng nasabing batas.

ANG disaster risk reduction and management act Ng 2010 ( republic


act 10121)

1. Talakayin ang konteksto ng pangangailangan ng isang batas na siyang nagbibigay ng


balangkas at gabay para sa pagpapatupad ng mga programang kontra-disaster sa mga
kawani ng pamahalaan, mula barangay hanggang pambansang antas. Gamitin ang Slides
4-7 ng Sanggunian #4. Ang mga slides na ito ay nagpapakita ng antas ng pagka-lantad ng
Pilipinas sa mga bantang panganib gaya ng lindol, bagyo, at pagbaha. Bigyang diin na
ang ganitong kalagayan ang nagtulak sa mga mambabatas na ipasa ang RA 10121. Ang
batas ay batay at naaayon sa mga prinsipyo at stratehiyang nilalaman ng Hyogo Framework

30
for Action (HFA), isang komprehensibong pagtugon sa disaster na niratipika ng 168 bansa
noong 2005, kasama ang Pilipinas. Pag-aralan ding mabuti ang Sanggunian #5 para sa
pangkabuuang lalamanin ng talakayan.

2. Ipaliwanang ang pagkakaiba ng RA 10121 sa PD 1566 na siyang dating batas na gamit ng


bansa kontra-disaster. Ipakita ang Slides 8-11 para dito.

3. Sunod na talakayin ang mahahalagang nilalaman ng RA 10121 gamit ang Slides 12-41.

4. Hikayating magtanong ang mga kalahok.

inisyal na pag-aayos sa balangkas ng bdrrmc

1. Tanungin kung nagpupulong ba ang Barangay Development Council (BDC) at kung gaano
ito kadalas. Bigyang diin ang papel ng BDC sa pagbuo ng mga polisiya at plano kontra-
disaster sa barangay. Tanungin din kung nabuo na sa barangay ang Barangay Disaster Risk
Reduction and Management Committee (BDRRMC).

2. Kung nabuo na ito, ipa-guhit sa mga kalahok ang istruktura nito. Magtanong at maglinaw
kung ano ang gawain ng mga bahagi o sub-komite sa istruktura. Magtanong din kung ano
na ang mga isinasagawang aksyon at proyekto ng mga ito. Tanungin din kung tukoy na ang
kinatawan na mga civil society organizations (CSOs) na umuupo sa BDRRMC at papel nito.

31
3. Kung hindi pa nabubuo ang BDRRMC, maglaan ng panahon upang talakayin ang istruktura
nito at mga taong maaaring umupo bilang pinuno at kasapi ng mga sub-komite. Gamitin
ang Slide 43, isang halimbawa ng balangkas ng BDRRMC ayon sa karanasan ng Barangay
Banaba, San Mateo, Rizal. Gaya ng istruktura sa antas ng nasyonal, mahalagang may
mga komiteng tututok sa gawaing paghahanda (preparedness), mitigasyon (mitigation),
pagtugon (response), at pagbangon (recovery). Dati kasi ay pagtugon lamang ang
tinutuunan ng pansin. Sa bagong batas, binibigyang halaga ang mga gawain bago at
matapos ang disaster.

4. Konsultahin ang mga kalahok kung angkop ba ang balangkas ng Barangay Banaba sa kanilang
kalagayan. Ano man ang kanilang sagot, tiyakin na makabuo sila ng balangkas na may
mga komiteng tututok sa gawaing paghahanda (preparedness), mitigasyon (mitigation),
pagtugon (response), at pagbangon (recovery); at magtukoy ng mga inisyal na mga taong
magsisilbing pinuno ng bawat komite at sub-komite. Magtakda na rin ng petsa para sa
pagpupulong.

5. Kung may panahon pa, maaaring hatiin ang mga kalahok ayon sa dami ng mga komiteng
nasa istruktura upang mag-workshop at talakayin nang masinsin ang mga tungkulin at
responsibilidad ng bawat unit o sub-komite sa istruktura gamit ang Slide 44.

32
PAGLALAGOM

1. Gamit ang Slide 45, pakantahin ang


mga kalahok ng Balay ni Superman.
Itanong muna kung mayroong may
alam ng kanta. Kung mayroon,
hikayatin silang sumabay sa
pagkanta ng awit para marinig ng
hindi nakakaalam. Matapos ang
isang pasada sa awitin, itanong
kung ano ang angkop na aksyon
habang kinakanta ito (aksyon para
sa balay, Superman, nasunog, at
Darna). Matapos sang-ayunan ang
aksyong gagawin, patayuin lahat
upang umawit at umaksyon sa saliw
ng Balay ni Superman.

2. Matapos ang maaksyong kanta, tanungin ang mga kalahok kung may nakikita silang
mensahe ng kanta na may relasyon sa gawain laban sa disaster. Walang maling kasagutan.
Purihin ang mga relasyong nakikita nila.

3. Matapos ang pagbabahagi ng mga tatlo hanggang limang kalahok, ipaliwanag na maaari
ring tingnan ang awit bilang pagwasak sa kultura at nakagawian nang pagtugon sa disaster
sa ilalim ng PD 1566. Ang “balay ni Superman” ay ang kulturang nakasanayan na ng mga
tao at gobyerno na kumikilos lamang kapag may disaster na, umaasa sa direktiba ng
pamahalaang nasyunal, at tinitingnan ang disaster na natural na pangyayari at kalooban
ng Diyos. Si “Darna” ay ang bagong batas (RA 10121) at ang mga tao (gaya ng mga kalahok)
sa siyang magsusulong ng bagong kultura ng pagiging handa at pagpapalakas ng mga
kakayanan ng mga lokal na pamahalaan at mga bulnerableng mga mamamayan upang
kumilos at magsanay bago pa man dumating ang ano mang bantang panganib. “Susunugin”
o babaguhin ng bagong batas ang napakalakas na kulturang nakagawian. Hindi ito
magagawa kung walang pagpupursige ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan.

33
MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Ang Pilipinas ay madalas na nakakaranas ng mga natural na bantang panganib tulad ng
lindol, bagyo, at pagbaha dahil na rin sa lokasyon nito sa Pacific. Pinapaigting pa nito ang
kalagayan ng maraming Pilipinong kapos sa buhay. Dahil dito, kailangang palakasin ang
kakayahan ng bansa upang harapin ang mga bantang panganib at maiwasan ang disaster.
Ang RA 10121 ay isang mekanismo upang makapag-ambag sa ganitong tahakin.

⇒ Ang RA 10121 ay nagpapawalang bisa sa PD 1566. Ang bagong batas ay progresibo at


napapanahon. Sinisikap ng bagong batas na mas tuunan ng pansin ng pamahalaan ang
paghahanda, pag-iwas, at pagharap sa bantang panganib; at mabawasan o tuluyang
mawala ang pinsalang dulot nito. Kung magagawa ito, hindi na kakailanganin ng malaking
oras at gastos para sa pagtugon, rehabilitasyon, at pagbangon (response, rehabilitation,
and recovery).

⇒ Bigyang diin na ang bagong balangkas ng DRRMC mula sa nasyunal hanggang lokal ay
binibigyang pansin na ang pagtutok sa mga gawain hindi lang habang may bantang panganib
at disaster kung hindi bago at matapos ito. Lalo’t higit ang pagtuon sa paghahanda bago
pa man ito mangyari.

⇒ Napakahalaga ng papel na gagampanan o ginagampanan ng kinatawan ng civil society


organizations (CSOs) sa bagong balangkas. Sa pagtitiyak na may kinatawan ang mga CSOs
at bulnerableng sektor sa istruktura, natitiyak rin na ang kanilang boses ay maririnig at
maaaring matugunan.

⇒ Sa antas ng barangay, BDC ang siyang namamahala sa lahat ng gawaing kontra-disaster


samantalang ang BDRRMC naman ang siyang magpapatupad ng mga patakaran at plano ng
BDC. Mahalaga na may kinatawan ang mga CSOs sa BDC at BDRRMC upang matiyak nito
na maayos ang gamit at koordinasyon ng gamit, pera, at iba pang kailangan bago, habang,
at matapos ang ano mang bantang panganib o disaster.

34
DAPAT TANDAAN
G Magpamahagi ng kopya ng Praymer ukol sa RA 10121 (Sanggunian #5).

G Bigyang diin ang mahalagang papel ng BDRRMC sa pagpapatupad ng mga gawain upang
paghandaan ang bantang-panganib. Gayun din ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok
ng mga lokal na samahan, lalo na ng mga people’s organizations (POs) at non-government
organizations (NGOs) sa BDRRMC.

