You are on page 1of 12

1

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 2 :
Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila

AIRs - LM
Filipino 1
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila

Unang Edisyon, 2020


Karapatang sipi © 2020
La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Emelie S. Villalon


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw! Kumusta ka?


Ang modyul na ito ay tungkol sa gamit
ng mga salitang pamalit sa ngalan ng
tao.( Ako, ikaw, siya, tayo,
sila,kayo.(F1WG-IIg-h-3, F1WG-IIg-i-3)
Inaasahan kong magagamit mo ang
mga panghalip na ito nang wasto.
Handa ka na ba? Simulan na natin!

ARALIN
Paggamit ng mga Salitang Pamalit sa

1 Ngalan ng Tao( Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo,


Sila)

Simulan

Panuto : Bilugan ang pamalit sa pangngalang ginamit sa


pangungusap.

1. Ikaw ba ay may kapatid?

2. Ako ay may dalawang kapatd.


3. Siya ba ang kapatid mong matulungin?

4. Tayo ay dapat mag-aral nang mabuti.

5. Kailan sila pupunta sa paaralan?

Nasagutan mo ba nang maayos?


Upang mas maintindihan mo pa ang
ating aralin, iyong basahin at unawain
ang nasa Lakbayin.

Lakbayin

May mga salitang pumapalit sa pangalan ng tao.


Ginagamit ang mga ito upang hindi paulit-ulit na
babanggitin ang pangalan. Tinatawag itong panghalip.

Mga Panghalip na Panao ( Isahan)


Ako-bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita
Ikaw- bilang pamalit sa pangalan ng taong kinakausap.
Siya- bilang pamalit sa pangalan ng taong pinag-
uusapan.

Mga Panghalip na Panao ( Maramihan)


Tayo - ginagamit na pamalit sa taong nagsasalita na
maramihan.
Kayo- ginagamit na pamalit sa taong kinakausap na
maramihan.
Sila- ginagamit na pamalit sa taong pinag-uusapan na
maramihan.
Naunawaan mo ba? May
katanungan ka ba?
May mga inihanda akong mga
gawain para sa iyo. Alam kong
makakaya mo ito. Huwag kalilimutang
basahin ang mga panuto. Gawin mo
na!

Galugarin

Gawain 1
Panuto : Palitan ng tamang panghalip ang salitang may
salungguhit sa pangungusap.

1. Si Felisa ay mabait na bata. ______ay hinahangaan


ko.
2. Si Ruben ay mapagmahal. ________ ang nag-
aalaga sa kanyang lolo at lola.
3. Dito ka ta tabi ko Elisa. ______ang gusto kong
katabi.
4. Dino ang pangalan niya. ______ ang nakapulot ng
pitaka mo.
5. Si Lola Nelia ay bago kong kaibigan. ________ay
mabait sa mga bata.
Gawain 2
Panuto : Piliin ang tamang panghalip na angkop sa
sumusunod na pangungusap.

1. Si Anne at Bea ay magkapatid.


______( Sila, Siya) ay nagmamahalan.

2. Ako, ikaw at si Dina ang magkakagrupo.


_____( Sila, Tayo) ang naatasang maglilinis ng hardin.

3. Ikaw at si Judy ay laging magkasama.


____(Tayo, Kayo) ay matalik na magkaibigan.

4. Sina Aida, Fe, at ako ay magkakasamang


nagususulat. _____( Tayo, Kami ) ay magkakamag-
aral.

5. Sina Connie at Ofel ay nagpunta sa plasa. ______


( Sila, Sina) ay manonood ng pagtatanghal.

Gawain 3
Panuto : Punan ng ako, ikaw, sila, tayo, kayo o sila ang
patlang ayon sa ipinapakita ng larawan.

1. ________ ba si Minda na kapitbahay


mo?
2. ________ si Darel na pinsan mo.

3. ________ si Jonathan, ang bago


nating kaklase.

4. ________ nang magdilig ng mga


halaman sa hardin.

5. ________ ni Arman ang aawit.


________Marlon ang sasayaw.

Ang galing mo naman


Oops! Mayroon pa akong inihandang
mga gawain upang lalo kang matuto.
Alam kong handa ka na.
Palalimin
Gawain 1

Panuto : Bumuo ng pangungusap gamit ang ako, ikaw at

siya.

1. ___________________________________
___________________________________

2. ___________________________________
___________________________________

3. ___________________________________

4. ___________________________________

5. ___________________________________
Gawain 2
Panuto : Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip
na Ako, Ikaw, Siya, , Tayo,Kayo, Sila.
1. Ako-____________________________________________
2. Ikaw____________________________________________
3. Siya-____________________________________________
4. Tayo-___________________________________________
5. Kayo-___________________________________________
6. Sila-_____________________________________________

Magaling!
Natutuwa ako sa iyong ipakita.
May inihanda akong munting pagsusulit.
Alam kong kayang-kaya mo itong
sagutan.
Sukatin
Panuto : Bilugan ang pamalit sa pangngalang ginamit sa
pangungusap.
1. Siya ang tumulong sa akin sa aking takdang-aralin.
2. Siya ba ang kapatid mong matulungin?
3. Ikaw ba ay may kapatid?
4. Hindi ako magsasawang mahalin ka.
5. Bata pa lang ay masipag na ako. Ako ay masipag
na bata.
6. “Kung kayo naman ay makakita ng multo, yayain
siyang maglaro ng habulan, “paalala ni lolo sa aking
mga kaibigan.
7. Tayo nang magdilig ng mga halaman sa hardin.
8. Mamamasyal tayo sa parke ngayon.
9. Kayo ay mga batang magagalang.
10. Sila ay pupunta sa paaralan.
Simulan Galugarin Palalimin Sukatin
1. ikaw Gawain 1 Gawain 1at 1. siya
2. Ako 1. siya Gawain 2. siya
3. Siya 2. siya Depende sa 3. ikaw
4. Tayo 3. ikaw sagot ng bata.
4. ako
5. sila 4. ako
5. siya 5. ako
Gawain 2 6. kayo
1. sila 7. tayo
2. tayo 8. tayo
3. kayo 9. kayo
4. tayo 10. sila
5. sila
Gawain 3
1. ikaw
2. ako
3. siya
4. tayo
5. ikaw,ikaw
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat

• Salamisim Wika at Pagbasa 1 pahina 115-122


• Pinagyamang Pluma 1 pp.258-262
• Pinagyamang Pluma 1 pp.188-189
• Bumasa at Sumulat I pp. 103-105
• Filipino I Tatas sa Wika at Pagbasa 1 pp. 247-260
• Wow Filipino 1 pp.153-158

You might also like