You are on page 1of 2

Magandang araw!

samahan niyo akong libutin ang bawat sulok


at gilid ng aming munting tahanan!

Kaunting babala , ang kalat


na inyong makikita ay hindi sumasalamin sa mga naninirahan
bagamat ang establishimentong ito ay gigibain na sa pagpasok
ng bagong taon para sa itatayong proyekto ng pamahalaan
at kung bakit nakalagay kung saan - saan ang ibang gamit
ay nagsisimula na kami mag lipat ng gamit paunti unti.

Puntahan na natin ang garahe kung saan makikita ang sari -


saring mga halaman. mayroong mahahaba, maiikli, malalaki,
maliliit. Katulad ng cactus, nakikita ko ang sarili ko sa halaman
na ito dahil ito ay hindi alagain, at maliit man sainyong paningin
ay matinik pa rin. Dito rin kami naglalaba at nagsasampay ng
damit tuwing walang araw.

Dumako namna tayo sa kusina, oo tama ang inyong pag


kakarinig, nakakapag taka dahil ang kadalasang gawi ay nauuna
salas, ngunit sa amin ay kusina ang una bago makarating sa
salas, dahil; dati itong karugtong ng garahe at noong lumipat na
ang dating may ari ay pinaayos na lamang at ginawang kusina.
Makikita rin ang aming bike at ang mga sapatos na aming
ginagamit sa pag alis.

Pumasok naman tayo sa salas o sala kung ano man trip niyo
tawagin. Pag pasok ay makikita agad ang aming computershop
kung saan kami pumapsok ng eskwela, nandito rin ang aming
telebisyon at speaker na ginagamit tuwing nais umawit. sa taas
rin makikita ang lumang aranya na nagagamit padin namin.

sa dulong parte naman ng sala ay makikita ang imbak imbak na mga


kagamitan dito ang dating kusina ngayon ay pinaglalagyan
na lamang ng ibat ibang gamit. makikita rin ang alaga naming butiki
pati ang iba't ibang mga laruan, Ang aking paboritong laruan ay ang
mga dumbbells sa kadahilanang pareho kaming pabigat sa bahay
, biro lamang, mahilig ako mag ensayo lalo na't ngayong pandemya.

ngayon puntahan natin ang banyo, noong unang panahon ay


balak namin palitan lahat ng tiles at gawin itong puti para
mas mag muhkang malinis ang banyo, subalit ang bahay ay
gigibain na nga kaya't hindi na namin itinuloy. HIlig ko ang mag
linis kaya ako'y napaibig sa zonrox, pareho namin nais linisin
ang dumi mapa kalat o mga basurang kaibigan habang
pinapanatiling lason parin ang sarili.

Pumasok naman tayo sa chapel. Biro lamang uli! ito ang aming
silid tulugan, maliit ngunit kompotable kaming nakatutulog gabi
gabi, Ako'y natutulog sa taas at sa baba naman ang iba pang
myembro ng pamilya. ang pamilyang magkasamang natutulog,
sama samang dadalawin ng multo.

sa kabilang kwarto naman ay imbakan ng iba't ibang damit at mga


pangangailangan sa kalusugan. Dito rin nakalagay ang ibang
gamit sa ngayon upang hindi na mahirap ilabas pag kami'y
maghahakot na. Ang paborito kong kunin dito ay ang aking gitara
dahil mahilig ako sa musika at naniniwala akong makapangyarihan ito.
yun lamang salamat.

You might also like