35
MODYUL 3
MODYUL 3: PAMPAMAYANANG PAMAMAHALA
SA PAGTUGON SA DISASTER

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 3, inaasahang may kakayanan na ang mga kalahok na:

 Maipaliwanag at magamit ang mga konsepto at termino tungkol sa Pampamayanang


Pamamahala sa Pagtugon sa Disaster o Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management (CBDRRM); at

 Pulutan ng aral at aplikasyon ang mga positibong karanasan sa CBDRRM.

DALOY
PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS
1. Pagpapakilala sa Modyul

1.1 Pang-Grupong Laro: Bagyo, Lindol, Baha 15 minuto

1.2 Maikling pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul 5 minuto


2. Pagtalakay sa Pamamahala ng Pagtugon sa Disaster (Disaster
Risk Reduction and Management o DRRM)
15 minuto
2.1 Pang-Grupong Gawain/Workshop: Pagtukoy ng mga
Gawain Bago, Habang, at Matapos ang Disaster
15 minuto
2.2 Pagbabahagi ng Resulta ng Pang-Grupong Gawain
1 oras
2.3 Talakayan: Mga Konsepto sa DRRM
5 minuto
2.4 Pagpapalabas ng Video: Ang Karanasan ng Dagupan City

2.5 Pagpo-Proseso 15 minuto

37
3. Pagtalakay sa Pampamayanang Pamamahala ng Pagtugon sa
Disaster o Community-Based DRRM (CBDRRM)
1 oras at 30 minuto
3.1 Talakayan at Pagpapalabas ng Video: Kahulugan,
Proseso, Katangian, at mga Karanasan sa CBDRRM

MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #6 (PowerPoint Presentation o na-imprentang kopya ng presentasyon)
 Sanggunian #7 (video ng karanasan ng Dagupan City sa DRRM)
 Sanggunian #8 (video ng karanasan ng Barangay Manguin sa CBDRRM)
 Craft papers
 Pentel Pens
 Masking Tape

PROSESO

pagpapakilala sa modyul

1. Hatiin ang mga kalahok sa tatlong grupo.


Sabihan sila na maglalaro ng “Bagyo,
Lindol, Baha.”

2. Ang unang grupo (Group 1) ay ang


grupong “Bagyo.” Ang pangalawa naman
ay ang grupong “Lindol;” samantalang ang
pangatlo ay ang grupong “Baha.”

3. Pag-isipin ang bawat grupo ng aksyon na tumutugma kapag sinambit ang pangalan ng
kanilang grupo (Hal. ang grupong “Bagyo” ay magtataas ng dalawang kamay na parang
hinahangin; ang “Lindol” naman ay kikilos na parang inuuga; at ang “Baha” naman ay
aaksyong lumalangoy). Tiyakin na malinaw ang naisip nilang aksyon sa pamamagitan

38
ng pagtawag sa bawat grupo at pagseguro na sabay-sabay nilang nagagawa ang aksyong
tumutugma sa kanilang pangalan.

4. Kapag natiyak na malinaw na sa bawat grupo ang kanilang aksyon, pag-isipin sila ng
paghahandang ginagawa BAGO mangyari ang bantang panganib na ipinangalan sa kanila
(Hal. para sa grupong Bagyo, mag-isip ng isang ginagawa ninyo BAGO magkaroon ng bagyo).
Pag-isipin din sila ng aksyon na tumutugma sa napag-kaisahang ginagawa.

5. Kapag handa na ang lahat ng grupo, sila’y magtatawagan. Sasambitin ng dalawang beses
ang bantang panganib na nakaatas sa kanilang grupo at ang akmang gawain, saka mabilis
na tatawag at tuturo ng ibang grupo. Dapat na sabay-sabay ang mga kasapi ng grupo sa
pagsambit at pag-aksyon. Halimbawa:

 “Babagyo, nagpapako; Babagyo, nagpapako; Lilindol!”


 “Lilindol, magbababa; Lilindol, magbababa; Babaha!
 “Babaha, nag-aangat; babaha, nag-aangat; Lilindol!”

6. Ang grupong magkakamali ng tatlong beses ay may kaparasuhan (maaaring tanungin ang
ibig sabihin ng mga pangunahing konsepto at terminong napag-usapan sa Modyul 1).
Hayaang “magtawagan” ang mga grupo ng 3 hanggang 5 minuto.

7. Ulitin muli ang hakbang 4-6, ngunit sa halip na bago mag-bantang panganib ang aksyon na
gagawin, HABANG may bantang panganib naman ang gagawan ng aksyon ng bawat grupo.
Halimbawa:
 “Bumabagyo, sumisilong; Bumabagyo, sumisilong; Lumilindol!”
 “Lumilindol, lumalabas; lumilindol, lumalabas; bumabaha!”
 “Bumabaha, lumilikas; bumabaha, lumilikas; lumilindol!”

8. Matapos nito, muling ulitin ang hakbang 4-6, ngunit MATAPOS naman ng bantang panganib
ang pag-isipan ng aksyon. Halimbawa:

 “Bumagyo, nagre-relief; bumagyo, nagre-relief; lumindol!”


 “Lumindol, nasa tent; lumindol, nasa tent; bumaha!”
 “Bumaha, naglilinis; bumaha, naglilinis; lumindol!”

9. Matapos ang laro, ipaliwanag na ang susunod na modyul at talakayan ay iikot sa


pamamahala ng mga mahahalagang gawain ng mga tao, lokal na pamahalaan, at iba pang
grupo at ahensiya bago, habang, at matapos ang bantang panganib o disaster.

39
pagtalakay sa pamamahala ng pagtugon sa disaster ( Disaster
Risk reduction and Management o DRRM)

1. Muling pabalikin ang mga kalahok sa kanilang mga grupo. Atasan ang Grupong Bagyo na
maglista ng mga ginagawa na ng lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng pamahalaan, mga
pribadong organisasyon at non-government organizations, at mga mamamayan BAGO
magdisaster. Ang Grupong Lindol naman ay atasang maglista ng mga ginagawa HABANG
may disaster. Panghuli, atasan ang Grupong Baha na maglista ng mga ginagawa matapos
ang disaster. Ipasulat ang kanilang mga kasagutan gamit ang sumusunod na format (Slide
5):

Talahanayan 3. Gawaing DRRM ng Barangay Bago, Habang, Matapos ang Disaster

Gawain

Panahon Lokal na Ahensiya ng Mga


Mga NGOs
Pamahalaan Pamahalaan Mamamayan

Bago ang Disaster: Paghahanda at


Mitigasyon (Bagyo)

Habang May Disaster: Pagtugon sa


Emergency (Lindol)
Matapos ang Disaster: Rehabilitasyon at
Pagbangon (Baha)

2. Bigyan ang bawat grupo ng 15 minuto upang tapusin ang gawain. Pag natapos na ang
tatlong grupo, bigyan sila ng tig-limang minuto upang magbahagi ng kanilang natalakay.
Matapos nito, tanungin sila kung sapat na ba ang mga gawaing nabanggit o may mga
kailangan pang gawin. Kung may mga kailangan pang gawin, idagdag ito sa listahan.

3. Iugnay ang naging resulta ng pang-grupong talakayan sa Disaster Risk Reduction and
Management (DRRM) at talakayin ang mga konsepto at terminong DRRM gamit ang
Sanggunian #6 (Slides 6-25).

4. Matapos ang pagtalakay, ipalabas ang video (Sanggunian #7) tungkol sa karanasang DRRM
ng Dagupan City, Pangasinan.

40
5. Matapos ang video, tanungin ang mga kalahok kung ano ang natutunan mula sa napanood
na maaaring magawa ng Munisipyo upang mas mapalakas ang mga barangay sa gawaing
kontra-disaster. Humingi ng mga dalawa hanggang tatlong opinyon. Ilista ang mga
kasagutan. Tukuyin kung alin sa listahan ang ginagawa na ng munisipyo at kung alin
ang hindi pa. Para sa mga gawaing hindi pa nagagawa, banggitin kung maaari ba itong
matugunan ng munisipyo at kung paanong paraan. Ipaliwanag rin kung wala ito sa
kakayahan ng munisipyo at kung bakit.

6. Bilang pagtatapos ng sesyon, banggitin na ang ginawa sa Dagupan City ang sinisikap ring
magawa ng munisipyo. Kaya naman bumababa sila sa bawat barangay upang mapakilos
ang mga Barangay Council at mga mamamayan laban sa disaster.

