You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

LIGAS I ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LEARNING PLAN


7:00-7:30-Masintahin
8:30-9:00- Maalaga
1, Ikapitong Linggo, Ikatlong
QUARTER Grade Level 5
araw
EDUKASYON SA
DATE HUWEBES, Oktubre 19, 2023 Learning Area
PAGPAPAKATAO
LAYUNIN:

Pamantayang
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pangnilalaman

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang dapat
Pagganap at di-dapat.
Nakakapagpahayag nang may katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin tungkol
sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal. Suliranin
MELC
sa paaralan at pamayanan
(EsP5PKP –Ig - 34)
1.Natatalakay ang kahulugan ng matapat.
2. Nakakapagpahayag nang may katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin
tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal.
Batayang
Suliranin sa paaralan at pamayanan.
Kasanayan
3.Naipapakita ang katapatan ng sariling opinion/ideya at saloobin tungkol sa mga
sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan Hal. Suliranin sa
paaralan at pamayanan.
PAKSANG – ARALIN
PAKSA Pagiging matapat
Sanggunian PIVOT module week5, pahina 6-8 Module 12
KAGAMITAN Mga larawan, Projector, PPT
Valuing KATAPATAN
ACROSS:
Integrasyon WITHIN: ESP 8 Q3- nakikilala ang a. kahalagahan ng katapatan, b. mga paraan ng
pagpapakita ng katapatan, at c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
PAMAMARAAN:
I. PANIMULANG GAWAIN:

1. Balik-Aral
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang Tama kung ang nakasaad ay pagpapakita ng tamang
pagpapahayag ng katotohanan. Isulat naman ang Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_____1. Pinagsabihan ni Greg ang kapatid na si Valerie na hindi tamang mangopya ng sagot sa iba.
_____2. Inamin ni Jonnel ang kasalanang nagawa ni Kelvin upang hindi mapahamak ang kaibigan.
_____3. Sinabi ni Sunshine sa ama na maaga siyang natulog kahit ang totoo ay naglaro pa siya ng
Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024
1
cellphone kahit gabing-gabi na.
_____4. Itinuro ni Vanessa si Paul na nakabasag ng salamin kahit siya ang
II. PANLINANG NA GAWAIN:
1.PAGGANYAK:
Ang Batang Hindi Nagsisinungaling
(Malayang salin ni RG Alcantara mula sa tulang Ingles na
The Boy Who Never Told a Lie ni Isaac Watts)

Minsan may isang batang lalaki,


Kulot ang buhok at may mga matang masaya palagi,
Isang batang palaging nagsasabi ng totoo,
At hindi kailanman nagsinungaling.
Kapag umalis na siya ng paaralan,
Magsasabi na ang lahat ng kabataan,
“Ayun pauwi na ang batang may kulot na buhok,
Ang batang hindi kailanman nagsinungaling.”
Kaya nga ba mahal siya ng lahat
Dahil lagi siyang matapat.
Sa araw-araw, at habang lumalaki siya,
May lagi nang nagsasabi, “Ayun na ang matapat na bata.”
At kapag nagtanong ang mga tao sa paligid
Kung ano ang dahilan at kung bakit,
Palaging ganito ang sagot,
“Dahil hindi siya kailanman nagsinungaling.”
2.AKTIBITI
Ayusin ang gulo-gulong salita.

A-K-T-A-A-P-A-N-T

3.Paglalahad
Ang katapatan ay isang katangian ng pagiging makatwiran at matuwidang asal at pananalita. Pagsasabi ito
ng totoo at pagsunod sa tama. Ang pagiging matapat ay dapat ipakita sa lahat ng pagkakataon sa loob o
sa labas man ng paaralan.

4.Pagsusuri (Analysis)
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ilarawan ang batang lalaki sa tula?
3. Katulad ka rin ba ng bata sa tula?
4. Paano mo isinasabuhay ang pagmamahal mo sa katotohanan?

II. PANGWAKAS NA GAWAIN:


A. Paghahalaw (Abstraction)
A.1. Paglalahat
Bakit mahalaga ang katapatan?
A.2. Paglalapat (Aplikasyon)
Sa anong mga pagkakataon mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa katotohanan? Sumulat sa
sagutang papel ng ilang halimbawa.
.A.3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagiging isang matapat na mag-aaral?
IV. PAGTATAYA
Markahan ng tsek (✔) kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at ekis (✖) naman kung
hindi. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1.Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Agad mo itong
sinabi sa iyong Nanay pati ang eksaktong
halaga ng naturang proyekto.

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


2
2. Nakalimutan ni Noli na gawin ang kaniyang takdang aralin. Nang tawagin siya ng kaniyang guro, sinabi
niyang naiwan ito sa kanilang bahay.

3. Si Ana ay tumakbo sa pagkapangulo sa Supreme Pupil Government ng kanyang paaralan. Sa araw ng


halalan ay may nakita siyang nakakalat na
balota na gagamitin sa botohan. Kaagad niyang ibinalik ang mga ito sa gurong taga-pangasiwa.

4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga kagamitan mula sa opisina na kaniyang pinagtatrabahuan at agad
niya itong ibinebenta sa labas sa mas mababang halaga.

5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby, nakatingin man o hindi ang kaniyang amo sa oras ng
trabaho.

V. KASUNDUAN

VI. Pagninilay
Masintahin Maalaga
5x = 5x =
4x = 4x =
3x = 3x =
2x = 2x =
1x = 1x =
0x ____= _____ 0x ____= _____

Daily Learning Plan | Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan | SY 2023-2024


3

You might also like