You are on page 1of 3

Barron Ghil V.

Avenida

G12 – St. Catherine of Siena

“MAPAYAPANG PAGLALAKBAY”

Noon pa man ay kakambal na ng tao ang paglalakbay. Isang paglalakbay na hinding

hindi makakalimutan, maghahatid ng kakaibang

saya kapag napuntahan ang mga lugar na

matagal mo ng gustong mapuntahan at

mapasyalan. Itong paglalakbay ay karaniwang

ginagawa upang makadiskubre ng mga bago at

kapakipakinabang na bagay at para na rin sa

kaunlaran

ng sinumang magbebenepisyo rito. Sa aking paglalakbay

saan mang lugar ito papunta, lagi kong iniisip na sa dulo

ng aking biyahe ay mayroon akong matutunan at

madidiskubre na maaring makatulong sa aking kapwa at

sarili kong kaunlaran. Nais kong ibahagi sa inyo ang isa sa

aking paglalakbay na kung saan ako ay namulat at natuto.

Marami na ang noon pa man ay nagsasabing masaya at magandang puntahan ang

Tagaytay lalo na para sa buong pamilya na naghahanap

ng munting kapayapaan. Ang aming karanasan sa

Tagaytay ay talaga namang hindi ko malilimutan siguro

dahil isa ito sa mga pinapangarap kong lugar na nais kong


mapuntahan kasama ang aking pamilya. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam ng

kami’y makarating sa Tagaytay talaga namang nagtataglay ito ng magagandang tanawin,

nakarerelax ang klima at payapa ang kapaligiran. Matagal ko ng nakikita ang Taal Volcano sa

malayo ngunit ng bumisita kami sa Tagaytay ay parang pakiramdam ko ay ang lapit lapit ko na

rito lalo na noong nandoon kami sa Picnic Grove. Ganun din, ang lawa ng Taal o Taal Lake na

sadya naming nakarerepres ng isipan at damdamin.

Habang nasa Tagaytay kami ay napansin kong totoo ngang nakapapawi ng

kalungkutang nararamdam ang lugar na ito

dahil sa pagkakaroon ng payapang tanawin

kaya naman hindi makakapagtaka na

maraming turistang bumibisita dito. Naaalala ko

pa noong una ay hindi ako makapaniwala na

nakikita ko na ang Tall Volcano kasi kapag

nakita mon a siya ng personal akala mo ay tila

isang litratong nakikita sa google o saan mang

websayt, talaga namang nakakabighani sa ganda kung kaya’t hindi ka talaga magdadalawang

isip na bumalik at pasyala itong muli.

Dito ko rin nasaksihan na talagang

napakaraming mabubuti, magigiliw, at

mapagbibigay sa kapwa. Labis akong natutuwa

sa mainit na pagtanggap sa amin ng mga tao

doon. Hindi nila kami itinuturing na dayuhan o

simpleng turista lamang bagkos ay itinuturing


nila kami na parte ng kanilang pamilya. Hindi naming naranasan ang mali o masamang pagtrato

sa amin.

Napakasaya mamasyal sa iba’t ibang lugar lalo na kung mayroon kang sapat na pera at

kasama mo ang iyong pamilya at ang mga

taong mahahalaga sa iyo. Sa aming pagpunta

sa Tagaytay, ang labis labis ang aking tuwa

kahit na ito ay sadyang nakakapagod dahil

hindi ako nag-iisa sa aking paglalakbay

kasama ko ang pinakamamahalagang tao sa

buhay ko, ang aking pamilya. At higit sa lahat

ay dahil mayroon akong natutunan.

Ang natutuhan ko sa paglalakbay na ito ay sulitin ang buhay sapagkat iisa at napaiksi

lamang nito. Kaya nararapat lamang na ituon natin ito sa masasaya at makabuluhang mga

bagay na lubos na magpapasaya sa ating buhay. At higit

lalo sa lahat ay huwag nating kakalimutang magpasalamat

sa ating Panginoon sapagkat siya ang dahilan kung bakit

tayo nabubuhay at siya rin ang may alam kung kelan ito

mawawala. Kaya maging positibo lang tayo sa lahat,ng

pagkakataon sapagkat ang lahat ng nangyayare ay may

dahilan.

You might also like