Pagtalakay sa pampamayanang pamamahala sa pagtugon sa


disaster (community-based Disaster Risk reduction and
Management o CBDRRM)

1. Ipaliwanag sa mga kalahok na para maging epektibo ang pamamahala ng mga gawaing
kontra-disaster, napakahalaga ng partisipasyon ng buong barangay, lalo na ng mga taong
pinaka-apektado at madalas na nagiging biktima ng disaster. Talakayin ang CBDRRM gamit
ang Slides 27-32 ng Sanggunian #6.

2. Matapos ang Slide 32, ipalabas ng video


(Sanggunian #8) ukol sa karanasan
ng Barangay Manguin. Matapos ang
palabas, tanungin ang mga kalahok
kung ano ang prosesong dinaanan ng
Barangay Manguin gamit ang Slide 34.
Isuma ang kanilang mga kasagutan.
Palalimin ito hango sa karanasan ng
Dagupan City at Barangay Manguin.

3. Gamit ang Slide 35, tanungin ang mga kalahok kung ano ang katangian ng prosesong
CBDRRM na pinagdaanan ng Barangay Manguin. Matapos ang kanilang pagbabahagi,
ipaliwanang ang mahahalagang katangian ng proseso gamit ang Slide 36.

41
4. Kung may panahon pa, ibahagi ang
karanasan ng Buklod Tao, Inc., isang
samahan na nagpapatupad ng CBDRRM sa
Barangay Banaba, San Mateo, Rizal (Slides
37-61). Bigyang diin na maging ang Buklod
Tao ay may mga gawaing paghahanda/
mitigasyon, pagtugon sa emergency, at
pagbangon mula sa disaster.

MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Madalas, ang mga lokal na pamahalaan ay may mga mekanismo na para sa disaster
response (rescue operations, evacuation, relief distribution) subalit kapos pa sa mga
gawaing paghahanda.

⇒ Ang pag-iwas sa disaster ay nakasalalay sa kakayahan at kahandaan ng mga barangay.


Kaya naman dapat tiyakin ng mga munisipyo na ang mga barangay ay hindi naka-depende
sa munisipyo sa gawaing DRRM. Dapat na ang Barangay Council ay kaagapay ang mga
mamamayan sa pagsasatupad nito.

⇒ Sa CBDRRM, ang mga tao mismo sa pamayanan ang kumikilos sa buong proseso. May
pagkilala ito sa kaalaman ng mga tao sa kanilang kalagayan at kakayahang sama-samang
harapin ito.

DAPAT TANDAAN
G Alamin, kilalanin, at isaalang-alang ang kakaibang konteksto at kalagayan ng barangay.

G Tiyakin na ang lahat ay nakapagbabahagi (lalo na’t isa sa mga prinsipyo ng CBDRRM ang
partisipasyon) at walang nagdo-domina.

42
MODYUL 4
A NG ATING KONKRETONG GAGAWIN

MODYUL 4: PAGHAHANDA SA DISASTER


(DISASTER PREPAREDNESS)

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 4, inaasahang kolektibong magagawa ng mga kalahok ang mga sumusunod
na gawaing paghahanda upang maiwasan o mabawasan ang negatibong epekto ng disaster:

 mas masusing matasa ng mga kalahok ang pagka-lantad, pagka-bulnerable, at kapasidad ng


kanilang barangay sa disaster;

 makabuo ng inisyal na sistema sa pagbibigay ng maagang babala (early warning system) at


paglikas (evacuation system) sa kanilang barangay; at

 makabuo ng plano para sa pagbibigay ng kaalamang pampubliko sa barangay.

DALOY
PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pagpapakilala sa Modyul

1.1 Panglahatang Gawain: “Handa na ba Kayo?” 5 minuto


1.2 Maikling pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul 5 minuto

2. Pagsusuri ng Risgo sa Pamayanan (Community Risk Assessment)

2.1 Pagpapakilala sa Sesyon: “Ano ang Inyong Nakikita?” 5 minuto


2.2 Maikling Pagtalakay: Mga Gawain Upang Masuri ang Risgo 15 minuto
2.3 Aktwal na Pagsusuri ng Risgo 3 oras
45
3. Pagbuo ng Sistema sa Pagbibigay ng Maagang Babala at Paglikas
(Early Warning System at Evacuation System)

3.1 Ehersisyo (na sinimulan na sa Modyul 3 pa lamang) 5 minuto


3.2 Pagpo-Proseso at Pagtalakay 15 minuto
3.3 Pang-Grupong Gawain: Pagbuo ng Sistema sa Pagbibigay ng 20 minuto
Maagang Babala at Paglikas
3.4 Paglalagom 5 minuto
4. Pagbuo ng Plano sa Pagbibigay ng Kaalamang Pampubliko (Public
Awareness)

4.1 Pang-Grupong Gawain: Mga Gawaing Kaalamang Pampubliko 15 minuto


Para sa mga Nabuong Sistema sa Pagbibigay ng Maagang
Babala at Paglikas
4.2 Presentasyon at pagpo-Proseso 25 minuto
4.3 Talakayan: Pagbibigay ng Kaalamang Pampubliko 15 minuto
5. Paglalagom 5 minuto

MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #9 (PowerPoint Presentation at naimprentang kopya nito)
 Sanggunian #10 (Ehersisyo sa Pagbibigay ng Maagang Babala)
 Craft papers
 Pentel Pens
 Masking Tape

PROSESO
pagpapakilala sa modyul

1. Patayuin ang lahat ng kalahok nang nakabilog. Sabay sabay silang papalakpakin at palakarin
habang umiikot. Habang saliw ng palakpak at umiikot, magpapalitan ng tanong at sagot ang
Tagapagdaloy at mga kalahok:

46
Tagapagdaloy: “Handa na ba kayo?”
Kalahok: “Oo!”
T: “Ipakita kung handa na”
K: “Sige!”
T: “Ipakita sa --- (magbanggit ng bahagi ng katawan, hal. ulo)!”
K: (Habang iniikot o ginagalaw ng binanggit na bahagi ng katawan) “Uhmmm-uhmmmm-
uhmmmm-ah-ah!” (2x)

2. Ituloy ang palitan nang mga lima hanggang sampung beses na binabago ang bahagi ng katawang
pinapagalaw. Sa huling palitan, ang banggitin na pagagalawin ay ang “buong katawan.”

3. Matapos ang gawain, paupuin ang mga kalahok at ipaliwanag na ang susunod na modyul ay
iikot sa pagtalakay, pagtukoy, at pagbuo ng mga gawain para paghandaan ang bantang panganib
o disaster. Ipaliwanag ang mga layunin at daloy ng gawain.

pagsusuri ng risgo sa pamayanan (community risk assessment)

1. “Nakikita N’yo ba ang Nakikita Ko?” Ipakita ang Slides 7 at 8 ng Sanggunian #9 at tanungin
ang mga kalahok kung ano ang kanilang nakikita. Sa kanilang pagkakaiba ng nakikita, muling
magtanong kung bakit may pagkakaiba ang kanilang nakikita.

47
2. Ihambing ang gagawing pagsusuri ng risgo sa pamayanan sa pagkakaiba ng nakikita ng mga
kalahok. Sa pagsusuri ay iba’t ibang pagtingin o perspektiba din ang makikita ng mga kalahok,
depende sa kanilang katangian at karanasan (kasarian, edad, hanap-buhay, etc.). Dapat na
isaalang-alang ang iba’t ibang pagtingin, nakikita, at karanasan ng mga kalahok upang makabuo
ng mga angkop na gawain upang paghandaan ang ano mang disaster. Ang gawaing ito ay
Community Risk Assessment (CRA).

3. Talakayin ang ibig sabihin at mga elemento ng CRA gamit ang Slides 9-13.

4. Hatiin ang mga kalahok sa limang grupo. Gagawin ng bawat grupo ang iaatas na paraan ng
pagsusuri sa kanila. Bago paghiwa-hiwalayin ang mga grupo, ipaliwanag ang gagawin ng bawat
isa.

5. Ang unang grupo ay atasang balikan ang hazard map na ginawa sa ilalim ng modyul 1. Gamit
ang Slide 15 ng Sanggunian #9, kanilang ibibigay ang aktwal na bilang ng mga kabahayang
naninirahan sa high, medium at low-risk na mga lugar sa barangay ayon sa bantang panganib
na hinaharap. Maaring lumabas ang grupo upang aktwal na magbilang o magtanong sa mga
purok o lugar na apektado. Maganda ring matukoy ang iba pang mga elementong mataas ang
risgo at kung ilan ito (Hal. baboy, sasakyan, pasilidad).

