You are on page 1of 1

Michelle Ann C.

Clanes BSSW 3-2


Activity 3 October 13, 2021-10:30 PM

Maikling Kwento
Panibagong araw na naman at ako ay bumangon na sa aking higaan. Pinagmasdan ko ang aking
paligid napakaganda ng paligid, unang bumungad sa akin ang napakaganda at maliwalas na paligid. Ako
ay huminto saglit para langhapin ang preskong hangin na nanggaling sa tapat ng aking bintana kung
saan nakasabit ang mga magagandang OKIR na nanggaling pa sa aking lola bilang regalo sa akin.
Tumanaw ako sa labas ng bintana at nakita ang kulay putting bauhangin sa paligid at asul na dagat.
Talagang nakakahangang tingnan ang tagpong ito dahil na rin sa BALANGAW na mas nakapagbibigay
pa ng kulay sa kalangitan. Sya nganag napakagandang mabuhay kung ganito kaganda ang mundo.
Bigla naman ako napatigil ng malanghap ko ang isang pamilyar na amoy na pagkain. Dali-dali
akong bumaba upang salubungin ang napakasarap na GINAMOS na gawa ng aking ina. Kwento pa nya
na marami daw huling maliliit na isda si ama nung mga nakaraan kung kaya’t ito ang uulamin naming
ngayong umaga. Masaya kaming nag salo-salo sa hapagkainan habang nagke kwentuhan sa isa’t-isa.
Pagtapos kumain ay nagkusa na akong magligpit ng hapag kainan upang mahugasan ang mga ginamit sa
pagkain at ilagay ang mga ito sa BANGGERA.
Lumipas ang ilang oras at magha-hapon na, tumingala ako sa kalangitan upang tanawin ang
paglubog ng araw. Kaygandang pagmasdan ng kulay kahel at rosas sa langit. Sa lawak ng kalangitan,
kasabay nito ang aking mga pangarap, kung kaya’t napangiti na lamang ako sa inabot ng aking
imahinasyon.
Nakita kong maraming inanod na kabibi sa dalampasigan kaya naisipan ko mag FANTAD dahil
alam kong magugustuhan ito ni ina dahil mahilig syang gumawa ng disenyo gamit ang amga kabibe.
Pagtapos nito ay masaya akong umuwi para ibigay ang mga nangolekta kong kabibe kay ina. Nakita
kong hinihintay nya na ako at lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi dahil nakita nyang marami
akong nakolektang magagandang uri ng kabibe. Oras na ng hapunan kung kaya’t nagsalo salo kaming
pamilya at pinagusapan ang mga nangyari sa aming araw. Pagtapos kumain ay bumalik na ako sa aking
kwarto upang magpahinga.
Ngayon ko napagtatnto ang mga kaganapan sa aking araw, isa itong SALAMISIM, hanggang
ngayon ay hinahangad ko paring makasama ang aking tunay na Ina at Ama kahit na sa HARAYA lang.
Napakasakit sa damdamin na tanggapin na sila ay wala na sa aking tabi ngunit alam kong lahat ng ito ay
may dahilan at mas panatag na ako dahil alam kong nasa LAMIKMIK na sila ng langit. Naniniwala ako
na malalagpasan ko ang paghihirap na ito at may LAMYAK na darating para sa akin.
Sinimulan ko na muli ang pagpikit sa aking mata, naramdaman kong tumulo ang luha. Ito na ang
aking bagong buhay, pangalawang pagkakataon upang ako’y maging masaya. Nararamdaman ko ng
nahuhulog na sa pagkatulog ang aking isipan kung kaya’t magsisimula na naman ang aking aking
panibagong DAMGO.

You might also like