You are on page 1of 4

Ang Bato

Jose Corazon de Jesus

Ang Bato Ni Jose Corazon de Jesus

Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;


Kung matisad mo’y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,


Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

Balot ng putik, marumi’t maitim


Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao’y batong itinatapon,


Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar’on ang marunong

Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,


Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

Talagang ganito, madalas mamalas


Sa alimasag man ang malaki’y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!


Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,


Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang


Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,


Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.
Kapag, nagkapingki bato mang malamig,
May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

At saka ang bato ay may katarungan,


Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama’y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw

Pagsusuri sa tulang ang bato

Jose Corazon de Jesus na kilala rin sa pangalang Pepito.Siya ay pangalang anak nli Dr. vecente de
Jesus at Gng. Susana Panganiban. Pinanganak siya noong Nobyembre 22 1894.

Ang tulang ang bato ay may tradisyunal na taludturan sa dahilang ito ay may sukat at mayroon ding
sukat.Ang tulang ito ay may 12 saknong at 4 na taludtud.

Sa una at pangalawang saknong ng tula ito ay nagpapahayag kung ano ang ginagampanan ng isang
bato sa ating buhay. Ito ay nagsisilbing tapakan natin at ito rin ang magiging ibabaw ng ating mga labi.

Sa pangatlong saknong naman ay sinasaad dito kung ano ang nakapaloob sa isang batong maputik at
hindi kanaisnais tignan ngunit kapag itoy nasuri maayroong makinang na bagay na makikita.

Sa natitirang mga saknong naman ay kinukumpara na nito ang mga bato sa mga pangyayati sa buhay ng
mga tao.

Samakatwid ang buhay ng tao ay para ring nangyayari sa isang bato na kung saan ang mga taong
inaapakan ay may kakayahan ding maging dahilan ng pagkatisod ng mga taong makapangyarihan. Ang
mga taong inaapakn ay siya ring nagiging matagumpay pagdating ng araw. Kapag mayroong tiyaga ang
mga tao ay makakahon din sa kahirapan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili tayo sa ating
kinalalagyan maaring tayo ay may pera ngayon ngunit ang pera ay nauubus din kapag hindi ito nagamit
ng maayos. Hindi natin masasabi kung ano ang magiging kapalaran natin sapagkat ang buhay ng tao ay
paikot ikot lamang.

Lagi nating tatandaan huwag nating apakan ang mga kapwa natin dahil sila ay tao ring kagaya natin na
marunong mangarap at magsumikap upang mapa ganda ang buhay.

MAY

4
Ang Bato Ni
Jose Corazon de Jesus

I. Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;


Kung matisad mo’y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

II. Batong tuntungan mo sa pagkadakila,


Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

III. Balot ng putik, marumi’t maitim


Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

IV. Maralitang tao’y batong itinatapon,


Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar’on ang marunong

V. Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,


Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

VI. Talagang ganito, madalas mamalas


Sa alimasag man ang malaki’y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

VII. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!


Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

VIII. O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,


Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

IX. Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang


Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

X. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,


Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.

XI. Kapag, nagkapingki bato mang malamig,


May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

XII. At saka ang bato ay may katarungan,


Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama’y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw

XIII. Bato ang korona ng hari sa trono


Bato ang sabsaban na duyan niCristo
Bato ang lapida sa hukay ng tao
Itong mundo pala'y isang dakot na bato

You might also like