You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


7:00-7:30-Masintahin
8:30-9:00- Maalaga
1, Ikawalong Araw, Ikalawang
QUARTER Grade Level 5
Araw
EDUKASYON SA
DATE MARTES, Oktubre 24, 2023 Learning Area
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:

Pamantayang
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pangnilalaman

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang dapat
Pagganap at di-dapat.
Nakakapagpahayag nang may katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin tungkol
sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal. Suliranin
MELC
sa paaralan at pamayanan
(EsP5PKP –Ig - 34)
1. Nasusuri ang pagiging matapat sa sinumang miyembro ng pamilya at iba pa.
Batayang
2. Nakapagpapahayag ng katotohanan sa sinumang miyembro ng pamilya at iba pa.
Kasanayan
3.Naipapakita ang katapatan sa oras ng pagsusulit.
PAKSANG – ARALIN
PAKSA Pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya at iba pa.
Sanggunian PIVOT module week8, pahina 6-8 Module 12
KAGAMITAN Mga larawan, Projector, PPT
Valuing KATAPATAN
ACROSS:
Integrasyon WITHIN: ESP 8 Q3- nakikilala ang a. kahalagahan ng katapatan, b. mga paraan ng
pagpapakita ng katapatan, at c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
PAMAMARAAN:
I. PANIMULANG GAWAIN:

1. Balik-Aral
Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M
kung mali.
______1. Nagpakopya ng sagot sa kaklase sa oras ng pagsusulit.
______2. Hindi ako kumukopya sa aking kaklase kapag may pagsusulit.
______3. Palihim na kinopya ang sagot ng kamag-aral.
______4. Pinagtakpan ko ang pangungopya ng kaklase ko.
______5. Sinasagutan ko nang matapat ang aking pagsusulit.

II. PANLINANG NA GAWAIN:


1.PAGGANYAK:
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
1
Basahin ang isang kwento tungkol sa batang si Kevin.

Huli si Kevin!
Dahan-dahang lumabas si Kevin mula sa kwarto ni Daddy niya. Dahan-dahan din ang kanyang
pagbaba habang may ibinubulsa sya. “Kevin?” nagulat siya nang tumawag mula sa tabi ng pinto ang
Mommy niya. Nakita sya nito, subalit hindi siya sinita. “B-Bakit po?” ang tanong ni Kevin na medyo
kinakabahan. “Magbihis ka na. Pupunta tayo sa Sampaloc. Kaarawan ng Tita Betty mo. Doon na tayo
magkikita-kita ng Daddy mo. Sige, habang nagbibihis ka, kukunin ko ang wallet ng Daddy mo na
nakalimutan niya.”
“Naku po! paano kung mahalata ni Daddy na kulang ng isandaan ang pera niya? Kapag nahalata
niya iyon, baka doon pa ako mapagalitan sa ibang bahay.” Hindi pa man, kabadong-kabado na si Kevin
habang nagbibihis. Hindi pa rin siya pinatahimik ng kanyang konsensiya habang nasa biyahe sila. “Bakit mo
ginawa iyon? Alam mo naman na masama ang mangupit o magnakaw.” Nangatwiran siya sa sarili, “A, hindi
mahahalata ni Daddy na kulang ng isandaan ang pera niya. Ang kapal ng mga nakita ko roon. Pero kung
mahalata nila, nakita ako ni Mommy na galing sa kwarto nila. Kung magtapat naman ako na kinuha ko para
pambayad sa utang, mapapagalitan pa rin ako dahil nakipagpustahan ako sa basketball. Ayaw din ni Daddy
iyon. Paano na?”
Noong gabing iyon, hindi nakatulog si Kevin. Alam niya, matutuklasan din ng Daddy niya ang
kanyang ginawa. Upang maalis ang kanyang alalahanin, bumangon siya at nagtungo sa silid ng kanyang
mga magulang. Gising pa ang mga ito.
“Bakit?” tanong ng mag-asawa. “Mommy, Daddy, may ipagtatapat po ako. Ayaw kong itago ito
dahil ayokong magsinungaling sa inyo dahil alam kong mali po iyon at napag-aralan po naming sa paaralan
na ang pagsasabi daw po ng tapat ay pagsasama ng maluwat, ang sabi ni Kevin.
Hinintay muna ng mag-asawa na matapos ang pagtatapat ni Kevin. Pagkatapos ay buong
seryosong nagsalita ang kanyang ama. “Anak, sa bahay pa lamang ni Tita Betty mo, nalaman na namin na
kulang ng isandaan ang laman ng pitaka ko dahil nagbilang ako ng pera upang ibayad sa tita mo. Bilang na
bilang ko ang laman ng pitaka ko. Alam naming ikaw ang kumuha dahil nakita ka ng Mommy mo. Pero
hindi ka niya pinagalitan o hindi rin siya nagtanong man lang. Pinagkasunduan naming hintayin kang
magtapat ng iyong kasalanan. Dalawa ang naging kasalanan mo, ang magsugal sa pagpusta sa basketball,
at ang pagkuha ng hindi sa iyo, na parehong ipinagbabawal ng Diyos.” “Masakit man sa kalooban namin,
dahil gusto ka naming bigyan ng aral, babawasan namin ng kalahati ang iyong baon sa loob ng isang
linggo hanggang makabayad ka sa Daddy mo.”
“Opo, tanggap ko po. Pasensya na po, hindi na po mauulit. Salamat sapag-unawa at
pagpapatawad.”

2.AKTIBITI
Gamit ang graphic organizer. Ano-ano ang mga ginawa ni Kevin?

3.Paglalahad
“Ang pagkamatapat ay isang magandang pag –uugali, at ito ay naipamamalas sa pamamagitan ng
pagsasabi ng tapat sa ating kapwa at mga magulang.”

4.Pagsusuri (Analysis)
1. Ano ang iyong ginagawa sa mga pagkakataong nakagawa ka ng pagkakamali?
2. Bakit dapat palaging nagpapahayag ng katotohanan?
3. Ano ang naidudulot sa tao ng pagsasabuhay ng katapatan?

II. PANGWAKAS NA GAWAIN:


A. Paghahalaw (Abstraction)
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
2
A.1. Paglalahat
Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa sinumang miyembro ng pamilya at iba pa?
A.2. Paglalapat (Aplikasyon)
Punan ang patlang ng angkop na salita sa loob ng kahon.

1. Hindi ako dapat ___________ sa aking mga magulang.


2. Hihikayatin ko ang iba na maging ____________ sa lahat ng gawain.
3. Mahalagang magsabi ng katotohana sa ating mga magulang upang
wala tayong hindi _______________.
4. Binabagabag tayo ng ating _____________ kapag tayo ay hindi tapat sa
mga tao sa ating paligid.
5. ___________________ ang mga taong matatapat.

.A.3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral papaano mo maipapakita ang pagiging matapat sa sinumang
miyembro ng pamilya at iba pa?
IV. PAGTATAYA
Isulat ang M kung ang mga gawain ay nagpapakita ng pagiging matapat. HM naman kung hindi.
_________1. Nagsisinungaling upang hindi mapagalitan.
_________2. Nagsasabi ng totoo kapag tinatanong ng kapatid kung bagay sa
kaniya ang suot na damit.
_________3. Kumukuha ng gamit ng iba nang hindi nagpapaalam.
_________4. Ginagamit ang gadget ng kasama sa bahay habang wala ang mayari.
_________5. Ibinabalik ang sukli ng tama
V. KASUNDUAN

VI. Pagninilay
Masintahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


3

You might also like