You are on page 1of 3

MGA BAHAGI NG TEKSTO

Panimula: Paksa at Tesis

Panimula- napakamahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat nagsisilbi itong pang-akit


sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Dito rin ipinakilala ang paksa at tisis ng
teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na iikutan ng teksto at inilalatag dito ang
tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon
hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang papatunayan o pagsinungalingan.

Paano isusulat ang panimula?


1. Maaaring gumamit ng isang katanungan
Hal. Ihahambing ba kita sa isang tag-araw? Kung ang tag-araw mo’y ngayon, sana’y
wala nang taglamig.
2. Gumamit ng isang makatas na pangungusap
Hal. May hangganan din ang pagkakaalipin. May katapusan din ang katampalasan.
Bukas, babangon ang api upang durugin ang hari.
3. Gumamit ng isang makatawag-pansing pangungusap
Hal. Bawa’t puso ng minorya ay pintig ng kanyang tribo.
4. Gumamit ng paglalarawan
Hal. Magulo. Mabaho. Sari-sari amoy. Nakapagbabaligtad ng sikmura ang esterong
may malalim na kasaysayan.
5. Gumamit ng tuwirang sabi o sipi
Hal. “Ikaw ay isang Pilipino. Hindi pili-pilipinuhan lang. Samakatwid, ganap kang
Pilipino. Susulat ng tungkol sa Pilipino, para sa Pilipino, para sa Pilipinas.” - Cesario Y.
Torres
6. Gumamit ng dayalogo o salitaan
Hal. “Amnestiya sa magbabalik-loob? Pag-aralan natin.” “Kaibigan, marami nang
nagsisuko. Bumaba sa bundok para muling mayakap ang kanilang pamilya.
Palalampasin ba natin ito?”
7. Gumamit ng analohiya
Hal. Di lalaging bata. Ang bata ma’y tumatanda. At kapag ang bata’y tumanda, dapat
siyang may pinagkatandaan. Mahirap maging bata kung matanda na. Ito’y isang
pagkukunwari.
8. Gumamit ng isang pagsasalaysay/narativ
Hal. Biktima ako at ang aking pamilya ng giyera. Patuloy na nagtutugisan ang
magkabilang panig. Naiipit ang taong bayan sa “crossfires”. Saan kami tatakbo?
Papaano kaming mamuhay nang matiwasay? Ang tagal naman ng kapayapaan!
9. Gumamit ng personal, historikal at awdyens referenses
Ang paggamit ng mga referenses ay nakapag-eesteblis ng “common ground” sa
pagitan ng manunulat at mambabasa at tumutulong sa kredibilidad ng manunulat. Ang
personal referens ng awtor ay nagpapakilala sa kanyang sarili at ang koneksyon niya sa
sitwasyon o pangyayari (maaaring siya ang tagapagsalaysay); awdyens referens kapag
gusto niyang pagitawin o palitawin ang involvement ng mambabasa sa kanilang
binabasa; at historikal referens upang maging malinaw sa mambabasa ang mga
pangyayaring ipinahahayag sa sinulat.
Hal. Kilala ninyo si Nino. Kilalang-kilala. Isang batang paslit na iniwan ng kanyang ina
sa kalye. Waring walang maglimos sa kaawa-awang kamay na nakalahad. Maya-maya’y
humahawak at pinipisil ang kumakalam na sikmura. Kapitbahay lang natin siya. Higit sa
lahat, siya’y kabataang Pilipino.
10. Gumamit ng “humor” o magbigay ng nakatatawang pangyayari
Maaaring anekdota o insidente.
Hal. “Manong bayad.” “Mama bayad”… Maraming beses na iniabot ko sa drayber ang
pamasahe ng mga nakasakay sa dyip. Malapit kasi ako sa drayber. Ngunit anong
mangha ko nang bilangin ko ang aking pera. Di nabawasan ang aking pera. Nakalimutan
kong magbayad. “Sori Manong, bulong ko sa sarili, di ko sinasadya.”

ANG TISIS

Ito ang focus ng sulatin na karaniwang nasusulat sa isa o higit pang pangungusap na
tuwirang tumutukoy sa sagot ng awtor sa isyu na maaaring iba kaysa sa mambabasa.
Pinaniniwala o kinukumbinse niya ang kanyang mambabasa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng katwiran at mga ebidensya.
Lahat ng sulatin ay may ipinahahayag o implayd na tisis isteytment, isang teorya,
opinion o asersyon tungkol sa paksang isusulat. Ito ay pangunahing ideya o isyu na
gustong talakayin sa panulat nang may lalim.

* Narito ang ilang suhestyon para madebelop ang tisis isteytment:


1. Sabihin ang argumento kung payag o di-payag sa isang isyu.
2. Magbigay ng payo o direktiba
Hal. Kailangang batid ng mamamayan ang sanhi, epekto at gamot para sa awtismo.
3. Magbigay ng mga maaaring mangyari
Hal. Maaaring di makabuti sa bata ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
4. Magbigay ng mga instraksyon o tagubilin
Hal. Kailangang mapag-aralang mabuti at makaagapay sa kultura ng bansang tutunguhan
ang isang OFW.
5. Magbigay ng personal na pagtaya
Hal. Hanggat hindi inuupuan ang usapin sa kapayapaan, mahirap pang matamo ito.

KATAWAN: ISTRAKTURA, NILALAMAN AT ORDER

Sa pagsulat ng katawan ng isang teksto, maha- lagang maisaalang-alang ang istruktura,


nilalaman at kaayusan nito. Tandaang ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan at
pinakamahabang bahagi ng isang teksto. Ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng
anumang teksto. Nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto. Samakatwid, sa
pagsulat ng katawan, kailangang matakoy muna ang mahahalagang impormasyong da-
pat ipaloob doon. Samantala, ang istraktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto.
Kung wala ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang isang teksto.

* Ang Organisasyon ng Padron


1. Topikal/lohikal na paraan
2. Kronolohikal
3. Ispatyal(Spatial)
4. Klasipikasyon
5. Problema-Solusyong Pagkakaayos
6. Sanhi at Bungang Pagkakaayos

WAKAS: PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Kung papaanong isinulat ang panimula ay maaari ring gawin sa pangwakas. Ang
tuwirang sinabi o sipi ay isang di-malilimutang isteytment. Ang pagtatanong ay
maaaring magsilbing transisyon mula sa katawan ng sulatin, patungo sa kongklusyon.
Ang pagsasalaysay ng insidente ay maaaring makapag-iwan ng magandang larawan sa
mambabasa. Karaniwan nang itinatahi ng manunulat ang intoduksyon sa kongklusyon.
Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng
teksto sa pinakamaikling paraan. Samantala, inilalahad naman sa kongklusyon ang
inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtalakay sa teksto.

You might also like