You are on page 1of 10

Lesson Exemplar in Edukasyon sa Pagpapakatao Using the IDEA Instructional Process

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao


Learning Delivery Modality Online Distance Learning

LESSON School Alpan 1 Elementary School Grade Level V


EXEMPL Name of Teacher MARILOU R. CENITA Learning Area ESP
AR Teaching Date and Time Quarter
OKT.25-29,2021 1st

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng
pagkakarroon ng mapanuring pag- iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang Gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos, Gawain at pahayag na may


kabutihan at katotohanan.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit


(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
sa kalooban gaya ng:

a. pagkuha ng pag-aari ng iba

b. pangingopya sa oras ng pagsusulit

c. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng


pamilya, at iba pa. (EsP5PKP)

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN PAGIGING MATAPAT, ISANG MABUTING GAWI

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 29-31

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral


c. Mga Pahina sa Teksbuk 18-23, 52-55

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng


Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa
pagkaunawa ng mga mag-aaral

1. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit


masakit sa kalooban gaya ng:

a. pagkuha ng pag-aari ng iba

b. pangingopya sa oras ng pagsusulit

c. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng


pamilya, at iba pa

ANO ANG DAPAT KUNG MALAMAN

Gawain I. AKO BA ITO

B C

Panuto: Suriin ang mga larawan sa itaas upang


masagot ng buong husay ang mga tanong.

Ano ang ipinapahiwatig sa bawat larawan?

A._______________________________________

B._______________________________________

C._______________________________________

Batay sa iyong isinagawang pagsusuri , sagutan ang mga


sumusunod na tanong.

1. Ano ang dapat gawin ng bata sa unang larawan?


________
2. Gawain mo rin ba ang ipinapakita sa ikalawang
larawan? Bakit at bakit hindi.
3. Nasubukan mo na bang magtago ng isang lihim?

ANO ANG BAGO?

Gawain 2: PILIIN MO!

Pumili ng isang larawan na nasa itaas na madalas mong


nararanasan,
pagkatapos ay iguhit
ito sa loob ng kahon
at kumpletuhin ang
pahayag sa ibaba.

BIlang isang
kabataan,
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
______________________________________ .

B. Development (Pagpapaunlad) Pagpapaunlad


ANO ANG AKING NALALAMAN

Gawain 3 ALAM KO NA!

Iguhit ang kung ang pahayag ay nagsasaad ng


katapatan at naman kung hindi.

______1. Sasabihin ang totoo na hindi ikaw ang


gumawa ng ipinasang proyekto.

______2. Tabihan ang kamag-aral na nangunguna sa


klase tuwing may pagsusulit.

______3. Napansin mong sobra ang sukli na inabot sa


iyo ng iyong sinakyang traysikel driver at agad mo
itong sinauli.

______4.Magkunwaring may proyektong bibilhin


upang may magamit sa kompyuter Games.

______5. Naalala mong humiram ka ng bolpen sa


iyong kaklase, ito ay bago pa lang kung kayat
nagdesisyon kang hindi na ito ibalik

______6. Nakita mong nahulog ang pera na baon ng


iyong kamag-aral. Agad mo itong pinulot at ibinalik
ito sa kanya.

______7. Nabasag mo ang plorera ng iyong Nanay,sa


takot mo ay hindi mo sinabi ang totoo sa kanya.

______8. Palihim mong sinisilip ang iyong aklat


upang may maisagot sa pagsusulit.

______9. Nais mong hiramin ang bagong sapatos ni


Kuya, ngunit hindi ito pumayag, kung kayat palihim
mo na lamang itong ginamit.

______10. Habang kayo ay naglalakad papasok ng


paaralan , niyaya ka ng iyong kaibigan na huwag na
lang pumasok, ngunit hindi ka pumayag at
ipinaliwanag na mali ito.

ANO ANG MAYROON?

Gawain 4:BASAHIN MO!

Basahin ang kwento.

Si Kevin

Dahan dahang lumabas si Kevin sa kwarto ng


Daddy niya. Dahan- dahan din ang kaniyang pagbaba
habang may ibinubulsa siya. Kevin? Nagulat siya nang
tumawag mula sa tabi ng pinto angb Mommy niya.
Nakita siya nito, subalit hindi siya sinita. “B-bakit po?
Ang tanong ni Kevin na medyo kinakabahan.

“Magbihis ka na. Pupunta tayo sa Sampaloc.


Kaarawan ng Tita Betty mo. Doon na tayo magkikita-
kita ng Daddy mo . Sige, habang nagbibihis ka,
kukunin ko ang wallet ng Daddy mon a nakalimutan
niya.”

Naku po! Paano kung mahalata ni Daddy na


kulang ng isandaan ang pera niya? Kapag nahalata
niya iyon, baka doon pa ako mapagalitan sa ibang
bahay.” Hindi pa man, kabadong kabdo na si Kevin
habang nagbibihis .

Hindi pa rin siya pinatahimik ng kanyang


konsensya habang nasa biyahe sila. “Bakit mo ginawa
iyon? Alam mo naman na masama ang mangupit o
magnakaw.”Nangatwiran siya sa sarili ,” A, hindi
mahalata ni Daddy na kulang ng isandaan ang pera
niya. Ang kapal ng mga nakita ko roon. Pero kung
mahalata nila, nakita ako ni Mommy na galing sa
kwarto nila. Kung magtapat naman ako na kinuha ko
para pambayad sa utang, mapagagalitan pa rin ako
dahil nakipagpustahan ako sa basketball. Ayaw din ni
Daddy iyon. Paano na?

