You are on page 1of 16

K

KINDERGARTEN
Modyul 1: Kindergarten na Ako!

Dapat Mong Malaman


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
✔ Nakikilala ang sarili
a) pangalan at apelyido
b) kasarian
c) gulang/kapanganakan
d) gusto/di-gusto
✔ Use the proper expression in introducing oneself e.g., I am/My name is_____

(MELC Quarter 1: Week1)

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 1


Simulan Natin

Mensahe: Ako ay natatangi at kabilang ako sa klase ng Kindergarten.


Aralin 1:
Para sa Magulang o Tagapatnubay ng mag-aaral:
1. Ipaliwanag sa mag-aaral na magiging espesyal ang kaniyang pag-aaral sa
panimula ng klase ngayong taon dahil sa pandemyang COVID-19. Pansamantalang
sa bahay muna sila magkaklase upang pangngalagaan ang kaligtasan ng bawat
isa.
2. Panalangin:
Panginoon, salamat po sa araw na ito.
Inaalay ko po ang lahat ng aking kaalaman, kilos at mga salita.
Tulungan po ninyo akong maging mabuting bata. Amen.
3. Panimulang Awit: Kung ikaw ay Masaya (Awit na may Galaw)
Kung ikaw ay masaya *pumalakpak (2x)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya *pumalakpak
(*kumembot, *pumadyak, *tumawa, *gawin lahat)

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 2


4. Pag-usapan.
a. Basahin ang “Mensahe” para sa Aralin 1. Hikayatin ang mag-aaral na sumunod
sa pagbigkas nito.
b. Ipakita ang larawan sa susunod na pahina (p.4) at basahin ang halimbawa ng
pagpapakilalang ipinakikita dito. Pakulayan ito sa mag-aaral matapos
ipaliwanag.
c. Turuan at sanayin ang mag-aaral sa pagpapakilala ng sarili.
“ Ako si ___(buong pangalan ng bata)___. Ako ay __ taong gulang.
Ipinanganak ako noong __(araw ng kapanganakan). Isa akong _(kasarian ng
bata). At kabilang ako sa Kindergarten!”
5. Subukan.
a. Ganyakin ang mag-aaral na ipakilala ang sarili gamit ang gabay na kanyang
kinulayan.
b. Kulayan ng Dilaw ang larawan ng mukhang nagpapakita ng antas ng
kakayahan ng mag-aaral sa pagpapakilala ng sarili.

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 3


Kinakailangan ng Mabilis at maayos na
Maayos na naisagawa Maayos at mahusay na
pagsasanay para sa naisagawa ang
ang kasanayan nagawa ang kasanyan
kasanayan kasanayan

Ating Suriin

“ Ako si Milo A. Dela “ Ako si Mila A.


Cruz. Ako ay Santos. Ako ay
limang(5) taong limang(5) taong
gulang. Ipinanganak gulang. Ipinanganak
ako noong Hunyo 1, ako noong Mayo 11,
2015. Isa akong 2015. Isa akong
lalaki. At ako ay babae. At ako ay
kabilang sa kabilang sa
Kindergarten!” Kindergarten!”

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 4


Gawin Natin
Gawain 1
Petsa:____________ Oras:_____
Panuto: Kulayan ang larawan ng batang BABAE (p.5) kung ikaw ay
BABAE at kulayan naman ang LALAKI (p.6) kung ikaw ay LALAKI.
Isulat o bakatin ang iyong pangalan sa patlang.

Ako ay si
Ako ay isang babae.

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 5


Petsa:____________ Oras:_____

Panuto: Kulayan ang larawan ng batang BABAE (p.5) kung ikaw ay BABAE at kulayan
naman ang LALAKI (p.6) kung ikaw ay LALAKI. Isulat o bakatin ang
iyong pangalan sa patlang.

Ako ay si

Ako ay isang lalaki.

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 6


Gawain 2: Name Tag Petsa:____________ Oras:_____
Pamamaraan:
Para sa Guro: Gumawa ng “personalized” na Name Tag Pattern para sa iyong mga mag-aaral tulad ng
halimbawa sa ibaba sa cardboard o lumang folder na maaari pang magamit.
Para sa Magulang o Tagapatnubay:
1. Hikayatin na muling magpakilala ang mag-aaral ng kanyang sarili. Bigyang diin ang
pagsabi ng kanyang sariling pangalan.
2. Ipakita ang Name Tag na inihanda ng Guro at muling ipabanggit ang kanyang
sariling pangalan. Sabihin: “ Ngayon, gagawa tayo ng Name Tag mo.
Papagandahin natin ito at lalagyan ng iyong larawan.”.
3. Tulungan ang mag-aaral sa pagdikit o paglalagay ng disenyo sa kanyang Name
Tag.
4. Patuyuin at idikit ito sa lalagyan ng ating modyul.

