You are on page 1of 19

4 December 2020

KGG. CESAR YNARES


Punong Bayan
Binangonna, Rizal

Mahal na Ama ng Binangonan,

Isang mainit na pagbati po sa ngalan ng kapayapaan at tapat na paglilingkod sa


kapwa!

Nawa’y nasa mabuti po kayong kalagayan habang binabasa ang liham na ito.
Alam ko pong kayo ay maraming ginagawa at alalahanin. Subalit bilang isang
anak, hindi ko po matitiis na ang aking ina na si FELY AZURES ay dumanas ng
matinding EMOTIONAL DISTRESS hinggil sa sunud- sunod at di- makatwirang
reklamo ng mga kapit-bahay namin dito sa Barangay Mambog. Isa rin po kayong
anak at alam ko pong nauunawaan ninyo ang damdaming ito.

Ganito po ang buong pangyayari:

Nagkaroon na po ng kasunduan sa barangay na nilagdaan nina Kapitana


LEILANI G. PEREIRA, Lupon L. CERTEZA at G. ANONUEVO noong November
17, 2020 na CASE SOLVE na ang reklamo tungkol sa aming kanal (maliit na
temporary canal na ipinagawa namin sa gilid ng kalsada). Dahil batay sa
napagkasunduan padadaluyin muna ang tubig mula sa aming kusina at tubig na
pinagpaliguan sa banyo sa gagawing temporary drainage (magdudugtong ng 10
tubo ng PVC papunta sa likurang bahagi ng bahay ni Ka Narcing na
sumang-ayon din base sa pakiusap ni Kapitana). NANGAKO din si Ms. Pereira
na PAPAGAWAN NG DRAINAGE and eskinita sa Rosal St., Mambog dahil sa
hindi mabilang na reklamo tungkol dito. Ito ay isasakatuparan niya diumano sa
First Quarter ng 2021. (see Attachment A)

Tinupad po namin ang napagkasunduang ito. Bumili na ng mga tubo. May


dalawa rin pong manggagawa na inupahan para magdugtong at magbaon ng
tubo sa lupa. Matatapos na po sana ang temporary drainage na ito subalit
nagpunta si MERLITA BOLADO (aka Merly Bolado) sa barangay ng araw na
ginagawa na ang temporary drainage at sinabing hindi siya magpapadaan
sa gilid nila (na ayon kay Kagawad Celes ay eskinita po talaga) pero binakuran
ni Gng. Bolado. Ang request ni Gng. Bolado ay tila ata’t PINABORAN ng
barangay sa kabila ng alam naman nila ang aming naging kasunduan sa
problemang ito. Samakatuwid, di po natapos ang temporary drainage (see
attached pictorial -- Attachment B).

Noong Nov. 19, 2020 nagpadala po ako ng video sa munisipyo tungkol sa


nakapipinsala sa kalusugang siga na gawa ni MERLITA BOLADO. Muntikan na
po kasi akong makaranas at ang aking kapatid ng Carbon Dioxide suffocation
(see Attachment C) dahil sa kanyang ginawa. Umaksyon po ang taga- munisipyo
ng araw na iyon. Kaya kinagabihan ay lasing na nag-eeskandalo sa tapat ng
aming bahay ang kinakasama ni Gng. Merlita Bolado. Di po ako nakapunta agad
sa munisipyo para makahingi ng kopya mula sa BESWMO ng kanilang report
regarding sa ginawa nilang incident inspection dahil na rin sa aking trabaho.

Naghain po ako ng PORMAL na REKLAMO (see attachment D) sa BESWMO


dahil napag-alaman ko po na WALANG INCIDENT REPORT NA GINAWA ANG
BESMWO noong Nov. 19, 2020 dahil diumano kakilala nila Gng. Bolado ang
mga tag-BESWMO na nagpunta noong araw na iyon. Nakakalungkot po ang
nangyari. Di yata’t napapairal ang NEPOTISMO sa bayan natin mahal na mayor.
Alam na alam ninyo po ang mga batas ukol dito, katulad na lng ng Administrative
Order No. 93 at 292 (Administrative Code of 1987).

Dahil dito, nanggagalaiti si Gng. Bolado sa amin dahil pakiramdam niya ay


dinidikdik namin siya-- which hindi naman po iyon ang intensyon dahil dapat
sumunod lamang ang lahat ng mamayan ng bansang ito sa RA 9003. Hindi rin po
namin kasalanan na muling pumunta ang taga-BESWMO sa kanila dahil
unang-una bilang lingkod bayan nararapat lamang na patas at pantay ang
pagpapairal ng batas.

