You are on page 1of 2

Cebu: Tahanan ng aking ama at sa masaganang nitong kultura.

Cebu, Isa sa mga pinakamagandang probinsya ng bansa. Tahanan ng mahigit 50


milyong katao, Pumapangalawa sa tinatawag na may Metro Cities pagkatapos ng Maynila at
sinundan ng Davao, At sagana ito sa tradisyon. Ganito kung ilarawan ang Cebu bilang isa
nang probinsyang binago na sa pag daan ng mahabang panahon. At sa texting ito ating
tatalakayin ang mga magagandang ala-ala na binuo kasama ang aking pamilya at mga hindi
ko makakalimutan na mga karansan sa makailang ulit ko na pag balik sa tinaguriang isa sa
pinakamatandang probinsya.

Unang-una, doon ako unang nagdiwang ng unang kaarawan ko sa mundo. Ang


tanging sumama sakin ay ang Lola ko (Nanay ni Mama). Nasa timog na bahagi at
munisipalidad lang ito, Ibig sabihin sa nag gagandahan na tananwin, Kakaunti lamang ang
nakatira. Ako pa lamang ang anak ng mga magulang ko kaya engrande ito. Imbitado lang ang
kakaunti sa mga kamag anak ko dahil nasa hilagang bahagi ng probinsya ang karamihan sa
kanila. Mga maswerteng mga kapit-bahay at siyempre mula sa pamilya ni Mama, Si Lola
Alicia ang dumating. Pagkatapos nito ay nakitulog kami sa Bahay ng kapatid ni Papa si Tito
Charlie, may CD video nilalambing ako ni Tita Medy (Asawa ni Tito Charlie) pagkatapos
pinag pasa-pasahan ako ng mga pinsan ko na nakakatanda sakin. Tuwang tuwa sakin ang
aking mga magulang at ako umiiyak na. Pagka lipas ng ilang pang araw nag libot pa kami sa
Lapu-Lapu City at sinulit na magkakasama pa kami. Dahil pagkatapos non ay umuwi na kami
sa Escalante City sa Negros Occidental. at bumalik pa sa trabaho si Papa.

Pangalawa na balik ko ay noong 2012, hindi ko na masyadaong natandaan.


Sumakay kami ng barko at hindi maganda ang araw na iyon. Pero sa awa ng diyos nakarating
kami sa kinaruruunan. Agad na sinalubong kami ng mga kamag anak ng papa ko po. Sinulit
ko ang pakikipag kulitan sa mga pinsan at sa pamangkin ko. Bumisita sa centro ng lungsod
dahil nasa bulubundukin na parte nakatira ang pamilya ng papa ko. Binisita din ang puntod
ng yumao ko po lola (Nanay ng papa ko) at ipinakilala po ako ni Lolo at ni Papa sa iba pang
mga kamag anak. Makalipas lang ang ilang araw ay umuwi naman kami pabalik ng Negros at
nangako na babalik. Pasensya na sa parte na ito na kakaunti lang ang detalye dahil kaunti
nalang ang natatandaan ko at kaunti lang din ang litrato maron kami.

Makalipas ng 6 na taon. Buong pamilya na kami na nakabalik ng probinsya


ito ay taong 2018. Incoming Grade 7 na ako kaka graduate lang ako sa elementarya.
Nasasabik na ang buong pamilya na makabalik, At pagkatapos ng 11 oras na
mahabang biyahe ay nakarating na sa bahay at nagging emosyonal ang lahat sa aming
pagbalik. Nagkaroon ng munting salu-salo, Nagkasiyahan para maibsan ang ilang taon
na nakabalik sa Ronda kaming lahat. Isa isang nagpuntahan ang mga kamag anak
namin at pumunta ng simbahan sa Simala na matatag puan sa Brgy. Lindongon,
Sibonga Cebu. Ito ay isang simbahan na parang palasyo sa sobrang laki at lawak ang
sakop nito, hindi lang ito mayroon simabahan para sa pari, mayroon din ang para sa
mga monghe o mga Monks. Pagkatapos nito ay pumunta naman kami ng sa lokal na
dagat upang maligo sa lungsod, ito naman malapit sa pantalan kaya naman may parte
ito na malalim.

Saksi naman ako kung paano gumawa ng Puso (Kanin na binabalot at


binibitay upang ibenta na, Kumain ng napaka anghang na chicharon ng Mandaue, ang
orihinal nito na sarap ng Letchon, Ang Liempo ng lungsod ng Balanban at kung paano
din masarap makisama ang mga Cebuano lalong lalo na sa amin na mga bisita. Parte
naman ang kasaysayan ng bansa sa mahabang panahon ang Cebu, mula sa pananakop
ng tatlong mananakop, Mapabilang sa diktadoryang Marcos hanggang makamit ang
demokrasya na at ngayon magpapatuloy bilang isang nag popregsong probinsya.

Noong 2023, o nakaraang taon at nakabalik kami lang sa loob ng 3 araw


para sa kasal ng pinsan ko at makabisita na sa puntod sa namayapang magulang at
mga kamag anak ni Papa. Pero hindi sapat na upang aking isulat ko dito lahat. Kung
ito ay mag kakaroon ng part 2, doon ko po isasalaysay at hinihiling na makakabalik sa
susunod na taon. At ito ang aking mga naranasan hindi lang sa isang magandang lugar
kundi saksi sa makulay na kultura at sa naging mahabang nitong kasaysayan..

You might also like