You are on page 1of 3

2022

Ni Rose Ann Fetil Llanza


Nag simula ang taong 2022 ng masaya at
kakaiba dahil umuwi ang aking ama
galing sa lugar na malayo. Mahigit halos
apat na taon rin kaming hindi nagkasama.
Talagang ipinag diriwang namin ang
taong 2022. Ang larawang ito ay kinuha
nung kaarawan ng aming Lolo. Isa ito sa
pinaka hindi ko malilimutang larawan
dahil ito ang pinaka unang litrato na
nakuha na kami ay kompletong pamilya
simula ng umalis ang aming papa. Kaya
naman talagang hindi namin ito
makakalimutan. Makikita naman sa
aming mga itsura na kami ay nagagalak
na magkasasama muli.

Nakapag gala rin kami nang lumuwas na


ang aming ama. Dahilan narin ng
kagustuhan na aliwin ang sarili, bumisita
kami sa iba,t ibang klaseng lugar na malapit
lang sa amin. Masaya kaming nakapag gala
rin kahit sa maikli lang na panahon dahil
matagal na rin simula nung magkaroon ng
gantong pagtitipon dahilan narin sa pag
tatrabaho at pag-aaral. Hindi lang pag
punta sa iba’t ibang lugar ang aming
nagawa dahil kumain rin kami ng marami.
Napaka sayang makitang kumakain ang
isang buong pamilya na kumakain lalo na’t
alam mo na kayo’y sama sama. May kung
anong mahika ang nailalagay nito sa
pagkain para ito’y maging kakaiba.

Hindi lang masasayang ala-ala ang meron


nung nagdaang 2022. Dumating ang
pinaka kinakatakutan ng lahat, ang
mawalan ng mahal sa buhay. Halos
nabigla kami sa pangyayare dahil ni isa
saamin ay walang kaide-ideya na sya ang
mawawala sa aming pamilya. Ang aking
pinsan na si Erwin Jairus Uvero, ay
pumanaw nuong Mayo 14, 2022 sa
kadahilanang naaksidente ito. Grabeng
hinanakit ng pamilya namin sa nangyare.
Maraming nasaktan at nagdalamhati sa
nangyare. Nilibing sya nuong Mayo 22,
2022. Eto ang aming huling pagkikita.
Hindi namin akalain na ganto ang
kahahantungan ng 2022 pero alam namin
na masaya na ang aming pinsan sa langit.
Nagkaroon ng pambansang election ang
Pilipinas nuong 2022. Maaaring hindi pa
ako nasa tamang edad para bumoto ngunit
isa ako sa sumuporta kay Leni Robredo
nung nakaraang election. Napakasayang
karanasan nung pumunta kami ng
Magsaysay Road, Naga, Philippines para
lamang puntahan ang huli niyang
pangangampanya. Kasama ko rito ang
aking kapatid at aking mga pinsan.
Napakaraming tao ang dumalo para
lamang matunghayan at suportahan ang
kanilang nais na maging Presidente. Sa huli
man ay hindi siya nanalo, ngunit sa aming
puso’t isip ay wala paring tatalo sa kanya at
walang makakapag bago ng aming isipan
na sya parin ang aming iniidolo.

Hindi lamang pamilya ang mga


importanteng tao sa buhay ko. Malaking parte sa buhay ko ang magkaroon ng masayang
buo na mga kaibigan. Sila ang nagbibigay at nagtuturo sakin na wag sumuko sa buhay.
Dumaan ako sa maraming problema ngunit dahil sa kanila ay natulungan nila akong
bumangon at tinuruan nila akong maging matatag. Harapin ang mga hamon sa buhay.
Kaya naman talagang sobra sobra ang pasasalamat ko sa aking mga kaibigan. Lalo na
ngayong 2022, maaasahan mo sila sa mga bagay na kahit ano. Isang tawag mo palang,
ay andiyan na sila. Nakakatuwa mang isipin ngunit sa tuwing naiisip ko ang mga
napagdaanan namin nuong 2022 ay natatawa na lamang ako dahil ang taon nayon ay
napakasayang memorya naming magkakaibigan.
Kung nagkaroon man ako ng libangan o
pang patanggal ng init sa ulo, nandiyan
ang aking pamangkin at ang aking aso. Sila
naman ang aking pahinga sa tuwing ako
ay pagod. Napaka sayang makita na sa
tuwing nagkakaroon kami ng panahon ay
nakakapag laro kami at nabibigyan ko sila
ng oras. Mahilig ako sa bata kaya naman
talagang gustong gusto ko alagaan ang
aking pamangkin. Nag-ilang buwan sila sa
aming tirahan nung 2022. Halos dito na
ang bata lumaki. Ang aso naman ay nag
ngangalang boboy. Isa itong babae ngunit
boboy ang pangalan dahil nung araw na
nawalan kami ng pinsan ay dumating ang aso. Isa ito sa rason kaya mahal na mahal ko
ang aso na iyon.
Hindi man lahat ng karanasan ko sa 2022 ay masaya ngunit nabigyan naman kami ng
aral at leksyon tungkol sa iba’t ibang uri ng bagay na madadala namin sa aming pag
tanda. Ipagpatuloy natin ito sa susunod na kabanata. Ciao!!!!!!!!

You might also like