6. Ang pangalawang grupo naman ay atasang mag-


transect walk mula sa pinaka-mataas na bahagi
ng barangay papunta sa pinaka-mababa upang
tukuyin ang mga salik o resources sa pamayanan
(e.g. puno, lupa, pananim, tubig, sapa, kabahayan)
gayun din ang mga gamit nito. Gamitin ang Slide 16
upang ipaliwanag ang resultang kailangan nilang
magawa. Ipaliwanag rin na nilalayong maipakita
ng transect map na gagawin ng grupo ang mga
bulnerabilidad (hal. lugar na peligro sa disaster)
at kapasidad (hal. mga lugar na ligtas, mga likas-
yaman, mga potensyal na mapagkakakitaan) ng
barangay.

48
7. Gagawin naman ng pangatlong grupo
ang Seasonal Calendar. Ipaliwanang
ang kanilang Gawain gamit ang Slide
17. Nilalayon ng gawaing ito na
maipakita ang mga pangunahing gawain,
pinagkakaabalahan, pinagkakakitaan, at
kondisyon ng barangay ayon sa buwan o
panahon. Mula rito ay maaaring matanto
ang mga panahong kailangan ng mga
pamilya ng karagdagang pangtustos (hal.
panahon ng pagtatanim, panahon ng
pasukan sa eskuwela, pista), panahong
may kita o maiipon (hal. tag-ani), panahong
madalas ang bantang panganib (hal. tag-
bagyo), at iba pa.

8. Ang pang-apat na grupo ang nakatasa sa


gawaing Ranking (Slide 18). Tutukuyin nila
ang mga isyu at problema sa barangay.
Matapos nito, kanilang “rarangguhan”
ang mga ito ayon sa prayoridad o pinaka-
kailangang agarang matugunan. Kung
sampu ang bilang ng mga isyu o problemang
natukoy, ang bawat kasapi ng grupo ay
rarangguhan ang listahan ng problema
mula 1 hanggang sampu, ayon sa nakikitang
prayoridad. Matapos mag-ranggo ang
bawat isa, isusuma nila kung ano ang
lumabas na pinaka-prayoridad hanggang sa huling prayoridad. Matapos nito, kanilang pag-
uusapan at pagkakaisahan ang pinal na pagra-ranggo ng mga nabanggit na isyu/problema.
Pag-isipan at pagkaisahan ang mga solusyon sa mga isyu/problema.

49
9. Bigyan ng 2 oras ang bawat grupo upang tapusin ang gawain. Bigyan sila ng tig-sampung (10)
minuto para mag-ulat. Magtanong at maglinaw sa mga nag-uulat. Tiyakin na naipapakita
sa mga ulat ang pagtingin ng mga kalahok sa disaster, pagka-bulnerable ng pamayanan, at
kapasidad nito upang maigpawan ang mga pagka-bulnerable. Gayundin ang mga pangunahing
elementong mataas ang risgo (elements at risk). Tiyakin rin na nagtutugma ang mga pagsusuri
ng bawat grupo.

10. Lagumin ang resulta ng ginawa at iniulat ng bawat grupo sa pamamagitan ng paggamit ng meta
cards o PowerPoint Presentation (Slides 19-21). Tukuyin ang mga sumusunod:

 Mga kondisyong nagpapakita ng pagka-bulnerable ng barangay (i-organisa ang mga ito


kung pisikal/lokasyon, sosyal o organisasyonal, kaugalian o motibasyonal). Isama na
rin ang naunang resulta ng workshop sa ilalim ng Modyul 1 (hal. Venn Diagram, KKK
Matrix).

 Mga kondisyong nagpapakita ng kapasidad ng barangay (i-organisa ang mga ito kung
pisikal/lokasyon, sosyal o organisasyonal, kaugalian o motibasyonal). Isama na rin ang
naunang resulta ng workshop sa ilalim ng Modyul 1 (hal. Venn Diagram, KKK Matrix).

 Mga nabanggit na maaaring mga gawain upang pababain ang pagka-bulnerable at


pataasin ang kapasidad

11. Bigyang diin na ang mga susunod na hakbang sa ilalim ng modyul at ang pagpa-planong gagawin
sa huling modyul ay magdedepende sa resulta ng ginawang pagsususri.

Pagbuo ng Sistema sa Pagbibigay ng Maagang Babala at


Paglikas (Early Warning System at Evacuation System)

1. Bago pa man magsimula ang sesyon, kailangang ang pambungad na ehersisyo para dito ay
nasimulan na sa Modyul 3. Simula pa lamang ng Modyul 3 ay ipaskil na ang “Ehersisyo sa
Pagbibigay ng Maagang Babala” (Sanggunian #10) sa hindi gaanong nakikitang bahagi ng
pinagdadausan ng pagsasanay. Habang ginagawa ng mga grupo ang paglilista ng mga gawain
bago, habang, at matapos ang disaster sa ilalim pa rin ng Modyul 3, ay magsimulang pumito
ayon sa antas ng babala na nakalagay sa Sanggunian #10. Tingnan kung may susunod sa
maagang babalang ipinaskil.

50
2. Sa simula naman ng Modyul 4, ipaskil ang ehersisyo sa lugar na kitang kita ng mga kalahok
(sa harap o sa pisara). Habang ginagawa ng mga kalahok ang unang sesyon (Community Risk
Assessment), magsimula muling pumito o magbigay ng babala ayon sa Sanggunian #10. Muling
obserbahan kung may susunod sa ipinaskil.

3. Kapag nagsimula na ang sesyong ito (Pagbuo ng Sistema sa Pagbibigay ng Maagang Babala
at Paglikas), ipaliwanag na ang dapat gawing pagkilos ng mga kalahok ay ayon sa Sanggunian
10. Matapos ang pagpapaliwanag ay gawing muli ang ehersisyo at pumito ayon sa nasabing
Sanggunian.

4. Matapos ang ehersisyo, i-proseso ang naging


karanasan gamit ang Slide 24 ng Sanggunian
#9. Matapos sagutin ng mga kalahok ang
katanungan, lagumin ito at talakayin ang
halimbawa ng Sistema sa Pagbibigay ng
Maagang Babala ayon sa karanasan ng
Barangay Banaba, San Mateo Rizal (Slides
25-28). Matapos nito, talakayin naman ang
ibig sabihin ng maagang babala, epektibong
pagbibigay ng maagang babala, mga
pamamaraan ng pagbibigay nito, at dapat
isaalang-alang kapag nagbibigay ng maagang
babala at sistema ng paglikas (Slides 29-32).

5. Matapos ang talakayan, atasan ang mga


kalahok na muling bumalik sa kanilang mga
grupo. Ang una, pangalawa, at pangatlong
grupo ay magbubuo ng pang-barangay na
Sistema sa Pagbibigay ng Maagang Babala
gamit ayon sa Slide 33, at batay sa resulta ng
CRA. Ang unang grupo ay bubuo ng sistema
para sa bagyo/baha. Ang pangalawang
grupo ay gagawa ng sistema para sa lindol.
Ang pangatlong grupo ay gagawa ng sistema
para sa sunog. Gagamitin ng mga grupong
basehan ang resulta ng isinagawang
community risk assessment ukol sa bilang
ng mga kabahayang naninirahan sa high,
medium at low-risk na mga lugar.
51
6. Ang pang-apat na grupo naman ay
tutukoy ng mga lugar na lilikasan, bilang
ng mga unang palilikasin, at kung saan
lilikas kapag may baha, lindol, at sunog
gamit ang Slide 32. Dapat tiyakin ng
grupo na ang mga unang palilikasin ay
ayon din sa resulta ng pagtukoy sa high-,
medium, at low-risk areas sa CRA.

7. Bigyan ang mga grupo ng 30 minuto upang tapusin ang kanilang gawain. Bigyan din sila ng
tig-limang minuto upang iulat ang resulta at dagdag na limang minuto para sa paglilinaw,
pagtatanong, at pag-aayos ng resulta ayon sa puna ng ibang mga grupo.

8. Matapos ang pag-uulat, lagumin ang resulta ng naging gawain. Bigyang diin ang mga
napagkaisahan. Ipaliwanang na ang mga naging resulta ng pang-grupong gawain ang
magsisilbing gabay ng BDRRMC at mga mamamayan sa barangay sa pagbibigay babala at
paglikas kapag may bagyo, baha, lindol, at sunog sa lugar. Ipaalala sa lahat na inisyal na
sistema pa lamang ang mga nagawa. Maaari itong paunlarin at baguhin ayon sa karanasan at
nagbabagong lagay ng panahon.

