You are on page 1of 3

Pangalan : Shane Brigette A.

Pontillo
Baitang at Seksyon : Grade 12 – Ledesma

ANG AKING LAKBAY SANAYSAY SA SITIO SUATAN, SURIGAO DEL SUR

Pangarap ko simula noong ako’y bata pa ang makapunta sa iba’t – ibang lugar.
Gusto kong makapaglibot at makadiskubre ng iba’t- ibang kagandahan sa bawat lugar
na gusto kong puntahan. Ang paglibot ay nagbibigay kasiyahan sa akin lalong-lalo na
sa isang paglalakbay ko na hinding-hindi ko makakalimutan sapagkat ako’y nakaipon
ng isang napakagandang memorya kasama ang aking pamilya.
Noong nakaraang Hunyo taong 2016, nagpunta kami sa lugar na kinalakihan ng
aking ama na sa Sitio Suatan, Unidad, Barobo Surigao del Sur. Pumupunta kami lagi
doon dahil tuwing katapusan ng Hunyo ay pista sa kanilang lugar at nakasanayan na
naming pamilya na magsama-sama tuwing papalapit na ang pista sa lugar. Ang Surigao
del Sur ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Mindanao.

Ang lugar na pinuntahan namin


ay isang paliguan na kung saan ay
makakakita ka ng napakaraming
mga isda at tayom. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang pagpunta namin
dito dahil dito ko unang nadiskubre
na nakakain pala ang isang tayom at
napaka sariwa nito. Dito din ako
natuto na manghuli ng isda dahil
tinuruan ako ng aking ama habang
ako ay nakasakay sa bangka.
Sa larawan na ito, makikita na ako’y
nagsaya at makulit dahil ako’y nasasabik
na makapunta sa lugar na ito lalong-lalo
na’t nakasama ko ang aking pamilya sa
paglalakbay na ito. Madami ring
magandang tanawin ang lugar na ito at
napakapresko ng hangin ang

malalanghap natin dito.

Sa lugar na ito marami akong


nakuhang dagdag impormasyon
at marami din akong nadiskubre
na sya’ng nagpukaw ng aking
atensyon at damdamin na gusto
ko ulit makapunta doon dahil sa
isang napakagandang karanasan
na aking nakamtan. Maganda
ang lugar na ito para sa mag-
pamilya na gustong magkaroon
ng quality time sa isa’t-isa at nang mas lumakas pa ang bonding at pagmamahalan ng
bawat isa.

Ang aking realisasyon sa


paglalakbay na ito ay kailangan at
nararapat lamang na alagaan at
mahalin ang ating kapaligiran. Ang
kapaligiran ang nakakapagbibigay
kasiyahan at buhay sa ating lahat.
Nararapat lang din na ito’y ating
ipagmalaki. Ang paglalakbay na ito
kasama ang pamilya ko ang isa sa
hinding-hindi ko makakalimutan
sapagkat ito’y napakamahalagang ala-
ala sa akin dahil kompleto pa kami ng
pamilya ko dito. Dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda ang mga masasayang ala-
ala na nakuha ko dito sa lugar na ito.

You might also like