You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE, QUEZON CITY
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills, Quezon City

KASUNDUAN SA PAGPAPATULOY NA PAGGAMIT NG TABLET


SY 2021 - 2022

Ako, si nasa hustong gulang, may asawa


(Pangalan ng Magulang/Guardian),

dalaga/binata kasalukuyang naninirahan sa


(Address)
bilang magulang / guardian ni , na nag-aaral ngayong
(Pangalan)
SY 20201-2022 sa _, matapos
(Pangalan ng Paralan)
makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay nagpapatunay at nagpapatibay na:

1. Ang pagpupuno at paglagda ko sa dokumentong ito ay nagpapakita ng aking instensyon na i-enrol ang aking
anak/ward sa paaralang nakasaad sa itaas para sa SY 2021-2022.

2.Ako ay nakatanggap ng tablet mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para magamit sa distance learning ng
aking anak. Base sa aking pagsusuri, ito ay natanggap ko nang maayos at may kasamang accessories na Quick Start
Guide, Ejector Tool, Micro USB Cable, at Charger. Kasama rin nito ay ang ang SIM Card na nakatatangap ng
monthly data allowance.

SIM no : at TABLET IMEI no

3.Ang tablet ay kasalukuyang gumagana at nasa maayos na kondisyon, mayroong kumpleto at gumaganang
accessories, at umaayon sa mga alintuntuning nakasaad sa dokumentong ito.

4.Ang tablet na ito ay patuloy na gagamitin ng aking anak/ward mula taong panuruang 2021-2022 hanggang sa siya ay
makatapos sa paaralan kung saan siya ay naka-enroll ngayon. Sa kanyang pagtatapos ay kinakailangang isauli ang
tablet at accessories nito bilang isang requirement upang makuha niya ang kanyang clearance, diploma, at iba pang
credentials.

5.Kung sakaling lilipat ng paaralan ang aking anak/ward dahil sa ano mang kadahilanan, kinakailangan din na isauli
ang tablet at accessories para makuha niya ang kanyang credentials na kakailanganin sa paglipat sa ibang paaralan.

6.Kung sakaling tumigil sa pag-aaral ang aking anak/ward dahil sa ano mang kadahilanan, kinakailangan din na isauli
ang tablet at accessories sa lalong madaling panahon.

7.Ang tablet at internet connectivity allowance ay gagamitin lamang ng aking anak para sa mga gawain na may
kaugnayan sa kanyang pag-aaral.

8.Hindi maaaring imodify, uninstall, o idisable ng mga software applications na nasa tablet nang walang pahintulot
mula sa Schools Division Office at lokal na pamahalaan ng Quezon City. Mahigpit din na ipinagbabawal ang
pagdownload ng mga anumang files, games o applications na walang kaugnayan sa pag-aaral at hindi inirekomenda
ng paaralan.

9. Ang tablet at internet connectivity ay hindi maaaring gamitin sa cyberbullying, Online betting, gambling, mobile
games, o pag-access sa pornographic at virus o malware-laden sites o anumang gawain na lumalabag sa Republic
Act 10929 (Free Internet Access in Public Places Act) at Republic Act 10627 (Anti-Bullying Act of 2013).

10. Responsibilidad ko at ng aking anak na panatilihing maayos at gumagana ang tablet. Kaugnay nito, hindi maaaring
ilabas ng bahay ang tablet maliban na lang kung ito ay ipinayo ng guro o ng kinauukulan.

11. Ang tablet ay mananatiling pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. Ito ay hindi maaaring isangla o
ipagbili. Hindi rin maaaring baguhin, alisin, o sirain ang property stickers ng tablet. Ang paglabag dito ay may
kaaikbat na multang limang libong piso (Php 5,000) at ang mag-aaral ay hindi na muling mabibigyan ng tablet. Ito
ay naaayon sa City Ordinance SP- 2954, S. 2020.

12. Sa oras na makaranas ng malfunction sa paggamit ng tablet, responsibilidad ko at ng aking anak na ipaalam ito sa
guro o sinumang kinauukulan sa paaralan nang hindi lalagpas sa dalawang araw.

13. Kaakibat ng standard, limited warranty ng tablet, ang anumang pagkasira sa tablet ay maaari lamang ipagawa o
papalitan sa mga authorized service centers sa Quezon City na nakalagay sa tablet para sa madaling
pag-access/pagkontact sa mga ito. Ang anumang pagkasira sa tablet o pagkawala nito na hindi sakop ng warranty
ay aking babayaran.

14. Kung sakaling mawala o manakaw ang Tablet, responsibilidad ko at ng aking anak na ipaalam ito sa guro o sa
kinauukulan sa lalong madaling panahon. Kaakibat nito ang pagkuha at pagsumite ang mga dokumentong
magpapatunay sa pagkawala tulad ng police blotter o Certification and Sworn Affidavit. Sa pagkakataong hindi ako
makapagsumite ng mga nasabing dokumento, babayaran ko ang halaga ng nawalang tablet sa halagang Anim na
Libong Piso (Php 6,000)

15. Tungkulin ko din at ng aking anak ang paglahok sa regular na monitoring at evaluation na isasagawa ng Schools
Division Office at lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mapanatili ang kaayusan ng tablet. At base sa
resulta ng isinasagawang Monitoring and Evaluation, maaaring matigil o maputol ang pagpapadala ng internet
allowance kung sakaling maobserahan na hindi ito ginagamit nang mahigit sa isang buwan

16. Kung sakaling kami ay lilipat ng bahay at magbabago ng address, agad namin itong papaalam sa
paaralan/kinauukulan.

"Na sa anumang paglabag sa kasulatang ito ay nauunawaan ko ang aking pananagutan sa ilalim ng SP-2954, s.2020.

Stud
LR
ent
N:
Nam
e:
Gra
Section Mobile Email
de
: No: :
Lev
el:
Parent Name: Mobile
No:
Addres Email
s: :
Ang paglagda ko sa dokumentong ito ay nangangahulugang nabasa, naintindihan at sumasang-ayon ako sa nakasaad
dito.

(Pangalan at Lagda ng Magulang/ Petsa)

Saksi: ______________________________
(Pangalan ng Guro/Adviser/Petsa)

You might also like