You are on page 1of 3

Resuello, Darlene Jessa M.

2014-24249
BS Architecture Maikling Saliksik 1

Ang Mamuhay sa Aking Pinanggalingan

Sa kasalukuyan, ang aking pamilya ay namumuhay sa lalawigan ng Laguna sa rehiyon 4-A.


Hindi talaga kami sa lugar na ito tunay na nakatira. Ang parehas kong magulang ay galing sa
lalawigan ng Samar, sa isang maliit na munisipyo ng Gandara. Kami ay mga taga-Samar o kung
tawagin ay Waray. Sa Gandara, Samar ako ipinanganak ng aking ina at doon kami nanirahan
panandalian. Napagtanto ng aking mga magulang na mas Mabuti nang dito kaming magkakapatid
lumaki at makapag-aral dahil naniniwala silang mas magkakaroon kami ng kalidad na edukasyon
sa pook na ito. Mag lalabim-pitong taon na kami dito sa Laguna pero taon-taon parin kaming
umuuwi sa Samar kaya hindi talaga nawala sa aking mga magulang, maging sa aming
magkakapatid na kami ay mga Waray. Lumaki man kami sa linggwaheng katagalugan ay
marunong din kami ng salitang Waray.
Noong aking itinanong sa aking itay kung saan nanggaling ang kanyang mga ninuno ay
hindi sa kanya masyadong malinaw pero ang alam niya na ang kanyang angkan na Resuello ay
nanggaling sa Pangasinan at dumayo lamang sa Samar at doon na tuluyang nanirahan. Masyadong
malayo ang puwang ng lugar ng Pangasinan sa lugar ng Samar kaya ako’y nagtataka. Isang
interesanteng kwento tungkol dito ay noong may nag-add sa aking Resuello sa facebook. Noong
tiningnan ko ang kanyang profile ay nakita kong nag-aaral rin siya sa Unibersidad ng Pilpinas sa
Diliman at siya ay nanggaling sa lalawigan ng Pangasinan. Noong ikinwento ko ito sa aking ama
ay sinabi niyang kamag-anak naming iyon dahil nga galing daw ang mga ninuno nila sa
Pangasinan. Ako ay nagulat at natuwa dahil parang ang liit pala ng mundo.Naghahanap rin kami
ng pagkakataong makapunta sa Pangasinan at makilala ang aming mga kamag-anak doon. Sa
panig naman ng aking inay na ang apelyido ay Martinez, sinasabing nanggaling raw ito sa
Espanyol. Hindi malinaw sa aking ina kung saan at sino sa kanyang ninuno ang Espanyol.
Parehas ng mga magulang ko ay Katoliko. Lumaki rin silang pareho sa mga mahipit na
mga relihiyosong paniniwala. Kaya nga kaming magkakapatid ay pinag-aral sa katolikong paaralan
hanggang sa hayskul. Buong buhay ko ay hindi maaaring hindi kami makapagsimba tuwing
linggo. Para sa mga magulang ko, ang pagsimba ay sobrang importante at napapagalitan kami ng
mga kapatid ko kapag hindi kami nagigising ng maaga para lang makapagsimba. Madasalin rin
ang aking ina. Araw-araw ko siyang nakikitang nagdadasal ng rosary pagkatapos kumain ng
almusal. Ritwal rin niyang pumunta sa simbahan ng Quiapo upang doon magsimba tuwing ik-
unang biyernes ng buwan. Ugali rin niyang ppumunta sa iba’t ibang malalaking simbahan na
nakatayo kaya naman nahilig narin ako sa mga simbahan. Bilang isang estudyante ng arkitekto ay
may hilig ako sa mga lumang simbahan.
Malapit ang pamilya ko sa mga pari. Lumaki akong maraming kaiklala o
nakakasasalubong na pari. Siguro dahil malapit ang pamilya ko sa institusyon ng simbahan sa
pook ng Gandara. Kwento sakin ng aking tita ay kahit pati ang kanilang nanay noon ay talagang
maraming kilalang pari at pinapatuloy raw parati ang mga ito sa kanilang bahay tuwing piyesta.
Hanggang ngayon ay pati ang aking mga kamag-anak ay parating may kilalang pari. Sa lugar
naming sa Laguna ay minsan magkakaroon ng mga araw na kung saan may mga iilang pari na
makikitulog saamin dahil malapit lang ang Tagaytay kung saan nagkakaron ng mga pagtitipon
karaniwan ang mga pari sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. Maging ang pinaka matalik na kaibigan ng
aking ama ay isang pari din at siya rin ay ninong naming magkakapatid. Sabi ng aking tiyahin ay
para daw sa kanilang nanay, o sa aking lola ay kapag tuwing kapiyestahan, mas importante pa raw
ang pari kaysa sa kahit sino mang opisyal ng gobyerno. Sila ang mga pinaka-hahalagahang tauhan
tuwing may selebrasyon.
Sa munisipyo ng Gandara, Samar kung saan nanggaling ang aking parehong magulang ay