Pagbibigay ng Kaalamang Pampubliko (Public Awareness)

1. Muling pabalikin ang mga kalahok sa kanilang mga grupo. Atasan sila na gawin ang mga
sumusunod upang maipaalam sa lahat ng kasapi ng kanilang barangay ang Sistema sa Maagang
Pagbibigay ng Babala at Paglikas (Slide 37):

 Unang Grupo: Poster ukol sa Sistema sa Pagbibigay ng Babala kapag may bagyo at
baha.

 Pangalawang Grupo: Programa sa Radyo ukol sa Sistema sa Pagbibigay ng Babala


kapag may lindol.

 Pangatlong Grupo: Pampamayanang Dula (community drama o skit) ukol sa


Sistema sa Pagbibigay ng Babala kapag may sunog

52
 Pang-Apat na Grupo: Barangay Assembly upang ipaalam ang Sistema ng Paglikas sa
panahon ng baha.

2. Bigyan ang bawat grupo ng 15 minuto upang paghandaan ang kanilang gawaing pangkaalamang
pampubliko. Matapos ang 15 minuto, bigyan ang bawat isa ng 5 minuto upang ipakita ang
kanilang mga nagawa.

3. Purihin ang bawat grupo sa kanilang mga ipinamalas. Tanungin ang mga kalahok kung malinaw
ang mensaheng ipinabatid ng nagpalabas na grupo. Humingi rin ng mungkahi sa mga kalahok
kung paano pa ito mas magiging epektibo o maipaparating sa mas nakararami.

4. Matapos ipamalas ng lahat ng grupo ang mga gawaing pagbibigay ng kaalamang pampubliko,
talakayin ang nilalaman ng Slides 38-56.

5. Matapos magtalakay, tanungin ang mga kalahok kung sapat na ang kanilang mga ginawa upang
maipaalam sa buong barangay ang Sistema sa Maagang Pagbibigay ng Babala at Paglikas o
kailangan pa itong dagdagan. Pagkaisahan ang mga pamamaraang gagawin/idadagdag at
magtakda ng petsa kung kailan ito gagawin o isusulong sa pamayanan (Slides 57-58). Isulat ito
sa malaking papel gamit ang sumusunod na format:

Talahanayan 4. Gabay sa Pagtukoy ng Pamamaraan sa Pagbibigay ng Kaalamang


Pampubliko

Paraan ng Pagbibigay ng Kaalamang


Kailan Gagawin Sino ang Mangunguna
Pampubliko

53
Paglalagom

1. Ipaliwanag na umikot ang lahat ng ginawa sa ilalim ng Modyul 4 sa pagtalakay, pagtukoy, at


pagbuo ng mga gawain para PAGHANDAAN ang bantang panganib o disaster. Ang lahat ng
mga ito ay nasa ilalim ng Disaster Preparedness na isinasagawa bago magkaroon ng disaster o
bantang panganib. Maaari pang madagdagan ang mga mekanismong ito kapag mas detalyado
nang makapag-plano ang mga kalahok sa huling araw ng pagsasanay. Muling ipakita ang Slide
58 upang maipakita kung saang yugto ng DRRM ang mga ginawa sa ilalim ng modyul.

MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Sa pagsasagawa ng Community Risk Assessment (CRA), kailangang maisaalang-alang ang
lahat ng perspektibo mula sa iba’t ibang konteksto at kalagayan. Dapat tiyakin na ang
boses ng mga bata, kababaihan, kalalakihan, may edad, may kapansanan ay bahagi ng
pagsusuri. Bukod dito, maaari ring komunsulta sa mga eksperto (hal. PAG-ASA, Mines and
Geosciences Bureau o MGB, mga nasa akademya) upang magkaroon ng komplementasyon
ang ibinahagi ng pamayanan sa siyentipikong perspektibo.

⇒ Napakahalaga ng mga resulta ng CRA dahil ito ang aangklahan ng lahat ng gawaing pang-
DRRM, mula paghahanda (preparedness), hanggang sa mga pagtukoy ng gawaing pag-
iwas at mitigasyon (prevention and mitigation), hanggang sa pagtugon sa emerhensiya
(emergency response), hanggang sa pagbangon (recovery).

⇒ Ang Sistema sa Maagang Pagbibigay ng Babala at Paglikas ay napakahalagang pang-bawas


peligro. Epektibo ito kung naibibigay sa tamang oras, ang mga senyales ay malinaw,
at alam ang paglilikasan ng mga grupong apektado. Dapat na regular na sinusuri at
pinapaunlad ang sistema upang matiyak na epektibo at napapanahon ito. Bukod dito,
dapat na isinasaalang-alang ng sistema ang mga pangangailangan ng mga mamamayang
may kakaibang kalagayan at may mga kapansanan (hal. dapat na may malinaw na senyales
para sa mga bulag o bingi).

54
⇒ Sa pagdi-disenyo ng Sistema ng Paglikas, mahalagang balikan ang resulta ng CRA patungkol
sa mga naninirahan sa mga lugar na high-risk. Sila ang pangunahing dapat na maagang
mailikas at dapat matukoy kung paano at saan sila ililikas. Dapat din na isaalang-alang sa
sistema ang paglikas ng mga alagang hayop at mga sasakyan. Bukod pa rito, mahalagang
pag-aralan na mabuti kung ang mga lugar na paglilikasan ay ligtas (hal. hindi aabutin ng
mataas na baha o maaaring ma-land slide).

DAPAT TANDAAN
G Kunan ng larawan, itabi, at ipa-encode sa Barangay Secretary ang mga resulta ng pang-
grupong gawain.

G Gagamiting muli ang resulta ng mga pang-grupong gawain sa Modyul 6 para sa


komprehensibong pagpa-plano para sa CBDRRM ng barangay.

55
MODYUL 5
MODYUL 5: PAGTUGON SA EMERGENCY
(EMERGENCY RESPONSE)

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 5, inaasahang ang mga kalahok ay may kakayahan nang:

 Maipaliwanang kung ano ang emergency at ang mga mekanismong kailangan upang
tumugon dito;

 Matukoy ang mga sub-komite sa ilalim ng emergency response at ang mga responsibilidad
nito.

DALOY

PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pagpapakilala sa Modyul

1.1 “May Baha Na” 10 Minuto

1.2 Maikling Pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul 5 Minuto


2. Pangkalahatang Ehersisyo: Pagtugon sa Emergency 20 Minuto

3. Pagpro-proseso at Pagtalakay 1 Oras

4. Pang-Grupong Gawain: Pagbuo ng mga Sub-Komite at


1 Oras
Pagtukoy ng Responsibilidad para sa Pamamahala ng
Evacuation Center
5. Paglalagom 5 Minuto

57
MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #11 (PowerPoint Presentation at naimprentang kopya nito)
 Craft papers
 Cartolina
 Pentel Pens
 Masking Tape

PROSESO
PAGPAPAKILALA SA MODYUL

1. Patayuin ang lahat ng kalahok nang paikot na nakaharap sa iisang direksyon. Ituro sa kanila
ang sasambitin at aksyon sa sumusunod na pambungad na gawain (Slide 3 ng Sanggunian 11):

May baha na (inaangat ang parehong kamay na parang pataas na tubig)


Likas (lumakad), bilis (tumalon pabalik)
Bilis (tumalon pabalik)
Bilis (tumalon pabalik)
Likas (lumakad), bilis (tumalon pabalik)

2. Tiyakin na malinaw sa mga kalahok ang sasambitin at kaakibat na aksyon nito. Gawin ng
dalawang beses ang ehersisyo nang mabilis. Matapos nito, ulitin ang gawain nang hindi
sasambitin ang unang salitang “likas” ngunit gagawin pa rin ang aksyon:

May baha na (inaangat ang parehong kamay na parang pataas na tubig)


---- (lumakad), bilis (tumalon pabalik)
Bilis (tumalon pabalik)
Bilis (tumalon pabalik)
Likas (lumakad), bilis (tumalon pabalik)

3. Gawin ng pauli-ulit habang unti-unting tinatanggal ang pagsambit ng iba pang salita ngunit
gagawin pa rin ang aksyon. Ulit-ulitin hanggang sa maubos na ang mga salita at umaaksyon na
lamang ng sabay-sabay ang lahat ng kalahok.

