You are on page 1of 2

TAHANAN

Malapit narin kaming mag limang


tao sa bahay na to. Taong 2018
lumipat kami rito. Hindi ako dito
ipinanganak pero ito ang unang
bahay na pagmamay-ari namin. Sa
dalawang taon ng pandemya, ito ang
bahay na nakakita kung paano ako
lumaki, mag bago, at tumanda. Sa
tahanang ito naranasan ko kung ano
sa pakiramdam na umuwi na may
sumasalubong na ina. Dahil sa
pandemya hindi kaagad naka balik
sa ibang bansa ang aking ina kaya’t
sa 4 na buwan nakasama ko siya.

Sa bahay na ito ko nakilala ang sarili


ko. Dito ko na saksihan paano
tumawa, mag luto, magalit, at
umiyak ang mama ko. Mula 5 taong
gulang ako, hanggang 3-4 na lingo
lang siya naming kasama at babalik
na siya kaagad sa ibang bansa.

Ang bahay na to ang nag silbing


tahanan ko na nagturo at naghulma
sa akin kung sino ako ngayon.

Hindi ganon kalakihan ang bahay


naming pero matatawag ni talaga ito
na isang tahanan.

Ang bahay na ito ay salamin ng aming


pagmamahalan. Tumitindig nang
matatag at nagbibigay-buhay sa bawat
araw na dumaan. Sa mesa na aming
kinakainan, naglalakbay ang mga
kuwentuhan, kasabay ng tawanan at
kumustahan. Sa bahay na to, sa bawat
sandal, mayroong mga pagsisimula't
mga wakas. Ang bawat sulok ay may
alaala't pangarap, kung saan ang puso
ko'y tunay na nakakaunawa.
PICTORIAL
NA
SANAYSAY
SA
FILIPINO
LARANG
IPINASA NI: JOSUA MICLAT
IPINASA KAY: SIR JEFFREY DUNTON

You might also like