ipinagdidiwang ang piyesta tuwing ika-dalawampu’t siyam ng Septyembre na siyang kapistahan ng
Santong si Michael na arkanghel. Parating umuuwi ang aking mga magulang tuwing piyesta at
paminsan minsan ay nakakasama kami. Tuwing piyesta, o kahit anumang celebrasyon ng
simbahan ay may kinakailangang hemano mayor na siyang sponsor sa lahat ng gagastusin sa
pagdidiwang na iyon. Mahilig ang pamilya ko sa pagpapalista sa simbahan bilang hermanos
mayores Noong aking itinanong kung bakit parati kaming umuuwi sa Samar tueing may
selebrasyon sa simbahan ay dahil raw iyon ay kanilang paraan ng pagpapasalamat sa lahat ng
biyaya na kanilang natatanggap. Sa mga selebrasyong ito ay parating may misa, prosesyon, at
pagpapakain. Hindi biro minsan ang ginagastos ng isang hermanos mayres pagdating sa mga
selebrasyong ito. Lalo na kapag ang selebrasyon ay ang piyesta ng Gandara, Samar dahil isang
buong linggong pagdiriwang at iba’t ibang actibid ang ginaganap sa buong munisipyo. Para sa
mga tao roon ay importanteng paglaanan ng kayamanan at oras ang mga pistang mga ito para
ipagdiwang ang buhay na mayroon sila.
Bumuo ang aking tiyahin ng organisasyon ng mga taga-Gandara, Samar na naninirahan
na rito sa Maynila. Ang organisasyon na ito ay nagkikita ng siyam na linggo bago ang piyesta
kung saan sabay sabay ang mga miyembro nito magsisimba sa isang simbahan sa maynila at
magnonovena mass para sa nlalapit na piyesta. Kasama siyampre ang buong pamilya ko da siyam
na linggong ito. Nawiwili kaming sumama dahil pagkakatapos ng simba ay parating may isang
pamilya na siyang sponsor sa pagpapakain sa mga umattend ng misa. Doon ay nakikilala ko ang
mga waraynon na dito na sa kamaynilaan namumuhay. Sa mga selebrasyong ito ako ay nakakuha
ng koneksiyon sa pook na aking pinanggalingan.
Kung mapapansin ay sa bawat selebrasyon maliit o Malaki ng simbahan sa Gandara,
Samar ay parating may pagtitipon at kainan. Mahilig ang mga waray sa pagkain lalo na ng mga
pagkaing galling mismo sa lalawigan ng Samar. Kilala ang aking ina sa paggawa ng mga
masasarap na kakanin kaya naman parati itong hinahanap sa mga selebrasyon. Lumaki akong
tumutulong sa paggawa ng mga ito katulad nalang ng suman-latik, chocolate moron, at ang
tinatawag nilang tamalos. Ang tamalos ang isa sa mga paborito kong gawin dahil gawa ito sa
laman ng baboy na may halong peanut butter at nakabalot sa espesyal na dought at nakabalot sa
dahon. Sabi ng aking ina, ang lola ko ang kilala na may pinaka masarap na tamalos sa lugar at
ipinamana iyon sakanaya. Wala raw iba pang tao ang nakakagaya sa resipe ng aking lola kaya
nama ay itinuturo niya iyon sa akin.
Ako ay lumaki sa lalawigan ng Laguna kung saan dito ako nagkaroon ng malay, kumilala
ng mga matatalik na kaibigan, at nasanay mamuhay. Ngunit hindi ko maipagkakaila na ako ay
isang Waray. Malayo man ang Samar sa Laguna ay sa aking pakiramdam ay ako ay lumaki parin sa
Samar. Dahil nga parati kaming umuuwi sa lugar na iyon at lumaki akong nagiging parte ng mga
selebrasyon na ipinagdidiwang sa pook na iyon. Siniguro rin ng aking mga magulang na
marunong kami ng mga salitang waray kaya masasabi kong isa akong waray kahit na ang punong
salita ko talaga ay tagalog. Minsan nga ay papatanong ako kung taga saan ng aba talaga ako.
Minsan kasi sa aking palagay ay sa Laguna lang kami nakatira pero ang mga tradisyong aming
ginagawa ay nasa Samar kaya sa palagay ko ay taga-Samar ako. Sa Laguna ako nnakatagpo ng mga
matatalik na kaibigan at relasyon ngunit ramdam ko minsan ang pagkalayo sa mga tradisyon at
paniniwala ng Laguna. Lumaki man ako rito pero dahil nga ang mga kinalakihan kong mga
tradisyon ay mga tradisyon sa Gandara, Samar parin ay pakiramdam ko sa Gandara,Samar parin a
ko lumaki. Nagpapasalamat ako dahil hindi sa amin inalis ng mga magulang ko ang mga tradisyon
sa lugar namin at mahalaga iyon sa aking pagkakilanlan bilang Pilipino kung saan iba’t iba ang
paniniwala at pinanggalingan. Masasabi ko na ako ay namuhay sa aking tunay na pinanggalingan.

You might also like