58
4. Matapos ang gawain, tanungin ang mga kalahok ng pakiramdam sa naganap na ehersisyo.
Matapos ang pagbabahagi ng dalawa hanggang tatlong kalahok, ipaliwanag na ipinakita ng
ehersisyo ang kahalagahan ng pagiging alerto at kaalaman at koordinasyon ng mga kalahok
kung anong aksyon ang dapat gawin nang hindi na sinasabihan kung ano ito. Ganito rin ang
napakahalaga sa panahon ng emergency, dapat na alerto, alam, at may koordinasyon ang
lahat ng mga tao at grupong kumikilos sa pagtugon dito. Ito ang tatalakayin sa susunod na
modyul ukol sa gawain habang may disaster o mga mekanismo para sa pagtugon sa emergency
(emergency response). Gamitin ang Slides 4-5 ng Sanggunian #11.

PANGKALAHATANG EHERSISYO: PAGTUGON SA EMERGENCY

1. Isagawa ang simulation exercise


na matatagpuan sa Slides 6-12.
Ipaliwanang sa mga kalahok ang gawain.
Tiyakin na nabigyan na at malinaw na
sa mga kalahok ang kanilang mga papel
na gagampanan. Ang Tagapag-daloy
ang siyang nakatakda sa pagbibigay
senyales ng maagang babala. Maari
rin siyang gumanap ng iba pang
papel upang mapadulas ang daloy ng
simulation.

PAGPO-PROSESO AT PAGTALAKAY

1. Matapos ang ehersisyo, gamitin ang Slide 13 upang i-proseso ang naging kaganapan. Banggitin
na ang ipinakitang sitwasyon ay nagpapakita ng emergency. Tanungin ang mga kalahok tungkol
sa kanilang naging karanasan gamit ang Slide 14. Isulat nang naka-grupo (ayon sa katanungan)
ang kanilang mga sagot sa malaking papel o sa pisara.

2. Matapos nito, talakayin ang nilalaman ng Slides 15-43. Balik-balikan ang mga sagot na ibinigay
ng mga kalahok na nakapaskil o nasa pisara habang tinatalakay ang nilalaman ng mga slides.

59
PAGBUO ng MGA SUB-KOMITE AT pagtukoy ng mga responsibilidad
sa Evacuation center

1. Matapos ang pagtalakay, muling balikan ang balangkas ng BDRRMC na napagkaisahan sa


Modyul 2. Sa Komite ng Emergency Response, tanungin ang mga kalahok kung anu-anong sub-
komite ang kailangan sa ilalim ng Komiteng Emergency Response (Slide 44). Ilista ang mga ito.
Pagkaisahan kung sino ang dapat mamuno at maging kasapi ng mga komite.

2. Pagkatapos pagkaisahan ang mga sub-komite at kung sino ang lalamanin nito, hatiin ang mga
kalahok ayon sa dami ng mga komiteng natukoy. Iatas sa bawat grupo ang isang sub-komiteng
natukoy upang magtakda sila ng mga pangunahing responsibilidad ng mga ito.

3. Bigyan ang mga grupo ng 10 minuto para sa gawain at 5 minuto para mag-ulat.

4. Maglinaw at magtanong habang nag-uulat. Bigyang diin ang mga mahahalagang gawain na
natukoy. Purihin ang mga mahuhusay na resulta at itama kung may mga gawain na dapat ay
sa ibang komite nakatoka.

paglalagom

1. Muling bigyang diin na ang lahat ng ginawa sa ilalim ng Modyul 5 ay pumapatungkol sa mga
pagtugon habang may disaster o emergency response. Gaya ng disaster preparedness, maaari
pang pag-aralan at dagdagan ang mga mekanismong nagawa na kapag may panahon, nang mas
detalyadong makapag-plano ang mga kalahok ng BDRRMC. Ipakita ang Slide 45 ng Sanggunian
#11 upang maipakita kung saang yugto ng DRRM ang mga ginawa sa ilalim ng modyul.

MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Ang pamimigay ng relief ay dapat na napapanahon, angkop, at sapat. Bukod dito, dapat
na may pagkilala sa kakayahan ng mga binibigyan na harapin ang kanilang kalagayan at
pinagdadaanan. Dapat ring may pagsa-alang alang sa kalusugan ng mga taong apektado.

⇒ Ang relief ay hindi lamang pagkain. Dapat na isaalang-alang ang mga pangangailangan
ng lahat ng sektor, lalo na ang pinaka-bulnerable (bata, senior citizens, may kapansanan,
kababaihan).

60
DAPAT TANDAAN
G Ipaalala sa mga kalahok ang mga sumusunod:

 Regular na i-update ang datos sa mga lugar na pinaglikasan. Ang mga mahahalagang
numero (hal. dami ng nagsilikas sa lugar, dami ng kalalakihan, dami ng kababaihan,
dami ng mga bata, dami ng may kapinsanan, atbp.) ay dapat na nakapaskil sa harap ng
center upang makita ng lahat at ma-verify. Ang pagkakaroon ng ganitong mga datos
ay makakatulong sa pagbibigay prayoridad at pagpapaliwanag sa pagbibigay ng relief,
lalo na kung kulang ito.

 Bago pa man magkaroon ng emergency dapat ay natukoy na sa community risk


assessment ang pinaka-mahirap at bulnerableng mga tao at grupo sa barangay upang
mapadali ang pagtukoy ng prayoridad sa pamimigay ng relief.

 Isaalang-alang ang dami ng miyembro ng pamilya kapag nag-eempake ng relief (dapat


na mas bigyan ng marami ang mas malaking pamilya).

61
MODYUL 6
MODYUL 6: KOMPREHENSIBONG PAGPA-PLANO
PARA SA CBDRRM

LAYUNIN
Matapos ang Modyul 6, inaasahang kolektibong magagawa ng mga kalahok ang mga sumusunod:

 Makabuo ng komprehensibong plano para sa pamamahala ng disaster na siyang gagabay


sa BDRRMC at mga apektadong sektor sa buong barangay;

 Makabuo ng kagyat na plano (action plan) sa pagsisinop ng komprehensibong plano.

DALOY
PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS
1. Pagpapakilala sa Modyul

1.1 “Dugtungan” 10 Minuto

1.2 Maikling Pagtalakay sa Lalamanin ng Modyul 5 Minuto

2. Pagtalakay: Nilalaman ng BDRRM

2.1 Ano ang Dapat Lamanin ng BDRMM Plan


30 Minuto
2.2 Anong Bahagi ng Plano ang Meron na sa Barangay,
30 Minuto
Ano ang Wala Pa
3. Pang-Grupong Gawain: Pagtutok sa Kung Ano ang Wala
1 Oras
Pa

4. Paglalagom 5 Minuto

63
MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian #12
 Sanggunian #13
 Craft papers
 Cartolina
 Pentel Pens
 Masking Tape

PROSESO
pagpapakilala sa modyul

1. Sa pisara o malaking papel sa harap, gumuhit ng isang linya (Slide 3 ng Sanggunian #12).
Matapos nito, isa-isang papuntahin ang bawat kalahok sa harap upang magdagdag ng isang
linya hanggang sa makabuo ng isang bahay. Ang lahat ng kalahok ay dapat na nagkaroon ng
partisipasyon.

2. Matapos ang gawain, tanungin ang mga kalahok ng mga sumusunod:

 Maganda ang bahay na naiguhit?


 Bakit oo? Bakit hindi?
 Mas maganda kaya ang kinalabasan kung napag-usapan at napagkaisahan kung ano
ang iguguhit?

3. Matapos ang pagbabahagi ng tatlo hanggang limang kalahok, ipaliwanag na ipinakita ng


ehersisyo ang kahalagahan ng pagpa-plano upang mas maging maganda ang koordinasyon at
magiging resulta ng mga gawain sa DRRM. Kaya naman ang susunod na modyul ay tututok sa
talakayan at pagkakaisa ng mga kalahok kung ano ang mga gawaing nais nilang matupad ukol
sa pamamahala ng disaster sa kanilang barangay.

64
Pagtalakay: Nilalaman ng contingency plan

1. Talakayin ang mga dapat na


nilalaman ng komprehensibong
plano ng barangay sa CBDRRM
o BDRRM plan gamit pa rin ang
Sanggunian #12 (Slides 5-24).

