You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin
a. nakakakilala sa mga panghalip na pamatlig sa pangungusap
b. nagagamit ang mgapanghalip na pamatlig sa pangungusap
c. aka

II. Paksang Aralin


A. Kasanayan: “Paggamit ng mga Panghalip na Pamatlig sa Pangungusap”
B. Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, K to 12 Teachers Guide Page
92-95
Mga kagamitan: worksheets, PowerPoint presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panimulang Pagsasanay
Kilalanin ang panghalip na panao sa
patlang na naaayon pangungusap. Isula ang
letra ng tamang sagot.

1. Alam na nila ang sikreto natin. 1. Nila/natin


2. Makinig ka nang mabuti sa guro 2. Ka/mo
mo.
3. Ano ang sinabi niya tungkol sa 3. Niya/natin
proyekto natin?
4. Sila ba ang tuturuan namin ng 4. Sila/ naming
sayaw?
5. Basahin mo ang aklat na ibinigay 5. Mo/ko
ko.

2. Balik-Aral
Anu-ano ang mga panghalip na panao? Ang panghalip na panao (mula sa
Magbigay kayo ng isang pangungusap salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig
na "para sa tao" o "pangtao") ay
na gamit ang panghalip na panao. nakikilala sa Ingles bilang personal
pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan
ng tao.

3. Pagganyak
Nagpapakita ang guro ng mga video na (Nagpapakita ng video)
may kinalaman sa panghalip na panao.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ang Panghalip na pamatlig ay
ginagamit sa paghalili sa pagtuturo ng
tao, hayop, pook, gawain at pangyayari.
May tatlong panauhan ang panghalip
pamatlig. Isinasaad ng tatlong panauhan
ang layo o distansiya ng pangngalang
kinakatawan sa taong nagsasalita at (Nakikinig ang mga bata)
nakikinig batay sa limang uri nito
Gagamitin ang bawat uri ng pamatlig sa
pangungusap.
Ang guro ang unang magbibigay ng
mga halimbawa na may kasamang
larawan. Pagkatapos, bibigyan ng
pagkakataon ang mga bata na magbigay
ng kanilang ginawang pangungusap.

Ito ay aking lapis.


Ito ay kulay dilaw.

(Malapit sa nagsasalita)
(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay nga pangungusap)

(Malapit sa nagsasalita)
(Nagbibigay ng pangungusap)

(Nagbibigay nga pangungusap)

(Malapit sa nag uusap)


(Nagbibigay ng pangungusap)

Note: Integrate lesson to Science (living and


non-living things)
Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? May lapis, mga pusa at kabayo
Tama, alam niyo ba kung alin sa mga lawaran
ang nabibilang sa may buhay at ano naman ang
walang buhay?
Value Integration:
Paano natin mapapangalagaan ang mga
hayop? (Ibat-ibang sagot)
Magaling, dapat alagaang mabuti ang mga
hayop dahil ito ay nakakatulog sa ating
pamumuhay at minsan sila din ay isa sa mga
nagpapasaya sa atin.

2. Gawin Natin

Pangkatin ang mga bata sa 5 grupo.


Atasan ang bawat pangkat na gamitin sa
makahulugang pangungusap ang
naturang uri ng panghalip pamatlig sa
iba’t ibang sitwasyon na ibibigay.
Isulat ang mga ito sa mga makukulay na
papel na ibibigay ng guro.

(Gumawa ang mga bata)

3. Gawin Ninyo

Gawin ang gawain sa ibaba ng pares


pares.
Isulat sa talahanayan ang pangngalang
kinakatawan at panghalip na pamatlig sa
sumusunod na mga pangungusap.

1. Maganda at napapanahon ang binasa


mong tula. Sino ang sumulat niyan?
2. Nagbakasyon ang mag-anak sa Baguio.
Doon din nagtungo ang kapatid ko.
3. Nagustuhan ko ang ulam. Ito ba ang bago
mong recipe?
4. Gusto mo raw ng tinapay. Hayan sa mesa.
Kumuha ka.
5. Sa mesang may bilang 8 ko ipinatong
ang aking gamit. Bakit wala na roon nang
ako’y bumalik?
6. Kailangan ng nanay ang pera. Heto, dalhin
mo agad sa kanya.
7. Natatanaw mo ba ang kotseng
nakaparada sa kanto? Iyon ang binili ni
Mang Romy para sa kanyang anak.
8. Nag-aaral ka pala ng beisbol. Ganito ang
paghawak ng bat.
9. May napulot akong wallet kahapon. Ito ba
ang nawala sa iyo?
10. Ganyan ang hinihingi ko kay Daddy.
Magkakapareho tayo ng bisikleta.
Pangngalang Panghalip na
Kinakatawanan Pamatlig
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5. (Sinagutan ng mga bata ang talaan)
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

