You are on page 1of 5

School Palawan National School Grade Level 7

Student Learning Area EsP


Teacher Jolina B. Bendero
GRADES 1 TO 12 Teaching Dates May 11, 2022 Quarter 4
DO 42, s 2016 and Time 9:15-10:15

DAYS/DATE
Section to be observed: 7 SPFL
Day: May 11, 2022
Date of observation: May 11, 2022

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting pagpapasiya.

B. Pamantayan Sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal Mission
Statement) batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.
C. Kasanayang Pampagkatuto

 Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang pagpapasiya
upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap. (EsP7PB-IVc-14.3)

Mga Layunin:
1. Nailalahad ang kabutihang dulot ng pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
2. Nasusuri ang tamang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.
3. Naipapakita na ang angkop na kilos sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay upang
magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap.

II. NILALAMAN: GABAY SA TAMANG PAGPAPASIYA


III. KAGAMITANG PANTURO: Laptop, Manila Paper, Marker, Cartolina, Projector, Chalk and board
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral - EsP 7 Kwarter 4, Linggo 1
2. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resources – CLAS, Printed Pictures
3. Iba pang Kagamitang Panturo- Manila paper, pentel pen, chalk, printed pictures, laptop, monitor/TV
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral
III. PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
Aming Ama na nasa langit, maraming Salamat sa
Inaanyayahan ko ang lahat na tayo po’y tumayo pagkakataon na kami ay muling matuto. Hinihingi
atmanalangin. Tinatawagan ko si Gina para manguna sa namin ang Iyong paggabay sa aming gagawin sa hapon
atin. na ito. Ito ang aming dadalangin sa Pangalan ni Hesus,
Maraming Salamat, Gabriel. Amen.

Pagtsek ng Attendance
At ngayon, magtse-tsek tayo ng attendance. Please
say “present” kapag kayo ay natawag.
Melvin
Ma. Theresa
Present po!
Ma.Chesca
Present po Maam.
Gabriel
Dito po Maam.
Kharell
Present po!
Ansley
Present.po.
Marianne
Present po Maam.
Audrey
Present po Maam.
Teckisley
Present po Maam.
Sofia
Carmela Present po!
Lara Jolyielle Present Ma'am.
Present po Ma'am
A. PAGBABALIK ARAL Present po
Bago natin talakayin ang ating panibagong aralin sa
araw na ito, balikan muna natin ang ating nakaraang
aralin. At para malaman kung may naalala pa kayo sa
nakaraang tinalakay natin, kumuha kayo ng isang
buong papel at sagutan ang gawain.
Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon at
isulat sa papel ang tamang sagot sa bawat bilang.
Sarili tama pagpapasiya mag-aaral motto o kredo

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay ay inihahalintulad


sa 1.___________. Ito ay gabay sa mga gagawing 2.____________
sa buhay. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay para sa
iyong 3.___________ kung kaya hindi ka maaaring gumawa nito
para sa iyong mga kaibigan. Misyon ko ang makatapos ng pag-
aaral upang ang buhay ay bumuti ay halimbawa ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay sa isang 4.____________ na kagaya
mo. Isinaalang-alang nito ang 5. ______________ at matuwid na
pagpapasiya.
Mga Tanong:
1. Alin sa pahayag sa itaas ang naging paksa na ating tinalakay sa
nakaraang klase?
2. Bakit kailangan nating balikan ang nakaraang tinalakay?
3. Paano nakakatulong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
sa ating pagpapasiya sa buhay?

B. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA


BAGONG ARALIN
Ngayon malinaw na ninyong naalala ang nakaraang
aralin, alamin naman natin ngayong kung ano kaya ang
ating panibagong aralin na tatalakayin. Gawin ang
susunod na gawain upang magka-ideya tayo sa
paksang ating tatalakayin.
Gawain 1:
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung
naipapamalas ang tamang pagpapasiya at malungkot na
mukha kung hindi.
_____1.Hindi natapos ni Angelo ang sinasagutang
modyul dahil inubos niya ang kaniyang oras sa
paglalaro sa cellphone.
_____2. Nasa baitang 7 pa lang si Luz noong nagsimula
siyang magpaligaw habang nag-aaral.
______3. Ang pagsisikap at pagtitiyaga ni Wendel ang
nagdulot sa kaniya upang makamit ang kaniyang
pinapangarap na maging isang inhenyero.
______4. Sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng
oras ay nagagawa ni Marie ang kaniyang magulang sa
pagbantay sa tindahan.
______5. Sinusubukan gawin ni Mark ang mga bagay na
kaniyang kinagigiliwan tulad ng pagtatahi upang sa
susunod ay kaniyang magamit sa pagnenegosyo.
Mga Tanong:
1. Ano sa inyong palagay ang nais ipakahulugan ng
gawaing ito?
2. Bakit importanting malaman natin ang patungkol sa
tamang pagpapasiya?
3. Paano ba natin malalaman na tama ang isang
pagpapasya?
C. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT
PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1
Napag-alaman na natin ang patungkol sa tamang
pagpapasya, ngayon ay susubukin natin kung kaya nyo
din bang gumawa ng tamang pasiya.
Gawain 2: “Tutularan Ba?”
Panuto: Masdan ang mga larawang ipapakita sa screen,
lagyan ng (/) tsek kung ang nakikita sa larawan ay
dapat bang tularan at (X) ekis kung ito naman ay di
nararapat na tularan.