2. Sa bawat dapat lamanin ng


plano, konsultahin ang mga
kalahok kung meron na sila nito.
Balik-balikan ang mga naging
produkto ng mga workshops o
grupong pang-gawain sa mga
naunang modyul na tumutugma
sa tinatalakay na lalamanin ng
BDRRM plan.

3. Ilista ang mga nilalaman ng plano na meron na ang barangay at ang nilalaman na wala pa ang
barangay gamit ang check list sa Talahanayan 5 (Slides 25-26).

4. Matapos ang pagtalakay, bigyang diin na tutukan ng susunod na gawain ang mga nailistang
bahagi ng plano na wala pa ang barangay.

Talahanayan 5. Gabay sa Pagtukoy ng “Gaps” sa Planong CBDRRM ng Barangay

Nilalaman ng Plano Mayroon Na ang Barangay Wala Pa

Barangay Profile

Resulta ng Community Risk Assessment


- Mga Naranasang Disaster (Timeline)
- Mga Elementong Nasa Risgo
- Hazard Map
- Pagka-Bulnerable ng Barangay
- Kapasidad ng Barangay

65
Basehang Legal ng Gawaing CBDRRM
- Ordinansang Pang-Barangay
- Istruktura ng BDRRMC
- Gawain at Responsibilidad ng mga Tao/Komite
sa Ilalim ng Istruktura
- Mga Samahang Sumusuporta (e.g. NGOs) at
Tungkulin Nito
Mga Gawaing DRRM
- Mga Proyekto/Programa ng Barangay Bago,
Habang, Matapos ang Disaster
- Mga Isyu sa Disaster na Hindi Natutugunan at
Dapat Gawin Dito ng Barangay
Contingency Plan
- Early Warning System
- Evacuation System
- Emergency Response Mechanisms (EOC,
Evacuation Center Management, Relief Delivery
Operations, DNCA, Communication Flow)

Pang-Grupong Gawain: Pagtutok sa Kung Ano ang Wala Pa

1. Hatiin ang mga kalahok ayon sa dami ng mga kakulangan sa BDRRM Plan. Ang bawat grupo ay
atasang mag-plano o magbuo ng mekanismo na may kinalaman sa “gap” na na-toka sa kanila
(Slides 27-28). Maaaring sundin ng mga grupo ang Talahanayan 6:

Talahanayan 6. Gabay sa Pagbuo ng Action Plan

Mga Hakbang Komite/ Mga Grupo/


Kakulangan o Kailan Mga Kailangan
Upang Tugunan Taong Ahensiyang
Gap Gagawin (Resources)
ang Gap Responsable Kaagapay

1.

66
2.

3.

2. Ipaalala sa mga grupo na balikan ang mga resulta ng community risk assessment (CRA) upang
matingnan ang mga dapat tutukang pagka-bulnerable at maaaring gamiting kapasidad sa pag-
tugon sa mga kakulangan.

3. Bigyan ang bawat grupo ng 30 minuto upang mag-plano at 10 minuto upang mag-ulat.
Maglinaw at magtanong. Tiyakin na nagkakaisa ang lahat sa mga planong binuo. Ilista sa
hiwalay na craft paper ang mga kagyat na gawain at ang petsa nito (action plan). Banggitin
sa mga kalahok na babalik-balikan ng mga MDRRMO ang barangay upang subaybayan ang
pagpapatupad ng mga plano at gabayan din ang BDRRMC kung kinakailangan.

4. Bigyang diin ang kahalagahan ng mga nabuong plano at mekanismo sa pagtugon ng barangay
kontra-disaster.

paglalagom

1. Ipaskil ang vision ng barangay (Sanggunian #13). Papikitin silang lahat habang binabasa ng
Tagapagdaloy ang vision. Tanungin ang mga kalahok kung ito rin ba ang kanilang inaasam
para sa kanilang lugar. Kung may pagkukulang pa, hikayatin ang mga kalahok na idagdag ito sa
binasang vision.

2. Tanungin kung ang mga nabuong plano para sa contingency plan ay makaka-ambag sa pagtupad
ng vision ng barangay.

3. Bilang pagtatapos, bigyang diin na ang mga ginawa ng mga kalahok mula Modyul 1 hanggang
6 ay naglalayon na kolektibong matugunan at maiwasan ang disaster sa barangay. At sa
pagsasagawa nito, inaasahan din na mag-resulta ito sa mas maunlad na pamayanan na
nasasalamin sa vision ng barangay.

67
MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Ang komprehensibong plano para sa CBDRRM ang siyang magiging gabay ng BDRRMC sa
lahat ng gawain nito sa pamamahala ng pagtugon sa disaster.

⇒ Mahalaga na regular na masubaybayan at matasa ang mga nabuong plano upang maitama
at mapaunlad pa ang mga ito. Sa ganitong paraan, matitiyak na angkop at napapanahon
ang mga gawaing kontra-disaster sa barangay.

DAPAT TANDAAN
G Tiyakin na natutugunan ng mga nabuong plano ang lahat ng pagka-bulnerableng natukoy
sa Modyul 3 (community risk assessment)

G Tiyakin na maisama sa kagyat na plano (action plan) ang pagsasagawa ng ordinansa ukol sa
pagbuo ng BDRRMC (kung ito’y wala pa) at pag-apruba ng Barangay Development Council
(BDC) sa mga planong nagawa.

68
P AGTATAPOS

LAYUNIN
 Pormal na tapusin ang pagsasanay;

 Kilalanin at pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng pagsasanay: Tagapagdaloy, Kalahok,


Organisador; at

 Matasa ang kabuuan ng pagsasanay.

DALOY

PAKSA/GAWAIN TAGAL/ORAS

1. Pagbabalik-Tanaw 10 minuto

2. Pagkilala at Pasasalamat 20 minuto

3. Pagtatasa 5 minuto

4. Pagninilay at Panalangin 5 minuto

69
MGA KINAKAILANGAN
 Sanggunian # 13 (PowerPoint Presentation)

PROSESO

1. Lagumin ang naging proseso at


pangunahing mensahe ng pagsasanay
(Slide 2 ng Sanggunian 13). Banggitin
ang mga iskedyul na napagkaisahan ng
mga susunod na pulong ng BDRRMC.

2. Tumawag ng mga kinatawan ng mga sumusunod upang magbahagi ng pakiramdam at


magpasalamat: Kalahok, BDRRMC, at MDRRMC.

3. Ipamahagi sa lahat ng mga kalahok ang form para sa pagatatasa ng pagsasanay. Kolektahin
matapos nilang sagutan. Kung may panahon pa, maaaring pabalikin ang grupo ng Bagyo,
Lindol, at Baha sa kanilang mga grupo at pag-usapan kung alin sa kanilang mga inaasahan
ang matutupad at kung alin ang hindi. Bigyan sila ng tig-limang minuto para mag-ulat.

4. Bilang pagtatapos, hilingin ang lahat na tumayo ng nakabilog, ang kanang kamay ay ipatong
sa kaliwang kamay habang hawak ang mga katabi. Sabay-sabay na awitin ang “Pananagutan”
(Slide 4). Matapos nito, hilingin ang isang kalahok na manguna sa panghuling panalangin.

MAHAHALAGANG PUNTOS
⇒ Hindi natatapos sa pagsasanay ang gawain kontra-disaster. Ito ay simula pa lang at
mahalaga ang pagkakaisa, koordinasyon, at pagkilos ng lahat ng sektor sa barangay upang
ito’y mapagtagumpayan.

70
DAPAT TANDAAN
G Ipaalala sa mga kasapi ang mga kagyat na gawaing napagkaisahan.

G Ipaalala sa Barangay Council ang mga ordinansa at iba pang kailangan upang maisulong
ang mga nabuong plano.

G Banggitin na susubaybayan ng MDRRMO ang pagpapatupad ng barangay ng kanilang mga


plano at handa ang opisinang tumulong kung may problema.

71
G LOSSARY

Bantang Panganib (Hazard) - Penomena o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala


sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga tao, komunidad at
kalikasan

Climate Change - Ang pagbabago sa klima na nadarama nang pangmatagalan


bunga ng natural na proseso sa kalikasan o gawain ng mga
tao.

Climate Change Adaptation - Mga pag-aangkop sa sistemang pangkalikasan at pang-tao


bilang pagtugon sa nagbabagong klima, na naglalayong
sagkaan ang pinsalang dulot nito o padaluyin ang benepisyo
o oportunidad mula dito.

Community-Based Disaster - Isang sistematikong proseso na kung saan ang mga tao
Risk Reduction and mismong direktang apektado ng disaster ang nagdi-disenyo
Management ng mga gawain, proyekto, at programang kontra-disaster
ayon sa kanilang kakayahan.

