Professional Documents
Culture Documents
Pamagat ng Proyekto:
Oplan Palinis at Pabidet sa SPNHS
Katergorya ng Proyekto:
Ang gawaing ito ay isang aktibidad ng pagsasaayos ng mga palikuran sa SHS Building
(Elementary Campus) at pagpapalagay ng bidet.
Kabuuang Pondo:
Guguhol ng kabuuang P5,203.25 ang proyektong nabanggit. Makikita sa ibaba ang
detalye ng nasabing proyekto.
Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong Oplan Palinis at Pabidet sa SNHS ay gawain kung saan ang mga
palikuran ay isasaayos at pagagandahin. Upang hindi na mailang at mandiri ang mga mag-
aaral sa paggamit nito.
Ang isang cubicle sa palikuran ng parehong babae at lalaki ay lalagyan ng bidet para
sa hygiene ng mga ito at sa mga taong may problema sa pagpipigil ng pagdumi o mga taong
kailangang dumumi.
Bukod dito ay ang pagpapaayos ng linya ng tubig para hindi na mawalan ng supply
ng tubig sa mga palikurang nasa ikalawang palapag ng gusali.
At panghuli ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng mga palikuran kung
kaya't maglalagay ng mga kagamitang panglinis. At ang pagpapanatili ng dalawang supot
ng sanitary napkin sa palikuran ng kababaihan kada araw para sa mga hindi inaasahang
buwanang dalaw.
Badget:
Aytem Halaga Kabuuan
Kabuuan: P5,203.25
Makikinabang sa proyektong ito ang lahat ng estudyanteng nasa SHS Building at maging
ang magulang o bisitang nais gumamit ng banyo. Hindi na nila kailangang magpigil ng pag
ihi dahil walang tubig o masyadong mapanghi at madumi ang palikuran.