__________1. _________2.

__________3. _________4.

__________5.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT


PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2
Dahil naipakita na ninyo na kaya nyong gumawa ng
tamang pasiya at alam na rin ninyo kung ano o sino ang
dapat tularan at hindi, sa ating panibagong gawain ay
malalaman natin ang mga salitang may kaugnayan sa
ating paksang tatalakayin ngayon.
Gawain 3:
Panuto: Masdan ang mga larawang ipapakita, at punan
ng mga letra para mabuo ang mga salitang tumutukoy
sa larawan.

1.) B_H_Y

2.) P_G_ _ P_S_YA

3.) _A_AY

4.) M_S_ON

5.) PA_A_ _G

Mga Tanong:
1. Sa mga salitang nabuo ninyo, ano sa inyong palagay
ang paksang ating tatalakayin ngayon?
2. Ano sa tingin niyo ang ibigsabihin o kahulugan ng
‘Gabay sa Tamang Pagpapasiya’?
“Ang salitang Gabay ay maaaring maging isang tao,
isang mano-manong gawain, isang modelo o isang
listahan.”
D. PAGLINANG
(Pagtalakay sa Aralin)
Ngayong napag-alaman na natin ang paksang ating
tatalakayin sa araw na ito. Bago natin palalimin ang
ating pang-unawa patungkol dito ay gawin muna natin
ang susunod na gawain upang maging maalam tayo sa
kung sino ba dapat at hindi natin dapat na tularan.
Gawain 4: “Dapat o Hindi Dapat?”
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Dapat kung ang
pahayag ay nararapat sa pagkamit ng pangarap at Hindi
Dapat kung hindi.
___________1. Si Faith ay nagtitinda ng kakanin sa
umaga bago siya pumasok sa kanilang paaralan upang
may pambaon araw-araw.
___________2. Tuwing nakakakuha ng mababang marka
si Elezer ay may hinuhusayan niya pa ang kaniyang
pag-aaral sa lahat ng asignatura.
___________3. Ang hindi pagpasa ng modyul ang
nagiging dahilan kung bakit bumaba ang marka ni Glen.
___________4. Sinisikap ni Marie na matapos ang
kaniyang sinasagutang modyul at maipasa sa takdang
oras.
___________5. Determinadong makapagtapos sa kolehiyo
si Agnes kung kayat hinusayan niya ang kaniyang pag-
aaral at upang maging iskolar ng paaralan.
Mga Tanong:
1. Ano ba ang katangiang o personalidad dapat nating
tularan?
2. Ano naman ang katangian o personalidad na hindi
natin dapat tularan?
3. Paano natin sila tutularan?
I. PAGTATAYA NG ARALIN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat
sa papel ang letra ng tamang sagot.
____1. Ang sumusunod ay mga gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa
buhay at matupad ang mga pangarap MALIBAN sa
A. Gamitin ang isip upang pagnilayan ang sitwasyon.
B. Mag-aral ng mabuti at maging bukas sa mga
oportunidad
B. Maghanap ng trabaho sa murang edad.
D. Tamang pamamahala ng oras at panahon.
____2. Alin sa sumusunod ang makatutulong sa iyo
upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang
pangarap?
A. Gamitin sa tama at makabuluhan ang bakanteng
oras.
B. Humingi ng payo sa mga nakakatanda o sa mga
magulang
C. Ituon ang pansin sa pag-aaral at iiwasan ang
mga bisyo.
D. Lahat ng nabanggit
____3.Ngayon ang araw ng pagkuha ng iyong modyul sa
paaralan ngunit ikaw ang naatasang maghugas ng mga
pinagkainan sa inyong tahanan. Ano ang
pinakanararapat na gagawin mo?
A. Gumanyak ng naayon sa panuntunan ng paaralan upang
makakuha ng modyul.
B. Gumising ng maaga upang makapaghugas ng
pinagkainan at maagang makapunta sa paaralan.
C. Hindi muna kukuha ng modyul at unahing hugasan ang
mga pinagkainan.
D. Magmadaling umalis ng bahay at huwag ng hugasan
ang pinagkainan dahil mas mahalaga ang modyul.
____4. Bilang isang mag-aaral sa ika-pitong
baitang, alin sa sumsunod ang pinakamabuting
paraan upang makatulong sa iyong pag-unlad sa
hinaharap?
A. Mag-aral ng mabuti upang makatapos ng pag-
aaral.
B. Maghanap ng trabaho upang magkaroon ng pera
pansugal.
C. Sagutan ang modyul sa pamamagitan ng pagkopya
sa susi sa pagwawasto.
D. Tutulong sa gawaing bahay upang payagan
makalaro kahit bawal lumabas.
____5. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng
pagkakaroon ng tamang pagpapasiya?
A. Hihinto sa pag-aaral dahil sa pandemya.
B. Hindi sinagutan ang mga katanungan sa modyul.
C. Sinubukang gawin ang mga gawain na
makakatulong sa pag-unlad.
D. Uunahin ang paglalaro ng mobile games bago ang
pagsagot sa modyul.

J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG


ARALIN AT REMEDIATION
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A..Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.
C.. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpatuloy
sa remediation
E..Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang makatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F..Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G..Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga
kapuwa ko guro?

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JOLINA B. BENDERO REGINA E. CARANDANG


Student Teacher Critic Teacher I

Naitala ni:

LIWAYWAY K. CAJEGAS
Ulong Guro VI

You might also like