Tumanggap po kami ng reklamo galing sa munisipyo noong Dec. 1, 2020 tungkol


sa aming kanal na diumano ay nilulumot at may mabahong amoy. Ito po ay
galing kay Merlita Bolado at sa anim pa niyang kakilala/ kamag-anakan. May
attached pictorial pa po sila para pagtibayin ito (see attachment E). Kaya lamang
po, malayo po ang itsura ng kanal na nasa picture kompara po sa kanal namin
(see Attachment F). Exagerrated din po ang reklamo.

Nitong December 3, 2020 ay nagpunta naman sa aming bahay ang mga taga
Municipal Health Office na sina GIAN KARLO APIADO, KARL LEO
DISCUTIDO at isang empleyado na di nagpakilala upang magbigay ng
panibagong Sanitary Defects/ Violation laban sa aking ina. Pirmado po ito ni
GIAN KARLO APIADO even ung pangalan ng Sanitaion Inspector III na si
Marilou C. Feliciano at Municipal Health Officer Dr. Angelito U. Dela Cuesta na di
naman nagkaroon ng sanitation inspection sa amin noong araw na iyon. Di yata’t
FORGERY ang ginawa ni G. APIADO sa dokumentong ibinigay niya para sa
aking ina. Ano po ang sinasabi ng mga batas natin tungkol sa Forgery halimbawa
na lamang ng Article 301 Penal Code amended by Act No. 2712 at GR No.
L-21168? Kung sasabihin naman po ni G. Apiado na “nai- BY” niya ang nasabing
pirma bakit po ganon ang ginawa niyang pagpirma? (see attachment G) May
tamang pamamaraan po ng pag-BY ng pirma di po ba? Nakakalungkot na
ginagawa ito ng ilang tao sa munisipyo ng Binangonan.

Pakibasa po ang Attachment H para sa pahayag ng aking kapatid hinggil na


ginawang inspection ni G. Apiado. Nabanggit kasi ni G. Apiado na wala kaming
ginagawang aksyon tungkol sa reklamo ni Gng. Bolado-- which, bakit parang
sobrang nagmamadali naman sila isang araw pa lang po ang araw na lumipas
buhat ng makuha namin ang reklamo. Ano pong meron mayor?

Minabuti ko po na pumunta noon ding December 3, 2020 sa BESWMO dahil sa


pangyayaring ito. Pormal ko pong nakausap si ENGR. ISIDRO M. PACIS.
Humihingi po ako sa kanila ng kopya ng Inspection Report na isinagawa noong
December 1, 2020. Unfortunately, WALA po silang naibigay na attached
Inspection report sa diumano’y inspection na ginawa nila ng araw na iyon
maliban sa kapirasong papel na walang pirma (see attachment I) dahil
according kay Engr. Pacis may taga-ibang department na nanghiram ng
report nila. Tama po ba ang naging documentation proceedings na ginawa ng
BESWMO tungkol sa sinasabi nila na “inspection of your premises”? Malawak
po kasi ang term na inspection kaya I really wonder what are their basis
indicators or parameters for them to arrive with such conclusions.

Tinanong ko po si Engr. Pacis if nainspect nya ang lugar na pinanggagalingan ng


mga naglulumot na tubig kanal. Sumang-ayon siya na di lamang sa amin
nanggagaling ang mga tubig na iyon. In fact mayor, maliit na portion lamang po
ang sa amin. Pero iginiit po ni Engr. Pacis na kami lang daw po kasi ang
inirereklamo kaya nagkaganoon. Nabanggit din niya na may kakilala ang
nagreklamo (Merlita Bolado) sa munisipyo kaya sige sila sa pag-aksyon dito.

Nakakadisappoint man pong sabihin pero parang may di tama sa lahat ng


pangyayaring ito. Dahil kung titignan ninyo po ang area ng Rosal St sa Brgy.
Mambog ay mas karimarimarin pa nga ang lusak at lumot sa daan ng iba
naming kapit-bahay na walang maayos na kanal para sa waste water (see
Attachment J). Kaya muli ang tanong ko po: ano pong meron mayor?

Nasaan po ang fairness at justice? Solved Case na dapat ang usapin na ito kung
di lamang humadlang si Gng. Merlita Bolado sa pagkakabit namin ng temporary
drainage. Bakit po hinahayaan ng barangay na lumawig pa ang ganitong usapin
kung may magagawa naman sana sila para maisaayos ang gusot na ito. Di po
ba’t obligasyon ng bawat lingkod bayan na maging bahagi ng solusyon?

Salamat po sa pagbibigay oras sa hinaing na ito. Nais ko lamang po sana na


magkaroon na pantay na pagtingin sa lahat at di lang dahil kakilala o
kamag-anak.