Michael
KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 7
Maria
Kinder Dora Kinder Diego
Pagyamanin Natin

Para sa Magulang o Tagapatnubay ng mag-aaral:


1. Basahin ang tulang “Kaarawan Ko”. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigkas ng tula.
2. HIkayatin ang mag-aaral na sumagot sa mga gabay na tanong:
a. Nakadalo ka na ba sa isang “Birthday Party”? Ano ang nararamdaman mo
pag ikaw ay nasa isang selebrasyon ng kaarawan?
b. Kailan ang iyong kaarawan? Paano mo gustong ipagdiwang ang iyong
kaarawan? Ilang taon ka na?
c. Ano-ano ang mga bagay na makikita mo sa “Birthday Party”? Paano mo
malalaman kung ilang taon na ang nagdiriwang?

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 8


d. Anong regalo ang gusto mong matanggap sa iyong kaarwan? Bakit? Alin
naman ang ayaw mong matanggap na regalo? Bakit?
✔ Kulayan ng Dilaw ang larawan ng mukhang nagpapakita ng antas ng kasanayan
sa pagsagot sa mga katanungan.

Kinailangan ng gabay. Nakasagot ng tama. Nakasagot ng tama Nakasagot ng tama, may


at may detalye. detalye at sa buong
pangungusap.
Gawain 3 Petsa:____________ Oras:_____
Panuto: Bakatin ang “cake” na nakalarawan sa ibaba. Guhitan ito ng mga kandila na
tutukoy sa bilang ng iyong edad .
Kulayan ang “cake” pagkatapos
ng gawain.

Tula: Kaarawan Ko
Ako’y may sasabihin.
Inyo sanang pakinggan.
Bukas tayo’y magsasaya.
Bukas ay aking kaarawan.
Ang sabi nga ni Nanay, 5
KINDERGARTEN MELC
taon Quarter
ka na.1: Week 1Page 9
Bilangin ang daliri mo,
Isa, Dalawa, Tatlo, Apat,
Lima.
Gawain 4 Petsa:____________ Oras:_____
Panuto: Tukuyin ang mga bagay na nakalarawan. Bilugan ang mga bagay na GUSTO
mong matanggap sa iyong kaarawan. Lagyan ng ekis ang DI
mo GUSTONG regalo.

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 10


Ating Tandaan

Pamamaraan:
Para sa Magulang o Tagapatnubay ng mag-aaral:
1. Balik-aralan ang Mensahe para sa Linggo.
KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 11
2. Bigyang diin ang kahalagahan ng tamang pagpapakilala sa sarili.
3. Muling sanayin ang mag-aaral sa pagpapakilala sa sarili. Siguraduhing masasabi ng
buo at malinaw ang kanyang pangalan, kasarian, edad at kaarawan.

✔ Kulayan ng Dilaw ang larawan ng mukhang nagpapakita ng antas ng kasanayan


sa pagsagot sa mga katanungan.

Kinakailangan ng Mabilis at maayos na


Maayos na naisagawa Mabilis, maayos at mahusay
pagsasanay para sa naisagawa ang
ang kasanayan na nagawa ang kasanyan
kasanayan kasanayan

Subukan Mo
KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 12
Pamamaraan:
Para sa Magulang o Tagapatnubay ng mag-
aaral:
1. Hikayatin ang mag-aaral na magpakilala sa harap
ng pamilya.
2. Gamit ang anumang uri ng camera o pangvideo,
i-record ang ginawang pagpapakilala ng mag-
aaral at ipakita ito sa guro sa pamamagitan ng
online o di kaya sa oras ng pagbabalik ng modyul
na ito sa paaralan.

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 13


Pagtataya
Pamamaraan:
Para sa Magulang o Tagapatnubay ng mag-aaral:
Kulayan ang naayon na bilang ng masayang mukha ayon sa lebel ng pagkatuto ng mag-aaral kaugnay sa
inaasahan sa modyul.
KAKAYAHAN PAMANTAYAN

Nakagagawa ng mag-isa Nakagagawa ang bata na Nakagagawa ang bata sa


ang bata may kaunting gabay ng tulong ng guro o
guro o tagapatnubay tagapatnubay
Malayang paggawa

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 14


Nakatuon ang bata sa Nagagawa ng bata ang Nagagwa ng bata ang
kaniyang gawain kaniyang gawain ngunit kaniyang gawin ngunit
paminsan-minsan naaagaw madaling maaagaw ang
ang kaniyang atensyon sa kaniyang atensyon sa ibang
Pokus ibang bagay bagay

Natatapos ng bata ang Natatapos ng bata ang Nauumpisahan ng bata ang


Gawain sa takdang oras Gawain ngunit lagpas sa Gawain ngunit hindi
takdang oras natatapos.

Oras

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 15


Nagkasusunod ang bata sa Bahagyang nakasusunod Nakagagawa ang bata
panuto ang bata sa panuto. ngunit hindi nasuusnod ang
panuto.

Pagsunod sa panuto

KINDERGARTEN MELC Quarter 1: Week 1Page 16

You might also like