You are on page 1of 1

January 28, 2020

Mr./Mrs.:

Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Ang sulat pong ito ay para po ipaalam sa inyo ang
napagmeetingan kahapon ( January 27, 2020).
Magkakaroon po tayo ng isang event sa darating na February 21, 2020. Ang event po na ito ay proyekto ng
General PTA ng Paaralan ng Santa Rosa.
Magkakaroon po tayo ng Mr. and Ms. Valentines 2020 mula sa Kinder hanggang Grade 6.
Ito po ay tinatawag na “Night of Hearts” na kung saan ang mga batang gustong sumali ay inaanyayahang
makilahok sa nasabing event. Nasa ibaba po ang mga impormasyon ng nasabing programa/proyekto:
Ano: Nights of Hearts (Mini JS Prom)
Sino: Mag aaral mulaKinder – Grade 6
Kailan: February 21, 2020
Saan: Santa Rosa Elementary School
Registration Fee: 500 pesos per child ( Due on February 15, 2020)
Attire: Cocktail Dress for girls, and Longsleeves for Boys
Ang makokolektang Registation Fee po na 500 pesos ay para sa magiging proyekto na ipapagawa ng
PTA at para din po sa mga ibang mga kinakailangang gamit para sa gagawing event.
Sa mga iba pa pong katanungan ay maaari po kayong pumunta sa paaralan . Maraming Salamat po:

Jasmin R. Guireba
Grade 2 – Santan Adviser

REPLY SLIP

Ako si _______________________________ at aking nabasa at naunawaan ang nilalaman ng sulat.


Lagyan po ng tsek ang kahon kung ano ang inyong kasagutan. Ito po ay upang malaman namin ang bilang ng
mga bata ng gustong lumahok sa event na nabanggit.

Pinapayagan ko ang aking anak na lumahok sa gaganaping event sa February 21, 2020 upang
makatulong at makiisa sa mga aktibidad ng paaralan.

Hindi ko pinapayagan ang aking anak na lumahok sa gag anaping event sa February 21, 2020 sa
kadahilanang __________________________________________.
Maraming Salamat po sa inyong pagtugon at pagsuporta sa ating Paaralan.

____________________________
Lagda ng Magulang/Guardian

You might also like