You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Distrito ng Victoria
BANCA-BANCA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Banca-Banca, Victoria, Laguna

Hunyo 6, 2022

KGG. PEDRO R. FAJARDO


Punong Barangay
Brgy. Banca-Banca, Victoria, Laguna

Mahal na Ginoo,

Ligtas at payapang araw!

Batay sa DepEd Memo Bilang 043, s. 2022 na inilabas noong Mayo 10, 2022, ang mga
paaralang nasa ilalim ng Alert level 1 at 2 ay maaring magsagawa ng in-person na
graduation at moving up ceremony o ng hybrid na seremonya nito kaakibat ang pagsunod
sa mga nakatakdang IATF protocols kasunod ng pagkonsulta sa lokal na unit ng
pamahalaan gayundin sa mga magulang/tagapag-alaga ng mga mag-aaral.

Yamang matagumpay po naming naisasagawa ang limited face-to-face classes, hinihingi po


naming ang inyong pahintulot na maisagawa rin namin ang in-person year-end rites sa
Hulyo 5, 2022. Nais din po naming hingin ang tulong ninyo upang mapunan ang isang
daang (100) upuan na gagamitin ng mga magulang sa araw ng graduation at moving up.
Karagdagan pa, kakailanganin din po namin ang isang (1) tent upang magkaroon ng
extension ang covered court anupa’t mapanatili ang physical distancing.

Inaasahan po namin na ang kahilingang ito ay inyong mapahihintulutan. Maraming Salamat


po.

Lubos na gumagalang,

LETICIA D. GERMINA
Punungguro II

Sinang-ayunan:

PEDRO R. FAJARDO
Punong Barangay

You might also like