You are on page 1of 6

FILIPINO

KUWARTER 1 – MODYUL 2
MELC: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip

K to 12 BEC CG Code “F5PT-1c-1.14, F5PT-1c-1.15”

1
I. PANIMULANG GAWAIN

A. Pagpapakilala ng Aralin

Ang Pangngalan ay bahagi ng pananalita. Ito ay mga salitang nagsasaad ng ngalan


ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari. Sa Ingles, ito ay ang tinatawag nating noun.

B. Pagtalakay at mga Halimbawa:

TAO

 Si Bernadette ay umuwi ng madaling araw kaya napagalitan siya.


 Umalis nang maaga si Jaime para makarami siya ng benta.
 Ibinili ni Tonyo ng bulaklak si Aling Linda.
 Sina Louie at Dailyn ay pumunta ng parke.
 Ayaw ni Carlos na kumain ng pinya kaya ibinigay niya ito kay Sander.

BAGAY

 Ang gunting ay nawawala kaya hindi pa nasisimulan ang mga gawain.


 Ang mga mesa ay inilipat ng mga mag-aaral sa kabilang kuwarto.
 Ang tubig sa tabo ay natapon ni Miguel.
 Ang plato ay aksidenteng nabitawan ni Damian.
 Ang telepono ay nabagsakan ng malaking kahoy.

POOK

 Sa Akademya ng Sta. Juanina nag-aaral ang magkapatid na Trina at Daisy Jane.


 Sa ospital dumiretso ang mag-ama.
 Sa probinsya ng Sto. Rosario umuuwi ang pamilya Paeng.
 Sa parke pumunta ang magkapatid noong kaarawan ni RJ.
 Sa Mababang Paaralan ng Miguel Jaime nag-elementarya sina Vin at Rexel.

PANGYAYARI

 Ang Araw ng mga Puso ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 14.


 Sa Pasko na raw uuwi mula Amerika si John Lloyd.
 Sinorpresa siya ni Luisa sa kanyang kaarawan..
 Ang Bagong Taon ay malayo pa kaya marami pang puwedeng mangyari.

2
II. PANLINANG NA GAWAIN
Gawain 1
Punan ng angkop na pangngalan ang talata sa ibaba.(10 Puntos)

Ako si________________. Ako ay nakatira sa ______________________. Ang aking ama ay


si ________________.Siya ay nagtatrabaho bilang isang ________________________. Ang aking
Ina ay si _________________. Siya ay nagtatrabaho sa________________________. Ako ay nag
aaral sa ___________________________________.Ang aking guro sa Filipino ay si
______________________.
Ang paborito kong asignatura ay ______________________.
Ako ay may alagang ________at siya ay mahal na mahal ko.

Ang panghalip ay salitang inihahalili sa pangngalan.


Isa sa uri ng panghalip ay ang PANGHALIP NA PANAO. Ang panghalip na panao ay
ipinapalit sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong panauhan:
a. Unang Panauhan- tumutukoy ito sa taong nagsasalita
b. Ikalawang Panauhan- tumutukoy ito sa taong kinakausap
c. Ikatlong Panauhan- tumutukoy ito sa taong pinag-uusapan.

Ang PANGHALIP NA PANAO ay mayroon ding kailanan. Ang kailanan ng panghalip ay


tumutukoy sa dami o bilang ng tinutukoy ng panghalip. Ito ay maaaring:
1. ISAHAN- kapag iisang tao lamang ang tinutukoy ng panghalip.
2. MARAMIHAN- kapag dalawa o higit sa dalawa ang tinutukoy ng panghalip.

Makikita sa ibaba ang talahanayan ng panghalip na panao.


Panauhan ng Kailanan
Panghalip na Panao
Isahan Maramihan
Unang Panauhan ako, ko, akin kami, tayo, namin,
natin, amin, atin
Pangalawang Panauhan ikaw, ka, mo, iyo kayo, ninyo, inyo
Pangatlong Panauhan siya, niya, kanya sila, nila, kanila

Gawain 2

A. Panuto: Tukuyin at bilugan ang Panghalip na Panao na maaaring pamalit sa mga


salitang nasalungguhitan sa bawat pangungusap.

1. “Magandang hapon po. Kristine Garcia po ang pangalan ko. Ako po ang magdadala ng
keyk na ipinagawa ninyo,” sabi ni Kristine.
2. Nakikita mo ba ang babae na kausap ni Tito Cris? Siya ang may-ari ng bakeshop na
pinuntahan natin.
3. “Christian, puntahan mo si Tito Cris. Ikaw ang hinahanap niya para tumanggap ng
keyk,” sabi ni Kelvin kay Christian.
4. “Ako at ang mga kasama ko po ang magtutugtog ngayong gabi. Saan po kami
pupuwesto?” tanong ni CJ kay Hailey.
5. “Sila Carl, Charlene at Carla ang uupo sa entablado. Nakahanda na ang mga upuan nila
roon,” sagot ni Hailey kay CJ.

B. Panuto: Punan ng wastong panghalip na panao ang patlang upang mabuo ang usapan.

Nagtanong si Aling Cely kay Titser Dollie tungkol sa paraan ng pagpapatala ng


kanyang anak na papasok sa ikalimang baitang sa darating na pasukan.
3
Aling Cely: Ano po ba ang gagawin (1)__________ Maam para maipatala ang (2)__________
anak sa nalalapit na pagbubukas ng klase?
Titser Dollie: Simple lamang po ang gagawin (3)_________Aling Cely. Kumuha po (4) ______
ng learners enrolment form o LESF sa paaralan o di kaya ay sa mga gurong
malapit sa inyong lugar at sagutan ang nasabing form. Pagkatapos, ibalik kung
saan (5) _____ kinuha ang form upang maipatala ng guro sa online registration
ang inyong anak.

