You are on page 1of 50

FILIPINO

Name of Teacher
Panimulang
Panalangin
Sa gitna ng Pandemya
Mahal naming Panginoon,
Salamat po sa panibagong
araw na ito.
Salamat po sa pagkakataong
kami ay matuto sa sa kabila
ng kinakaharap namin na
pandemya.
Salamat po sa pag-gabay sa
amin
at sa aming mga mahal sa
buhay.
Patuloy po ninyo kaming
ingatan
ganun din ang aming pamilya.
Iligtas po ninyo sa
kapahamakan
ang aming mga kamag-aral at
guro.
Gabayan po ninyo ang aming
mga isipan
upang maunawaan ng lubos
ang aming mga aralin.
Dalangin po namin na
malampasan ang mga
pagsubok na ito.
AMEN.
BALIK-ARAL
Anu-ano ang apat na uri ng pangungusap?
Ano naman ang pangungusap na
Patanong?
Ano ang pangungusap na Pautos?
Ano ang pangungusap na Padamdam?
Ano ang pangungusap na Paturol?
Basahin ang mga pangungusap. Sabihin ang
uri ng pangungusap ng bawat isa.
“Naku po! May ahas sa likuran mo!”
A. Pautos
B. Patanong
C. Padamdam
D. Pasalaysay
Tama!
Subukan mo ulit!

BALIK
Kami ay masayang pumunta sa pook
pasyalan.
A. Patanong
B. Paturol
C. Pautos
D. Padamdam
May tama ka!
Subukan mo ulit!

BALIK
Itapon mo ang basura sa basurahan.
A. Pautos
B. Patanong
C. Padamdam
D. Paturol
Tumpak ang iyong sagot bata!
Subukan mo ulit!

BALIK
Paano mo nagawang umakyat sa bundok?
A. Paturol
B. Padamdam
C. Pautos
D. Patanong
Tumpak ang iyong kasagutan!
Subukan mo ulit!

BALIK
Nakarinig naba kayo ng kakaibang kuwento
tungkol sa isang bata na nanggagaling sa
loob ng pakwan?
SI JUAN PUSONG
Si Juan Pusong – katumbas ni Juan Tamad ng
Katagalugan ay may napakakulay na buhay. Ito ay
punong-puno ng pakikipagsapalaran. Saan nga ba
nagmula si Juan Pusong?