Lubos na gumagalang,

VANESSA JOY M. AZURES


Botante ng Binangonan
Attachment A
Attachment A
Attachment B
Attachment B
Attachment C
Attachment D
Attachment E
Attachment E
Attachment F
Attachment G
Attachment H

December 3, 2020

Pasado alas diyes ng umaga ay napalabas ako sa aming bahay dahil narinig
kong may kausap ang tiyuhin ko na sa mga oras na iyon ay gumagawa ng grills
para sa bakod ng aming bahay. Nagpakilala silang taga-munisipyo sa
departamento ng Municipal Health Office. Ang sabi nila ay nagpunta sila sa
aming bahay upang ibigay ang reklamo ng aming kapit-bahay na si Merlita
Bolado tungkol sa pagtagas ng tubig mula sa aming poso negro at para na rin
inspeksyunin. Ako sa mga oras na iyon ay nag-oobserba lang sa kanila habang
kausap nila ang aking tiyuhin. Ang aking ina na si Fely Azures ang nakasulat sa
reklamo. Subalit wala siya ng mga oras na iyon.
Sa aking pag-oobserba sa kanila ay nakita kong nakatayo lamang ang
dalawang taga-munisipyo kasama ng tiyuhin ko sa gilid malapit sa aming
palikuran at nag-uusap ng masinsinan samantalang ang isa nilang kasama ay
nakaupo lamang sa may tapat ng bahay ng aming kapitbahay. Ang sinasabing
inspeksyon na gagawin ay nauwi sa usapin at pagkatapos ng ilang minuto ay
lumipat sila sa harap aming bahay para ipagpatuloy ang pag-uusap. Ilang minuto
silang nag-usap sa may harap ng bahay. Di ko napigilan ang aking sarili na
makilahok sa usapan upang iklaro ang sinabi ni Gian Karlo Apiado
(taga-munisipyo) na wala pang ginagawang aksyon tungkol sa inerereklamo pa
noon ng aming kapit-bahay.
Pahayag ko sa kanya na ito ay napag-usapan na sa barangay tungkol sa
inirereklamo nila at napagkasunduang ipapagawa ang daluyan ng tubig ngunit
nung araw na ginagawa na ay hindi nakipagkooperasyon ang nagrereklamo kaya
hindi natapos ang paggawa dahil hindi pumayag si Merlita Bolado na magpadaan
sa kanila para makapunta sa may gilid ng bahay namin kung saan gagawin ang
pansamantalang drainage.
Pagkatapos ng pahayag ko na iyon ay hindi na ako sumali at hinayaan na
muling magsalita G. Apiado at bumalik sa pag-oobserba. Ang lalaking nakaupo
sa tapat ng bahay ng aming kapitbahay ay malayo sa mga kasama at tahimik na
nakatingin sa bahay na katapat ng bahay namin habang si Gian Karlo Apiado na
sa simula ng pagpunta sa bahay ay siyang tanging nakikipag-usap lamang
tungkol sa hinaing ng nagrereklamo. Habang ang isa namang natukoy ko dahil
sa I.D. na si Karl Leo Discutido ay kumukuha ng larawan sa harap ng aming
bahay. Hindi siya humingi ng permiso bago kumuha ng mga larawan namin
habang kausap si G. Apiado. Hindi ko na rin siya nasita dahil tutok ako sa mga
himutok na sinasabi ni G. Apiado tungkol sa “nuisance” na sanhi diumano ng
tumatagas na tubig sa poso negro.
Attachment H

Ipinaliwanag sa kanya ng aking kakambal na si Joyce na hindi naman sa


poso negro nanggagaling ang tubig na dumadaloy sa kapirasong temporary
canal na ipinagawa namin sa gilid ng kalsada. Bagkus ito ay mula sa
pinaghugasan sa lababo at pinagpaliguang tubig sa banyo.
Iyon naman po talaga ang totoo. Kaya di ko po lubos na maintindihan kung
bakit sa lahat ng mga kalapit bahay namin ay kami lamang po ang naireklamo ni
Merlita Bolado. Samantalang kapag sinuyod mo ang buong Rosal St. sa Mambog
ay mas malala pa ang lusak at lumot gayon na din ang amoy na dulot ng tapong
waste water ng aming mga kapit- bahay. Ni wala nga po silang ginawang
temporary canal katulad ng sa amin.
Kaya nagtataka po talaga ako kung bakit ganon na lang ang datingan ni Gian
Karlo Apiado sa pagigiit niya tungkol sa inirereklamo ni Merlita Bolado. Gigis na
gigis po kasi siya habang sinasabi ang mga bagay na ito. Na sa aking palagay ay
di na bahagi ng kanilang inspeksyon.
Ang nalalabing pag- uusap ay ipinaubaya ko na sa aking nakatatandang
kapatid dahil hindi ko na po nagugustuhan ang itinatakbo ng pakikipag-usap ni
Gian Karlo Apiado.

ROSE ANN M. AZURES


Residente ng Mambog, Binangonan, Rizal
Attachment I
Attachment J
Attachment J
Attachment J

You might also like