You are on page 1of 2

PICTORIAL ESSAY

Tahanan

Nanumbalik ako sa lumang bahay na nagturo sa akin ng simpleng


pamumuhay. Apat na taon na rin ang lumipas noong ito’y iniwan
namin upang lumipat sa mas malaking tirahan, mas komportableng
bahay ika pa nila. Wala namang
malaking pagbabago sa istraktura
nito, bagkus napangalagaan ito ng
mga taong tumira dito. Labas pa lamang ay mawawari mo nang
hindi may-kaya ang nakatira sa lugar na ito. Nilulumot na ang pader
at kinakalawang na ang pinto. Kung mamasdang mabuti, maaaring
masabi mo na nasa simpleng pamumuhay o di kaya ay isang
mahirap ang namamalagi sa bahay na ito. .

Ito ang tahanan na nagluwal sa akin. Literal, sapagkat dito ako pinanganak. Ito ang unang nakarinig ng
paghikbi ko, at nang iba pang pag-iyak ko. Ang di ganun kalaking salas ay siyang naging palaruan ko,
ang nagbigay ng peklat sa ilang bahagi ng katawan ko dahil sa
kalikutan ko. Ramdam na ramdam rito ang taginit at tagulan.
Sentralisado ang pasok ng hangin at hindi kulong sa artipisyal na
lamig ng aircon. Ikinagalak ng loob ko
noong madatnan ko itong malinis at
maayos.

Payak na payak na ito. Kaunting gamit na lamang ang ngayo’y naririto


kumpara sa masikip at punong puno ng gamit na silid noon. Palibhasa’y
mula sa medyo malaking pamilya, ngayon ay mag-asawa na lamang ang
nakatira rito. Naroroon pa rin ang aming lumang kalendaryo at ang poster na ginamit ko noong
kinakabisado ko ang mga planeta sa kalawakan. Puro pekas na ang mga pader, kahit umaga pa lamang
ay mukha nang madilim ang silid.

Ito iyon noon. Halos wala ka nang madaanan dahil lahat ay


naookupahan ng kagamitan. Telebisyon, mga naglalakihang cabinet,
aparador, lamesa at mga upuan. Dito kami lumaking magkakapatid.
Dito kami napalo dahil sa aming kalikutan. Dito kami nagaway away
at dito rin kami umuuwi at nakukumpleto bilang isang buong pamilya
pagsapit ng hapon. Buhay na buhay
ang silid na ngayo’y tila nagmumukhang napaglipasan na ng
panahon.

Sa paglabas ko ay nagpasalamat ako sa munti naming tahanan dati.


Sa tahanan nang aking pagkabata. Sa tahanan na nakakita ng aking
paglaki. Sa pagbigat ng hamon na dala ng buhay, ang pagbalik na lanag sana sa tahanang ito ang
tumatakbo sa aking isipan. Gusto kong maramdaman ang gaan at payapang pagiisip na mayroon ako
kapag ako’y naroroon. Kaya’t tunay ngang nagpasalamat ako dahil pinamahal niya sakin ang
pamumuhay ng simple lamang. Pinaunawa nya ang kahalagahan ng saya, ng tawa, lungkot, at inis
basta magkakasama ang buong pamilya na hinding hindi matutumbasan ng materyal na bagay. Hindi
nito pinaangat sa ulo ko ang yaman o ang salaping dumadating sa aming pamilya, tinuruan ako nitong
makuntento lamang sa kung anong mayroon ako. Pinakita na hindi parati ay kailangan natin ng labis
sa kailangan natin kahit mayroon naman tayong pambili. At kahit hindi naging maganda ang mga
huling araw ko sa tahanang ito – ito at ito pa rin ang pipiliin ko higit sa malaking bahay at condo na
ngayo’y tinitirahan ko.

You might also like