You are on page 1of 5

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating


kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga
pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas ng
ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng
erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed
para sa sapat na pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang
nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang
nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-
aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan
ng solusyon.
Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o
namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming tao ang
natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na manunumbalik ang
kagandahan at
kasaganaan ng mga kabundukan.
ANG PUERTO PRINCESA UNDERGROUND RIVER
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay
makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto
Princesa.
Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na
nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang
nabuo mula sa mga limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2 kilometro
ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang dahilan kung bakit
nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of
Nature.
Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang
makapal na kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at
endangered. Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga coral
reefs.
Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River bilang
isa sa Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong gustong makita ito,
maging Pilipino man o dayuhan.
Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob
ng kuweba, marami pang maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista.
Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove forest
tour at ang paglangoy sa tabing-dagat na puti ang buhangin.
KALABANIN ANG DENGUE
Ang dengue fever ay isang kondisyong dulot ng dengue virus. Ang
virus na ito ay dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes Aegypti. Kagat ng lamok na
may dalang dengue virus ang sanhi ng pagkakasakit.
Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Health para
sugpuin ang dengue. Itong taon na ito, may naitala na mahigit na tatlumpung libong
kaso ng dengue. Kailangan na ng gobyernong gumawa ng mga bagong paraan upang
maibaba ang bilang ng mga kasong ito.
Ang isang dahilan kung bakit patuloy sa pagdami ang may sakit na
dengue ay dahil binibigyan ng pagkakataon ang mga lamok na mabuhay sa paligid.
Kailangan ng pakikipagtulungan ng lahat sa mga simpleng gawaing makaiiwas sa
sakit na ito.
Una, dapat malaman na ang lamok na Aedes aegypti ay nabubuhay
sa malinis na tubig. Palagi dapat sinusuri ang loob at labas ng bahay kung may mga
naipong tubig na hindi napapalitan. Kung minsan ay may mga programa rin ang lokal
na gobyerno para mapuksa ang mga lamok katulad ng fogging.
Iginiit ng DOH na sa lahat ng mga paraang ito, mahalaga talaga ang
pakikiisa ng bawat mamamayan sa komunidad. Ito ang pinakamabisang paraan upang
mapuksa ang sakit na ito.
PUNO PA RIN NG BUHAY
Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong
niyog. Kahit saang panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa
puno ng niyog.
Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula
ugat hanggang dahon ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang buko
salad, buko pie at minatamis. Ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng arina,
mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.
Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang paginom ng sabaw ng buko araw-araw ay
nakatutulong sa kidney ng isang tao.
Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang araw-araw na pag-inom nito para maiwasan
ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi (urinary tract). Ginagamit din itong pamalit ng
dextrose.
Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng
niyog kaysa sa gatas ng baka. May 2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang
1.63 porsyento lamang ang sa gatas ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din
bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at iba pa.
Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman
ay ginagawang atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o lamang
dagat. Pati ang ugat nito ay ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang karamdaman.
ROCKS FROM OUTER SPACE
The pieces of rocks that come from outer space have three names:
meteor, meteorite, and meteoroid. A meteoroid is a piece of matter moving in space. It
moves as fast as 40 miles a second. It may be large or small. Most meteoroids are
smaller than a grain of sand.
As a meteoroid comes into the air near the earth, it catches fire. Most
meteoroids burn up before they hit the earth. The flash of light from the burning
meteoroid is called a meteor. If a piece of meteoroid falls to the ground, it is called a
meteorite.
People have studied these rocks for many years. They wanted to
research ways to keep meteoroids from making holes in spacecrafts. Thick walls may
help. Or perhaps spacecrafts can be covered with a metal skin that will seal itself.

You might also like