Gawain 3

A. Panuto: Hanapin at bilugan ang mga pangngalang tinutukoy sa loob ng panaklong.

1. Nais ng bata na mananatili lamang sa bahay. (tao)


2. Maraming alkohol ang pinamili ng tagapangasiwa ng ospital. (bagay)
3. Halos lahat ay nakiisa sa pagdiriwang ng “Araw ng Kalayan”. (pangyayari)
4. May naitalang nagging positibo sa Covid-19 sa bayan ng Banga, South Cotabato. (lugar)
5. Pati ang aming alagang aso ay hindi na lumalabas ng bakuran. (hayop)

B.Panuto: Punan ng wastong panghalip na panao ang bawat patlang upang mabuo ang
pahayag.

6. Si Rena at ako ay naatasang bumili ng face mask. _____________ ay mamimigay ng face


mask sa ospital sa bayan.
7. Donna, tawag ka ng pulis. _____________ raw ang maglalagay ng mga paalaala sa mga
lansangan.

8. Sina Tatay at Nanay ay naglilingkod sa bayan. ______________ ay mga frontliner.


9. Ikaw at Ako ay hindi pwedeng lumabas sa ating mga tahanan. ______________ ay mga
menor de edad pa.
10. Matigas ang ulo ng bata. _______________ ay lumabas sa kanilang bahay

III. PANAPOS NA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga pangngalang tinutukoy sa loob ng panaklong.
1. Nais ng bata na manatili lamang sa bahay. (tao)
2. Maraming alkohol ang pinamili ng tagapangasiwa ng ospital. (bagay)
3. Halos lahat ay nakiisa sa pagdiriwang ng “Araw ng Kalayan”. (pangyayari)
4. May naitalang naging positibo sa Covid-19 sa bayan ng San Quintin, Pangasinan. (lugar)
5. Pati ang aming alagang aso ay hindi na lumalabas ng bakuran. (hayop)

Gawain 2
Panuto: Hanapin at salungguhitan ang angkop na panghalip ang pahayag upang mabuo
ang diwa nito.
6. Manipis (ito, iyan, iyon) face mask na hawak ko.
7. Sa hirap at ginhawa, (tayo, ikaw, siya) ay magkasama.
8. (Saanman, Kailanman, Gaanuman) kalaki ang kinakaharap nating pagsubok,
malalampasan din natin ito.
9. (Sino, Ano, Saan) ba ang nararapat gawin para sa “New Normal” na edukasyon?
10. Iwasan (nila, namin, natin) ang paglabas ng sa ating mga tahanan.

Gawain 3
Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang panghalip na ginamit sa pangungusap.

1. Kanina lamang ay bitbit niya ang payong, bakit kaya nawala iyon?
2. Sino ba ang dapat managot sa paglaganap ng epidemya?
4
3. Anuman ang mangyayari, magtutulungan pa rin ang mag mamamayan tuluyang
masugpo ang pagkalat ng epidemya.
4. Ano ba ang nararapat gawin upang sumunod ang mga tao sa pinaiiral na social
distancing?
5. Dito lamang sa ating bayan ang hindi nagpatupad ng “No Movement Day”.

Performance Task:
Gumupit ng larawan ng bawat halimbawa ng pangngalan. Idikit ito sa malinis na puting papel (bond
paper) at sumulat ng pangungusap sa ibaba nito. Salungguhitan ang ginamit na pangngalan.

Halimbawa: Ang larawan ay Guro na nagtuturo sa mga bata.


Pangngusap: Ang guro ay masipag magturo.

Rubric sa Pagsulat ng Pangungusap


Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan ng
(10) (8) (6) pagsasanay (4)
Napakalalim at maayos Malalim at maayos ang Bahagyang may lalim Mababaw at literal ang
ang pangungusap pangungusap ang kabuuan ng kabuuan ng
pangungusap pangungusap

5
Susi sa Pagwawasto:

Gawain 3-A
II.Ikalawang Bahagi- Gawain 2- B 1. bata
Panlinang na gawain 1. Ko 2. alcohol
2. Aking 3. Araw ng
Gawain 1 ( Answers 3. Ninyo Kalayaan
may vary) 4. Kanya 4. Banga, South
5. mo Cotabato
Gawain 2-A 5. Aso
1. Ako
2. Siya Gawain 3-B.
3. Ikaw 6. kami
4. Kami 7. ikaw
5. Nila 8. sila
9. tayo
10.siya

Performance Task ( Teacher’s Discretion)

Sanggunian:

Lydia P.Lalunio,Ph.D.,francisca G. Ril,Hiyas sa Wika 5.SD Publications,Inc.Araneta


Ave.corner,Ma.ClaraSt.1107 Quezon City,Phillippines.

Yare, M., 2019. [online] Uri ng Pangngalan (Pantangi at Pambalana). Available at:
<https://www.youtube.com/watch?v=QRMBNOYLVXI> [Accessed 11 June 2020].
Patriarca, T., 2020. Mga Uri Ng Panghalip At Halimbawa. [online] TAGALOG LANG. Available at:
<https://www.tagaloglang.com/mga-uri-ng-panghalip-at-halimbawa/> [Accessed 8 May 2020].
Noche, P., 2012. [online] Samutsamot.com. Available at: <https://samutsamot.com/wp-
content/uploads/2012/10/mga-sagot-sa-panghalip-na-panao_2-1.pdf> [Accessed 10 June 2020].
Franial, K.,

You might also like