Noong unang panahon, may mag-asawang


naninirahan sa isang liblib na lugar sa isang bayan
sa Iloilo. Bagama’t mahirap, tahimik at masayang
namumuhay ang mag-asawa. Mangingisda ang
lalaki at taong-bahay lamang ang babae. Hindi
lubos ang kaligayahan ng mag-asawa dahil hindi
sila pinagkalooban ng anak.
Napakasipag ng mag-asawa. Tuwing umaga, nagtatanim
ang lalaki sa bukid o kung hindi man ay nag-aalaga ng
mga hayop. Sa gabi naman ay matiyagang nangingisda
sa dagat. Madalas na magmamadaling-araw na
nakauuwi sa bahay ang lalaki. Ang kaniyang asawa
naman ay maghapong nag-aasikaso sa mga gawaing-
bahay. Siya ang naglalaba, nagluluto, nananahi, at
naglilinis ng bahay.
Isang araw, habang abala sa paglalaba ang babae sa
ilog, may nakita siyang isang napakalaking bagay na
lumulutang. Natakot ang babae. Ngunit nang makilala
niyang bagay na iyon ay pakwan lamang, ito ay
kaniyang nilapitan.
Mabilis na tinapos ng babae ang nilalabhang mga damit.
Agad napansin ng lalaki ang napakalaking pakwan.
“Napakalaking pakwan niyan! Saan mo nakuha?” ang
tanong ng lalaki.
“Sa ilog. Naglalaba ako nang makita kong nakalutang
sa tubig. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking
pakwan,” ang sabi ng babae.
“Ako man,” ang tugon ng lalaki. “ Ang mabuti pa ay
biyakin natin. Tiyak na pulang-pula at ubod ng tamis ang
laman niyan.”
Halos lumuwa ang mga mata ng mag-asawa nang
makita nila ang laman ng napakalaking pakwan. Isang
batang lalaking nakadamit ng maganda at makulay.
“Huwag po kayong matakot sa akin. Ang pangalan ko po
ay Juan Pusong. Malayo po ang aking pinagmulan.
Sadya pong ipinagkaloob ako sa inyo ng langit upang
makasama ninyo. Ako na po ang magiging anak ninyo
mula ngayon,” ang buong tatas na sinabi ng bata.
Mula noon, naging maligaya na ang mag-asawa
dahil sa pagkakaroon ng anak na sa katauhan ni Juan
Pusong.
Mabilis ang paglaki ni Juan Pusong. Bukod dito,
napansin din ng mag-asawa ang kakaibang katangian
nito. Ito ay ang kaniyang taglay na lakas. Napakalakas ni
Juan Pusong. Kaya niyang buhatin ang dalawang sako
ng bigas.
Kaya niyang hugutin ang puno mula sa lupa. Kaya
niyang itumba ang kalabaw.
Ngunit hindi lahat ng magagandang katangian
ay taglay ni Juan Pusong. May kapintasan din siya.
Hindi niya iniisip kung ang isang bagay na kaniyang
gagawin ay makabubuti o makakasama sa kaniya.
Utak-biya si Juan.
Tulad ng umagang iyon. Inutusan si Juan Pusong
ng kaniyang ina na bumili ng limang malalaking
alimango sa palengke. At sapagkat ang palengke ay
nasa gilid ng dagat, inggit na inggit si Juan Pusong
sa kapapanood sa mga batang lalaking naliligo roon.
“Ibig kong maligo sa dagat,” ang sabi ni Juan Pusong.
“Ang mabuti kaya ay paunahin ko kayong pauwiin sa
bahay. Pakisabi na lamang ninyo kay Ina na naligo
lang ako sandali sa dagat.”
Pinakawalan ni Juan Pusong ang limang alimango.
Magtatanghali na nang makauwi si Juan Pusong.
Masaya siyang sinalubong ng kaniyang ina.
“O, mukhang bagong paligo ka? Saan ka ba
nagpunta at ngayon ka lang umuwi? Nasaan ang mga
alimangong ipinabili ko sa iyo?” ang sunod-sunod na
tanong ng kaniyang ina.
“Naligo po ako sa dagat. Saka, hindi pa po
ba umuuwi ang mga alimangong binili ko?
Pinakawalan ko po sila bago ako maliho sa
dagat. Ibinilin ko sa kanilang mauna na
silang umuwi. Hindi pa po ba dumarating?
Ang tanong ni Juan Pusong.
“ Naku, Juan!’ ang nasabi na lamang
ng kaniyang ina na
muntik nang himatayin.
Unawain at Sagutin:
1. Sino ang katumbas ni Juan Pusong sa
Katagalugan?
2. Paano nakasama ng mag-asawa si Juan
Pusong?
3. Bukod sa mabilis na paglaki, ano pa ang
naiibang katangian ni Juan?
4. Ano ang hindi magandang katangiang
taglay ni Juan?
5. Bakit pinaunang umuwi ni Juan ang mga
alimango?
Tambalang Salita
Tambalang Salita- ay binubuo ng dalawa o mahigit pang
salita na pinagsasama upang makabuo ng isang salita.
Minsan, ang pinagtatambal na salita ay nananatili ang
literal na kahulugan ng bawat salita.
Halimbawa:
Tambalang Salita Kahulugan
silid-tulugan silid na tinutulugan
tubig-alat tubig na maalat
tabing-ilog sa tabi ng ilog
May pagkakataon ding ang mga literal na kahulugan ng
dalawang salitang pinagtambal ay nawawala at
nagkakaroon na ng ibang kahulugan. Hindi na ito
ginagamitan ng gitling.
Halimbawa:
Tambalang Salita Kahulugan
hampaslupa - walang hanapbuhay
bahaghari - nakabalantol sa langit;
iba’t-iba ang kulay
kapitbahay - kasunod na bahay
Basahin ang salita sa Hanay A. Hanapin
ang maaaring itambal dito sa Hanay B
upang makabuo ng tambalang salita.
Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.
A B
1. kuwento a. bahay
2. gawain b. tamad
3. magmamadali c. kainan
4. Juan d. bayan
5. silid e. bahay
6. buka f. liwayway
7. dapit g. hapon
8. luto h. araw
Pangkatang Gawain
Pag-uulat
Pagtataya

You might also like