You are on page 1of 1

PINAKAMALUNGKOT NA KARANASAN

Nitong nakaraang buwan lamang ito nangyari at para saakin ito na ang pinaka masakit
na pangyayari sa buong buhay ko. Ito ay ang pagkamatay ng aking pinakamamahal na
Lolo na hindi namin nakasama ng mahigit dalawang taon dahil sa pandemya. Noong
Marso 10, 2022, nabalitaan naming sinugod sa pinakamalapit na hospital si Lolo dahil
sa kidney failure at kinakailangan daw siyang salinan ng dugo, ngunit kahit gaano pa
naming gustuhin na siya ay puntahan ay hindi namin magawa dahil kami ng aking
kapatid ay nasa Manila ng araw na iyon. Hindi namin alam ang gagawin kaya naman
napagpasyahan naming umuwi tatlong araw mula noong sinugod si Lolo sa Hospital.
Pagkauwi naming ay siya din namang paglabas ni Lolo sa Hospital at siya ay
inoobserbahan sa kanilang bahay. Pagkauwi namin sa aming bahay ay napagplanuhan
naming magkapatid na bumisita sa aming lolo ngunit sa kasamaang palad ay
nagsunod-sunod ang aming mga requirements sa paaralan at kinakailangan namin ng
malakas na internet connection na siyang wala sa baryo kaya naman hindi kami
makaalis sa aming bahay. Isang gabi habang ako ay gumagawa ng isa sa mga
requirements ko sa aming asignatura ay nagulat nalang kaming lahat nang biglang
tumawag ang aming tiyo habang umiiyak at ibinalita saamin na wala na ang aming
pinakamamahal na Lolo at nang ito ay malaman ng aking Ina ay doon ko unang
nasilayan ang sobrang pagdadalamhati niya. Kaya naman kahit kami ay nanginging,
puno ng luha at lungkot ang aming mga mata ay hindi na kami nagdalawang isip at dali-
dali na kaming bumiyahe sa baryo upang puntahan si Lolo. Pagkarating namin doon ay
agad akong nagmano sakanya at hindi ko na napigilan ang aking sariling umiyak at
magsisi kung bakit hindi ko tinapos agad o isinantabi saglit ang aking mga gawain
upang mabisita ko siya ng mas maaga at maabutan ko pa ang kanyang mga ngiti na
mahigit dalawang taon kong hindi nasilayan. Kaya naman napagdesisyonan naming
manatili sa baryo hanggang siya ay maihatid sakanyang huling hantungan.

You might also like