You are on page 1of 15

PAGTUKOY SA URI NG

PANGUNGUSAP AYON
SA GAMIT
1. PATUROL
 pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan at
karaniwang nagtatapos sa bantas na tuldok {.}
Halimbawa:
a. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Silangang
Asya.
b. Nag-aaral nang mabuti si Paul para makakuha
siya ng mataas na marka.

{
2. PATANONG
 pangungusap o pahayag na humihingi ng sagot
o tugon at nagtatapos sa bantas na tandang
pananong (?)
Halimbawa
a. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
b. Sino si Juan?
3. PAKIUSAP
 Pangungusap na nagsasaad ng kilos na
ipinagagawa o hinihiling na gawin.
 Ito ay maaaring magtapos sa bantas na tuldok o
tandang pananong.
Halimbawa
a. Maaari mo bang kunin ang sapatos ko?
b. Pakikuha naman ng sapatos ko.
4. PAUTOS
 ito ay pangungusap na nagsasaad ng pag-
uutos.
 Tulad ng paturol, ito ay nagtatapos sa bantas
na tuldok.
Halimbawa:
a. Kunin mo ang sapatos ko.
b. Umalis ka riyan.
5. PADAMDAM
 Ito ay pangungusap na nagsasaad ng masidhing
damdamin-maaaring saya, lungkot, pagkabigla, o
takot.
 Nagtatapos ito sa bantas ito sa bantas na padamdam
(!)
Halimbawa
a. Panalo si Ben!
b. Nahulog sa puno si Pedro!
Ang sinumang naghahangad ng higit sa
nararapat ay napagbabawian ng kapalaran.
Matutong pangalagaan ang mga biyayang
dumarating sapagkat hindi sa lahat ng
pagkakataon ay mararanasan ang ganito.
Ang Puting Kalabasa
(Kuwentong-bayan mula sa Ilocos)

Muling isinalaysay ni Christopher S. Rosales


Noon, may mag-asawang naninirahan sa paanan ng
bundok. Masagana ang kanilang buhay. Hitik sa
mayayabong na gulay ang kanilang bakuran. May mga
puno rin ng mangga at bayabas sa kanilang likod-bahay.
Gayunman, pakiramdam nila’y parang laging may kulang
sa kanilang buhay. May kung anong puwang sa kanilang
puso na hindi mapunan. At batid nila kung bakit. Matagal
na silang nagsasama ngunit hindi pa rin sila nagkakaroon
ng anak.
Araw-araw ay walang sawang nagdarasal ang mag-
asawa kay Bathala. Dalangin nila’y biyayaan sila nito ng
kahit isang supling. Isang supling na siyang magdadala
ng aliw sa buhay nilang puno ng hapis. Subalit ilang taon
na ang lumipas ay hindi pa rin natutupad ang kanilang
hiling. Tila hindi sila naririnig ni Bathala. Sa isip-isip ng
mag-asawa, marahil ay gayon talaga ang kanilang
kapalaran. Masyado na rin silang matanda. Tinanggap na
lang nila na kailanma’y hindi na sila magkakaanak.
Isang araw, nabigla ang mag-asawa nang mamasdan nila
ang kanilang bakuran.unti-unti nang nalalanta ang
kanilang tanim nilang gulay.Nangagtuyut na rin ang mga
puno sa kanilang likod –bahay.Magpunla man sila nanng
magpunla ay wala nang tumutubo sa tigang at
nagbibitak nilang lupa.ay,anong lungkot ng mag
asawa,sa loob ng maraming linggo’y lubos silang
nagutom at naghirap.minsan ay hindi na nakatiis ang
babae.
sinumbatan niya si Bathala. ‘Ano ba ang nagawa
naming pagkakasala sa iyo’’.sigaw ng may bahay sa
nangungulimlim na kalangitan.Naging bamuti kami
kahit na sino.Sino mang nangangailangan ay aming
tinutulungan.kailanma’y di kami nagdamot.
bakit kami nagdurusa nang ganito.wala na nga kaming anak ay sobra pa kamig lugmok.Maghunos-dili ka sa yong
sinasabi,mahal,’’paalala ng kanyang asawa.’’malay mo,baka kaya tayo dumaranas ng ganito ay dahil
sinusubukan tayo ni bathala. tinitingnan niya kung gaano tayo katatag,kung gaano katibay ang panananalig
natin sa kanya biglang natauhan ang babae.nahimasmasan siya.tama ka ,’’sagoy nya.wala rin naman tayong
ibang magagawa kundi ang magtiwala sa kung anong plano satin ni bathala. Hindi nagtagal,isang milagro ang
dumating sa buhay ng magasawa.mula sa tuyot nilang bakuran ay biglang umusbong ang isang naiibang
gulay.buong bahay nila ngayon lang sila Nakakita nito-isang putting kalabasa ,nagtatalon sa tuwa ang
dalawa.Salamat po,Salamat po,hiyaw nila kay bathala. Masigasig na inalagaanng mag-asawa ang naiibang
gulay.dinidiligan nila itoaraw – araw.inilalayo sa mga insekto.inalisan ng mga
adamo.sinasayawan.tinulaan.inawitan.Unti-unti lumalaking malusog at mabilog ang puting kalabasa.isang
araw,nagdesisyon ang maga asawa na pitasin ang kalabasa.hindi na sila makapag hintay na lutuin nila ito at
pagsaluhan.ano’t nang pipitasin na nila ang misteryong gulayay bigla itong gumalaw.napaatras sila.napanganag.
Nabiyak ng kusa ang puting kalabasa .may kung anong nag-unat sa loob nito.biglang-bigla,lumabas dito ang
isang bata .napaiyak ang mag-asawa.sa wakas,natu
sa wakas, natupad narin ang pangarap nila na magkaanak.agad agad ay nagigib ng tubig ang lalaki .dagli naman
ng batya ang babae.buong-suyu nilang sinabunan,hiniluran,at pinaliguan ang bata.Pagkatapos

You might also like