Lahat ng mga,maliliit man o malalaki Lahat ng kahanga-hanga at kamangha-mangha Ito ay gawa ng Panginoon. Bawat bulaklak na namumukadkad Mga ibong umaawit na kaakit-akit ang kulay, Pati mga pakpak na mabilis pumapagaspas Gawa ito ng Panginoon. Mga ilog na umaagos,mga dagat na puno ng buhay Mga talon at lawa na dinarayo,t hinahangaan, Mga halamang hitik ng makulay na bulaklak Mula ito sa Panginoon. Mga punong bigay ay malinis na hangin Mga dahon,bulaklak at bungang masarap kainin Lilim na malamig ssa palaruan Gawa rin niya para sa atin. Ang araw na nagbibigay-liwanag Para sa araw-araw na mga gawain, Ang kaakit-akit at kamangha-manghang takipsilim Sa kanya lamang nagmumula. Aming pinagsisihan,Dakilang Panginoon, Pagsasawalang-halaga sa inyong mga biyaya, Kaya naman dinaranas na mga baha,sunog at tagtuyot Dahil sa pagmamalabis at kasakiman ng tao. Bilang pasasalamat sa iyo,Panginoon, Aming gawain ay agad babaguhin Kaloob mong biyaya aming pagyayamanin Sa ikabubuti ng nakararami at sangkatauhan.