You are on page 1of 4

FILIPINO 6

Grade School Department


PERFORMANCE TASK 2.2
Layunin : Nakasusulat ng liham-pangangalakal.
Nakasusulat ng sulating –pormal.
Panuto: Sumulat ng sulating pormal sa anyo ng isang liham na nagtatanong o nagrereklamo.
Magtanong o magreklamo sa mga lider ng inyong barangay o bayan para sa mga
bagay na gusto mong maliwanagan o maayos. Maging malaya sa pagpili ng susulatan
at paksang nais na itanong o ireklamo. Mas makabubuti kung ito ay nakabatay sa
tunay na pangyayaring nakikita mo sa paligid ng inyong pamayanan.
Araw ng Pagpapasa : Enero 12, 2022 (Miyerkules)

PAMANTAYAN Laang Aking


Puntos Puntos
1. Nakasulat ng isang uri ng liham-pangangalakal.
5
2. Maayos,malinaw at tama ang pormat ng nabuong
liham. Tama ang mga gramatika at bantas na ginamit 5
sa pagsulat ng liham.

3. Naipasa sa takdang oras ang gawain. 5

Kabuuang Puntos 15
HALIMBAWA NG LIHAM SA EDITOR

Blk.8 Lot 28 Gumamela St


Malagasang 1 - C
Imus, Cavite
Enero 12, 2022

Gng. Liza Jumawan


Editor- Filipino
927 Phoenix Building
Quezon Avenue,Brgy Sta. Cruz
Quezon, City

Mahal na Ginang,

Magandang araw!

Ako po ay isang mag-aaral sa ikaanim na baitang mula sa University of Perpetual Help System
DALTA, Molino Campus. Sumulat po ako sa inyo upang maiparating ang aking pasasalamat at
kagalakan nang aking mabasa ang akdang “ Ang Babaing Matapat” na hango sa buhay ni Ruth
mula sa aklat ng Ruth sa Bibliya.

Ipinaaalala po ng kuwentong ito sa akin ang naging buhay ng aking ina. Maaga rin pong
pumanaw ang aking tatay gaya ng asawa ni Ruth. Ngunit sa kabila nito ay magkasama pa rin
sila hanggang ngayon ng aking lola- nanay ng aking
tatay. Dalawa po silang nag-aalaga at nagpapalaki sa akin.Masaya kong sinabi sa nanay ko na
lalo akong naging proud sa kanya dahil may katulad na kuwento ang kanyang buhay sa aming
pinag-aralan sa Filipino.Natuwa po siya at ang aking lola nang ipinabasa ko sa kanila ang
kuwento.

Nais ko pong magpasalamat sa inyo dahil ngayon ay hindi na po ako naiinggit sa mga kaibigan
at kaklase kong may tatay pa. Kahit tatlo lang kami, basta aalagaan at mamahalin namin ang
isa’t isa ay para na rin kaming isang kumpletong pamilya. Sana po ay patuloy po kayong
makapagsama ng ganitong klaseng kuwento sa aklat na inyong inililimbag.

Marami pong salamat sa pagbibigay ninyo ng pansin sa aking liham. Pagpalain po kayo ng
Dakilang Lumikha.

Lubos na gumagalang,
Angel A. Atienza
HALIMBAWA NG LIHAM NA NAGREREKLAMO

Blk.8 Lot 28 Gumamela St


Malagasang 1 - C
Imus, Cavite
Enero 12, 2022

Gng. Sonia A. Santos


Punong Tagapangasiwa
Converge ICT Solutions
Imus, Cavite

Gng. Santos:

Magandang araw!

Ako po ay taga Barangay Malagasang 1-C . Isa po ang aming bahay sa nakabitan ng internet
connection ng Converge. Sumulat po ako sa inyo upang ipaalam at hilingin na ayusin ang
aming koneksyon sa internet. Dalawang Linggo na pong wala kaming koneksyon sa internet.
Sa dahilang ito ay nahihirapan na po ako na makasali sa aking “online class”. Naka “data” na
lamang po ako sa pagpasok sa aking “online class”. Maraming bagay na po ang hindi ko
nagagawa tulad ng pagsasagawa ng aking mga takdang -aralin at “Performance task” pati na
ang makapag bukas ng kamera sa oras ng klase.

Sana po ay mabigyan ng mabilis na aksyon ang aking hiling at reklamo sa lalong madaling
panahon.

Sumasainyo,
Marisol A. Sanchez
HALIMBAWA NG LIHAM NA NAGREREKLAMO

No. 21 Barangay Tama


Imus, Cavite
Enero 12, 2022

KGG. REDENTO MAKASINAG


Kapitan ng Barangay Malagasang
Lungsod ng Imus

G. Makasinag:

Ako po si Peter Santiago , isa sa mga residente sa ating barangay. Nais ko pong ipabatid sa
inyong tanggapan ang tahasang hindi pagsusuot ng “face mask at face shield” ng ilang mga
residente dito sa Sitio Maligaya. Inaasahan ko po ang agaran ninyong pagtugon at pagbisita sa
aming lugar upang mapagsabihan ang mga taong hindi sumusunod sa pagsusuot ng “face mask
at face shield”.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
Peter A. Santiago

You might also like