You are on page 1of 1

ABSTRAK

Pamagat ng Pananaliksik:

Ang Ugnayan ng Wika, Pananaliksik, at Internasyonalisasyong Akademiko


/ The Inter-relationship of Language, Research, and Academic
Internationalization

Abstract:

Tinatalakay sa papel na ito ang ugnayan ng wika, pananaliksik at internasyonalisasyong

akademiko sa konteksto ng hindi kaaya-ayang mga markang natamo ng mga institusyong

Pilipino sa mataas na edukasyon sa ilang Asyano at pandaigdigangranking ng mga

pamantasan. Ang papel na ito ay may apat na bahagi: 1) tungkol sa kahulugan ng

internasyonalisasyong akademiko, 2) tungkol sa halaga ng pananaliksik sa

internasyonalisasyong akademiko, 3) tungkol sa kahusayan sa pananaliksik at konsepto

ng pamantasang pansaliksik (research university), at 4) tungkol sa pananaliksik at ilang

usapin kaugnay ng wikang Filipino. Hangad ng papel na ito na maipakita ang malaking

maiaambag ng wikang Filipino sa pagpapayaman ng kultura ng pananaliksik sa loob ng

mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon, na sa kalaunan ay mag-aangat sa

kanilang katayuan sa ilang Asyano at pandaigdigang ranking ng mga pamantasan.

You might also like