4. Gawin Mo

Kahunan ang panghalip na pamatlig at


lagyan ng X ang pangngalang
kinakatawan nito.
1. Nagtungo sa palayan si Lolo Tasyo. (Sumagot ang mga bata sa mga
Doon siya magpapalipas maghapon. tanong)
2. Ganito ang wastong paghawak ng bat
para mapalo mo nang malakas ang bola.
3. Matamis ang santol na kinakain ko.
Unang bunga ito ng tanim ni Itay.
4. Aba, hayun si Rudy at papaalis na yata.
5. Heto ang baon mo. Uuwi ka nang maaga,
ha?
5. Paglalapat
Anu-ano ang mga panghalip na Ang Panghalip na pamatlig ay
pamatlig? Paano ito gagamitn sa ginagamit sa paghalili sa pagtuturo
pangungusap? ng tao, hayop, pook, gawain at
pangyayari.

6. Paglalapat
Pangkatin ang mag-aaral sa apat. At
ibigay sa bawat pangkat ang kanilang
gawain

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na


pamatlig na bubuo sa pangungusap. (Kumilos na ang bawat pangkat sa
Pumili sa tatlong panghalip sa loob ng kanilang gawain)
panaklong.

Pangkat 1.

1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan


mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?
2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko.
Kailangan palitan ko na ang mga (ito,
iyan, iyon).
3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay
natin. Mukhang matapang (ito, iyan,
iyon).
4. Halika (rito, riyan, roon). May
sasabihin akong sikreto sa iyo.
5. Huwag kang dumaan (dito, diyan,
doon) dahil basa ang sahig na iyan.

Pangkat 2.

1. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan,


Doon) ka umupo.
2. (Dito, Diyan, Doon) sa malayo
nakaparada ang kotse.
3. May nakita akong kalapati sa bubong.
Nasaan kaya ang bahay (nito, niyan,
niyon)?
4. Sino ang may-ari (nitong, niyang,
niyong) basketbol na hawak mo?
5. Ito ang bisikleta ni Joseph. May butas
raw ang gulong (nito, niyan, niyon).

Pangkat 3

1. Ipinagbawal ni Itay ay maglangoy na


walang kasama kaya huwag kang
pumunta (rito,
riyan, roon) sa dagat na hindi kasama
ang kuya mo.
2. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa
tabi ko ang malambot na unan.
3. Nakita mo ba sa labas si Jeremy?
Papasukin mo na (ito, iyan, iyon) dahil
malapit na
tayong maghapunan.
4. Maganda ang relos na suot mo. Saan
mo nabili (ito, iyan, iyon)?
5. Kailangan kong makausap si Diane.
Hanapin mo siya at sabihin mo na
pumunta siya
kaagad (dito, diyan, doon).

Pangkat 4

1. Sandali na lang ako. Tatapusin ko


lang (itong, iyang, iyong) ginagawa ko.
2. Kanina ka pa diyan sa kotse. Ano ba
ang sira ng makina (nito, niyan, niyon)?
3. Nakita mo ba ang kapares (nitong,
niyang, niyong) medyas na hawak ko?
4-5. Tumawag sa bahay si Nico at
sumagot si Ate Laura. \Hello, Ate
Laura. Si Nico po ito. Dumaan po ba
(rito, riyan, roon) si Allan? Sabi niya po
may iiwan siya para sa akin (dito,
diyan, doon)."
IV. Pagtataya
A. Pumili ng limang panghalip pamatlig sa ibaba at gamitin ito sa pangungusap ayon
sa sitwasyong ibinigay sa bawat bilang
ganito, hayan, nito, ito, iyon, iyan, diyan, ganoon, dito

1. (naghuhugas ng pinggan) _________________________________


2. (kumakain ng biskwit) _________________________________
3. (nagtatahi ng tela) _________________________________
4. (nagtuturo sa klase) _________________________________
5. (may hinahanap na bagay) _________________________________
B. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na ito, nito, dito o rito na
maaaring gamitin panghalili sa pariralang may salungguhit.
1. Sa ibabaw ng mesa ko iniwan ang diksiyonaryo.
2. Binisita nila ako sa ospital.
3. Ginagamit ko ang kompyuter ni Rica.
4. Saan mo inilagay ang sintas ng sapatos ko?
5. Bawal po manigarilyo sa loob ng sinehan.

V. Takdang Aralin

Lumikha ng isang talata na gumagamit ng iba’t ibang uri ng panghalip pamatlig.


Pumili lamang ng paksa sa ibaba.

Masayang Pagdiriwang sa Paaralan


Pagdating ng Isang Malakas na Ulan
Magagandang Pangyayari sa Bakasyon

You might also like