Disaster - Nangyayari kapag ang panganib ay tumama o nakaapekto


sa mga bulnerableng tao at komunidad na hindi sapat ang
kakayahang harapin ang mapanirang epekto nito.

Disaster Risk - Ang probabilidad na ang isang bantang panganib ay tatama


sa isang bulnerableng komunidad at magreresulta ng
malawakang pinsala

Disaster Risk Reduction and - Sistematikong proseso ng pagpapalakas ng kakayahang


Management paghandaan ang mga bantang panganib upang hindi
humantong sa disaster o mabawasan ang probabilidad nito

72
Elements at Risk - Mga maaaring mapinsala sa panahon na may bantang
panganib o disaster

Emergency - Sitwasyon kung saan may matinding banta sa kagyat na


kaligtasan ng apektadong populasyon (CDRC).

Emergency Operation - Isang pasilidad upang mapamahalaan ang operasyon at


Center (EOC) koordinasyon ng mga salik (resources) sa pagtugon sa
emergency. Ito ang sentro ng pagtugon sa panahon ng
emergency at pagbangon (recovery).

Kakayahan (Capacity) - Mga salik (resources), lakas, kaalaman, at kasanayan na taglay


ng mga tao, pamilya at komunidad sa pagbibigay proteksyon,
pagharap at pagbangon mula sa mga epekto ng panganib at
disaster

Pagbangon (Recovery) - Mga gawain matapos ang panahon ng emergency, na


sumasakop sa gawaing rehabilitasyon at rekonstrusyon.

Pagbibigay ng Kaalamang - Sistematikong pagbibigay ng impormasyon tungkol sa


Pampubliko (Public mga bantang panganib at kung paano ito haharapin upang
Awareness) maprotektahan ang buhay, pag-aari, at pasilidad.

Pagbibigay ng Maagang - Paghatid sa mga tao ng mensahe hinggil sa pagkakaroon ng


Babala (Early Warning) panganib at mga kaukulang payo at tagubilin para sa pag-
iingat at kaligtasan

Pagkabulnerable - Kahinaan, kondisyon, salik at dahilang hadlang sa pag-angkop


(Vulnerability) o pagbigay proteksyon sa sarili at komunidad mula sa pinsala
ng disaster.

Pagkalantad (Exposure) - Ang tyansa na mapipinsala ang mga elements at risk kapag
tumama ang isang panganib batay sa pisikal na kalagayan o
pagkalantad nito sa panganib.

73
Pagtatasa ng Risgo (Risk - Isang pamamaraan upang malaman at maintindihan ang
Assessment) katangian at lawak ng risgo sa pamamagitan ng pag-aaral ng
mga bantang panganib at pagka-bulnerable ng lugar/mga
tao.

Pagtugon sa Emergency - Mga gawain upang kagyat na matugunan ang paglala ng


(Emergency Response) sitwasyon ng mga apektado sa panahon ng panganib o
disaster.

Pampamayanang Pagtatasa - Sama-samang pag-aaral ng mga nakaraang bantang panganib


ng Risgo (Community Risk (hazard assessment), pagka-bulnerable (vulnerability
Assessment) assessment), mga salik at kapasidad upang mabawasan ang
risgo (capacity assessment), at kung paano ito sinusukat ng
mga tao.

Ranking - Sistematikong proseso ng pagtukoy ng mga problema at


prayoridad ng pamayanan.

Rekonstruksyon - Mga gawaing naglalayon na mapanumbalik ng lahat serbisyo


(Reconstruction) at lokal na imprastruktura, pagpapalit ng mga nasirang
pasilidad, at pagbabalik-sigla ng ekonomiya, at panunumbalik
ng normal na pamumuhay.

Rehabilitasyon - Mga gawaing nakatutok sa panunumbalik ang “normal” na


(Rehabilitation) pamumuhay ng mga apektado (o estado bago nagkaroon ng
disaster). Ito ang yugto matapos ang relief at bago magsagawa
ng pang-matagalang gawain tungo sa pagpapaunlad ng
pamayanan.

Seasonal Calendar - Kalendaryong nagpapakita ng mga karanasan, gawain, at kal-


agayan ng pamayanan sa buong taon.

Transect Walk - Sistematikong paglalakad sa pamayanan upang makita ang


mga salik (resources) dito at gamit nito. Nag-oobserba, nag-
tatanong, at nagsasagawa ng transect diagram.

74
Mga
Sanggunian
PowerPoint Presentation ng Pambungad na
Gawain

Sanggunian

1 77
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
PowerPoint Presentation ng Modyul 1

Sanggunian

2 89
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
Video Tungkol sa Bagyong Ondoy

Sanggunian

120
3
PowerPoint Presentation ng Modyul 2

Sanggunian

4 121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
Praymer Ukol sa Republic Act 10121

Sanggunian

146
5
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
PowerPoint Presentation ng Modyul 3

Sanggunian

6 171
173
174
175
176
177
178
179
180
181
182
183
184
185
186
187
188
189
190
191
192
193
194
195
196
197
198
199
200
201
202
203
204
Video Tungkol sa Karanasan ng Dagupan City

Sanggunian

7 205
Video Tungkol sa Karanasan ng Barangay
Manguin

Sanggunian

206
8
PowerPoint Presentation ng Modyul 4

Sanggunian

9 207
209
210
211
212
213
214
215
216
217
218
219
220
221
222
223
224
225
226
227
228
229
230
231
232
233
234
235
236
237
238
239
Ehersisyo sa Pagbibigay ng Babala

Sanggunian

240
10
Sanggunian #10

Ehersisyo sa Pagbibigay ng Babala

1. Isulat ang sumusunod sa isang buong manila paper.

Alert Level Gagawin/Responsibilidad ng


Simbolo “Sitwasyon”
Warning mga Kalahok
May babalang
Isang mahabang Tumayo at magligpit ng kanilang
1 bagyo at walang
tunog ng pito mga gamit
tigil na ulan
Dalawang mahabang Walang tigil ang Tumayo, bitbitin ang gamit, at
2
tunog ng pito pag-ulan lumapit sa may pintuan palabas.
Tumayo, bitbitin ang mga gamit,
Tatlong mahabang Ga-talampakan na
3 at pumunta sa evacuation site
tunog ng pito ang tubig
(basketball court)
Apat na maiikling Bumaba na ang Bumalik na muli sa
4
tunog ng pito tubig baha pinagdarausan ng pagsasanay.

2. Simula pa lamang ng Modyul 3 ay ipaskil na ang manila paper sa hindi gaanong nakikitang
bahagi ng pinagdadausan ng pagsasanay. Habang ginagawa ng mga grupo ang paglilista ng
mga gawain bago, habang, at matapos ang disaster sa ilalim pa rin ng Modyul 3, ay mag-
simulang pumito ayon sa antas ng babala na nakasulat dito. Tingnan kung may susunod sa
maagang babalang ipinaskil.

3. Sa simula naman ng Modyul 4, ipaskil ang ehersisyo sa lugar na kitang kita ng mga kala-
hok (sa harap o sa pisara). Habang ginagawa ng mga kalahok ang unang sesyon (Commu-
nity Risk Assessment), magsimula muling pumito o magbigay ng babala ayon sa nakasulat.
Muling obserbahan kung may susunod sa ipinaskil.

4. Kapag nagsimula na ang sesyon sa Pagbuo ng Sistema sa Pagbibigay ng Maagang Babala


at Paglikas, ipaliwanag na ang dapat gawing pagkilos ng mga kalahok ayon sa ehersisyo.
Matapos ang pagpapaliwanag ay gawing muli ang ehersisyo ay pumito ayon sa nasabing
Sanggunian.

5. Matapos ang ehersisyo, i-proseso ang naging karanasan.

241
PowerPoint Presentation ng Modyul 5

Sanggunian

242
11
243
244
245
246
247
248
249
250
251
252
253
254
255
256
257
258
259
260
261
262
263
264
265
266
PowerPoint Presentation ng Modyul 6

Sanggunian

12 267
269
270
271
272
273
274
275
276
277
278
279
280
281
282
283
PowerPoint Presentation ng Pagtatapos

Sanggunian

284
13
285
286
287
Video Presentation:
Sanggunian 3, 7 and 8

Powerpoint Presentation:
Sanggunian 1, 2, 4, 5, 6, 9,
10, 11 , 12, and 13
290

You might also like