SCHOOL Balik Barangay Manibaug Pasig ES GRADE Four
LEVEL
TEACHER Marie Chaine B. Arocha QUARTER First
GRADE 1 to 12 FILIPINO IV-Dahlia DAILY LESSON SUBJECT 3:20-4:10 pm DATE July 24,2019 PLAN WEEK Week 9 DAY Miyerkules I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin. B. Pamantayan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong) Isulat ang code ng bawat kasanayan F4WG-Ifg-j-3 Kaalaman: Natutukoy ang mga panghalip pananong sa ginamit na pangungusap. Saykomotor: Nakakabuo ng sariling mga halimbawa gamit ang panghalip pananong. Apektiv: Napahahalagahan ang gamit ng panghalip pananong sa bawat pangungusap.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Mga Panghalip Pananong A. Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG p. 84-86 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Yaman ng Lahi p. 37-42 Mag-aaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk Yaman ng Lahi p. 37-42 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Pptx, mga larawan, laptop III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/ Pagbalik-aralan ang mga panghalip na panao?
pagsisimula ng bagong aralin Itanong:Ano ang panghalip na panao? Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ipabasa ang usapan na nasa powerpoint:
Andrea:Sino ang nakatira sa Bundok arayat? Gina: Si Mariang Sinukuan. Tama ba ako? Andrea: Tama ka! Ano-ano naman ang kanyang inaalagaan sa bundok? Gina: Alam ko ang sagot diyan. Mga hayop at halaman, di ba? Andrea: Naku! Talagang naunawaan mo ang binasa mo. O het na ang huli kong katan ungan. Saan ginawa ni Minggan ang palaisdaan para kay Maria? Gina:Madali iyan! Sa Pantabangan, di ba? Andrea:Napakagaling mo talaga Gina! C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ipasuri ang mga salitang ginamit sa pagtatanong. Ang mga aralin salitang Sino, ano, at saan ay mga panghalip na pananong. Ginagamit ito sa pagtatanong at ang inaasahang sagot ay isang pangngalan o isang panghalip.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain:
pagalalahad ng bagong kasanayan #1 Pangkat 1-Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap kung ang mga may salungguhit na salitang nagtatanong ay ginamit bilang panghalip na pananong. Lagyang ng ekis kung hindi.
___1. Sino ang dapat magtanggol sa mga inaapi?
__2.Bakit hindi tayo dapat mang-api ng ating kapwa? __3.Saan ba tayo nakikita ng mga batang inaapi at inaabuso?
Pangkat 2-Lagyan ng nararapat na panghalip pananong
ang mga patlang upang mabuo ang usapan.
Kaye:Maari bang magtanong? ___ ko ba makikita ang
munisipyo? Tina: Dumiretso ka lang. Nasa dulo ng kalyeng ito. __ ba ang taong hahanapin mo roon? Kaye: Si Gng. Arlyn ang hnanap ko. ___ oras kaya ang labasan nila? Tina: Nanay ko si Gng. Arlyn. Kaye: Naku! Salamat naman. Ikaw na lang ang mag-abot sa kanya nitong order niya. Tina: ____ ba ang laman ng supot na iyan? Kaye: Daing na bangus. Espesyal ito. Salamat ha.
Pangkat 3- Isulat nang patanong ang bawat pangungusap:
1.Naghulog sa kani-kanilang alkansiya sina Lisa, Rina at Gwen. 2.Ang ama ay bumili ng dalawang kilong bigas nang magkapera. 3.Iniabot ni Mang Benny sa asawa ang kanyang sweldo.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Ang panghalip na pananong ay pamalit sa pangngalan sa
ng bagong kasanayan #2 paraang patanong. Ito’y maaring isahan o maramihan.
F. Paglinang sa Kabihasnan Indibidwal na Gawain:
(Tungo sa Formative Assessment) Salungguhitan ang wastong panghalip na pananong para sa pangungusap; 1.(Magkano,Gaano) ang limang kilong manok na binili mo? 2.(An0-ano, ano) ang mga balitang narining mo sa radio? 3.Inihulog (Nino,kanino) ang sulat mo para sa iyong nanay? 4.(Sino,Ano) sa mga kaibigan mo ang pinakamalapit sa iyo? 5.(Alin, Alin-alin) ang tatlong gusto mo? G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Bakit dapat maunawaan at alamin ang mga panghalip na araw na buhay pananong? H. Paglalahat ng Aralin Ang panghalip na pananong ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito’y maaring isahan o maramihan.
I. Pagtataya ng Aralin I.Punan ng angkop na panghalip-pananong ang
pangungusap. 1.______ ang isang kilo ng mangga? 2. ______ tayo mamamasyal? 3._____ ba ang mga itininda namin. 4. _____ ang pitakang iyan? 5. ______ ang Mahal na Araw? II. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Bumuo ng pangungusap n patanong mula sa pangungusap. Gamitin ang mga panghalip na pananong. 1. Nanood kami nina Rita ng parada. 2. Ang pangalan niya ay Leynie. 3. Nakatira siya sa Butuan City. 4. Apat silang magkakapatid. 5. Mamasyal sila sa plasa.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang- Takdang Aralin:
aralin at remediation Bumuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na panghalip pananong. 1. llan-ilan___________________ 2. Sino-sino__________________ 3. Magka-magkano____________ 4. Alin-alin_____________________ 5. Saan-saan____________________