Noong gabing iyong, hindi nakatulog si,


Kevin. Alam niya, matutuklasan din ng Daddy niya ang
kaniyang ginawa. Upang maalis ang kaniyang
alalahanin, bumangon siya at nagtungo sa silid ng
kaniyang mga magulang. Gising pa ang mga ito.

Bakit? Ang tanong ng mag-asawa. Mommy,


Daddy may ipagtatapat po ako. Ayaw kong itago ito
dahil ayaw kong magsinungaling sa inyo dahil alam
kong mali poi yon at napag-aralan po naming sa
paaralan na ang pagsasabi daw po ng tapat ay
pagsasama ng maluwat, ang sabi ni Kevin.

Hinintay muna ng mag asawa na matpos ang


pagtatapat ni Kevin. Pagkatapos ay buong seryosong
nagsalita ang kaniyang ama. Anak, sa bahay pa
lamang ni Tita Betty mo, nalaman na naming na
kulang ng isandaan ang laman ng pitaka ko dahil
nagbilang ako ng pera upang ibyad sa Tita mo. Bilang
na bilang ko ang laman ng pitaka ko . Alam naming na
ikaw ang kumuha dahil nakita ka ng Mommy mo.
Pero hindi ka niya pinagalitan o hindi rin siya
nagtanong man lang. Pinagkasunduan naming
hintayin kang magtapat ng iyong kasalanan. Dalawa
ang nagging kasalanan mo, ang magsugal sa pagpusta
sa basketball, at ang pagkuha ng hindi sa iyo, na
parehong ipinagbabawal ng Diyos.”

“Masakit man sa kalooban namin, dahil gusto


ka naming bigyan ng aral , babawasan namin ng
kalahati ang iyong baon sa loob ng isang lingo
hanggang makabayad ka sa Daddy mo.”

OPo, tanggap ko po. Pasensya na po, hindi nap


o mauulit. Salamat sa Pag- unawa at pagpapatawad.”

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang nagging kasalanan niKevin?


______________________________________
______________________________________
______________________________________
____________.
2. Paano siya nagkaron ng lakas ng loob upang
magtapat sa kaniyang mga magulang?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
_________________________________
3. Kung ikaw si Kevin, ipagtatapat mo rin ba ang
iyong ginawa? Bakit?

________________________________________________
________________________________________________
_________________________________

ANO IYON?

Gawain 5 TUKLASIN MO!

I. Isulat sa loob ng parihaba ang mga


katangian ni Kevin na nagpapakita ng
kaniyang katapatan

II. Isulat sa loob ng parisukat ang maling


kaisipan ni Kevin na nabanggit sa kwento.

C. Engagement (Pagpapalihan) ANO PA?

Gawain 6: SA TOTOO LANG!

Magbigay ng iyong ginagawa habang


nagkakaroon kayo ng pagsusulit at tukuyin kung ito
ba ay matapat na Gawain o hindi.

Hal. Hindi di ako


nangongopya

MATAPAT
ANG KAYA KONG GAWIN

Gawain 7 Pangako, Tutuparin ko

Gumawa ng isang “Pangako, mula sa puso” kaugnay


sa maling gawain katulad ng pangongopya, pagkuha
ng pagmamay ari ng iba, pagsisinungaling o ng kahit
anong uri ng pagiging HINDI MATAPAT

D. Assimilation (Paglalapat)
. PAGLALAPAT : ANO ANG NATUTUNAN KO!

Gawain 8: SURIIN MO!

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay


nagsasad ng katapatan at Mali naman kung
hindi.

________1. Isunauli ni Mang Carding ang


pitakang naiwan sa minamaneho niyang
traysikel.
________2. Nagtapat si Nena na siya nag
nakabasag ng plorera ng kanyang guro.

________3. Habang nakatalikod si Gng. Cruz ay


agad na nagkopyahan ang mga mag-aaral.

________4. Dinaya ni Makoy ang nakuhang


iskor sa pagsusulit upang hindi siya mapahiya.

________5. Kunin ang baon ng iyong kaklase na


laging nang- aasar sa iyo.

________6. Buong pusong nagtapat si Zj sa


kanyang nagawang pagkakasala.

________7. Ang pagsasabi ng tapat ay


pagsasama ng maluwag.

________8. Ipagawa sa kapatid ang proyekto


na hinihingi ng guro at sabihing ikaw ang
gumawa nito.

________9.Sinabi ni Ana na siya ang nkabasag


ng pinggan para hindi mapagalitan ang
nakababatang kapatid.

________10. Ibinalik ni Allan ang sukli ng


kanyang ina nang walang labis, walang kulang.

Gawain 9: Ano ang kaya kong ipakita?

Magtala ng mga karanasan na naging totoo ka sa


sarili at inamin ang iyong kasalanan. Ano ang
natutunan mo rito?
V. PAGNINILAY Pagninilay

Matapos, kung aminin ang aking kasalanan natutunan


ko na ___________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
______________________.

You might also like