You are on page 1of 2

Pangalan: Genaro, Rodel O.

Seksyon: BSED EN 1-1

Kapitbahay ko si Rizal
( Kababata/Kaibigan)
Ang pamumuhay sa probinsya ay pangarap ng marami mula sa sariwang hangin na ibinibigay nito
hanggang sa ginintuang tanawin na mayroon ito at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ngayon ay ikukwento ko
sa inyo ang aming buhay ng aking kapitbahay at matalik kung kaibigan na si Rizal. Ako at si Rizal ay nakatira sa
probinsya ng Antique, isang lugar sa Pilipinas na kilala bilang lupain kung saan ang bundok ay sumasalubong sa
dagat. Naging matalik kaming magkaibigan at tinatrato namin ang isa't isa na para kaming magkapatid sa dugo.
Noong elementarya iisa lang ang paaralan na pinapasukan namin at sabay kaming gumagawa ng aming mga
takdang aralin.Sa tuwing umaga pagpapasok niya sa paaralan dumadaan siya sa aming bahay para antayin ako
upang sabay kami papasok sa paaralan. Pag araw ng sabado at lingo pag wala kami pasok sa paaralan sabay
kami pumupunta ng bukid upang kumuha ng tuyong kahoy para ipanggatong.Sabay din kami mag igib ng tubig
sa sapa at pareho kaming tumutulong sa aming tatay na mag alaga ng alaga naming hayop tulad ng kambing at
baka. Tapos pagdating ng hapon mula sa paaralan pareho kami na tumutulong sa aming mga magulang upang
magluto ng hapunan at minsan pagdating ng gabi minsan nasa bahay natutulog si Rizal at ganun rin ako nasa
bahay rin minsan nila ako natutulog.
Hanggang sa mataas na paaralan (high school) iisa parin ang aming paaralan na pinapasukan sa bayan namin
at magka boardmate rin kami dalawa. Sumasali kami sa parehong kompetisyon sa paaralan tulad ng
pagsasayaw at pagsusulat at hanga’t sa sabay kami nakapagtapos ni Rizal ng high school. Tunay nga si Rizal
ay isang napakabuting kaibigan at may magandang pag-uugali at may busilak na puso. Sa kadahilanang sabay
kami lumaki sa napakasimpleng pamumuhay at normal na iisa ang aming kultura at tradisyon. Sa aming
lalawigan maayos na sinusunod ang kultura at tradisyon. Marami kaming festival na gustong-gusto naming
salihan ni Rizal. Kami ay napaka-aktibo pagdating sa anumang mga aktibidad na may kinalaman sa aming
tradisyon at kultura. Pinahahalagahan namin ito tulad ng pagpapahalaga namin sa aming pagkakaibigan. Isa sa
mga pagdiriwang na hindi namin pinalampas na ipagdiwang ay ang pagdiriwang ng Binirayan Festival. Kung
saan maraming tao ang gustong sumali at ipagdiwang ito. Maraming mga kaganapan sa aming probinsya na
ipagmamalaki ko. Ang mga pangyayaring ito ay pinapahalagahan namin dahil ang mga ito ay nakapagpapasaya
sa amin. Nagbibigay sa amin ng pagkakataong lumikha ng magagandang alaala kasama ang mga tao sa paligid
namin, ito ang mga dahilan kung bakit ako at si rizal ay gustong makibahagi sa mga kaganapang ito. Marami
kaming magagandang alaala sa tuwing ipinagdiriwang namin ito. Ang pagdiriwang ng Binirayan Festival ay
nangangahulugan bilang kultura at tradisyon na may kahalagahan sa amin at sa buong lalawigan ng antique.
Dahil sa kahirapan ng buhay pareho kami ni Rizal ang hindi nakapagpatuloy ng aming pag-aaral sa
kolehiyo.Bali anim sina Rizal na magkakapatid at siya iyong bunso at ako naman pang-anim sa pito kaming
magkakapatid at halos ng mga kapatid ko ay hindi rin nakapagtapos ng koleheyo at ganun rin un mga kapatid ni
Rizal. Kaya naging tambay kami pareho ni Rizal sa tuwing anihan ng palay umi-ekstra kami ni Rizal at iyong
maging parte namin iuwi namin sa upang pandagdag badget sa loob ng bahay. Minsan naman magtanim ng
palay hanggat mayroong pwedi pagkakitaan hindi namin pinapalagpas ni Rizal dahil sa gusto namin na
makatulong sa aming mga magulang at tumutulong rin ako sa aking ama sa pag-aararo sa bukid at si Rizal
naman pag wala kami mahanap na marangal na pagkakitaan tumutulong siya sa kanilang bahay tulad ng
pagbibiak ng kahoy at pagluluto. Isang araw dahil sa hirap sitwasyon at pamumuhay naisipan kung magluwas ng
maynila upang maghanap ng trabaho at ng malaman ni Rizal na luluwas ako ng maynila bigla siya
nalungkot,natulala at ganun rin ako. Dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkalayo kami sa isa’t isa.
Dumating na ang araw na luluwas na ako ng maynila at bago ako umalis nagpaalam muna ako sa aking
kababata at kaibigan na si Rizal at naging madamdamin ang aming kahulihang pag-uusap hangga’t sa umalis na
ako. Makalipas ang ilang taon nagkaroon ako ng aking sariling pamilya at naninirahan dito sa maynila.Habang si
Rizal naman ay nabalitaan ko na mayroon na rin siya na sariling pamilya at may dalawang anak at naninirahan
mismo doon kung saan kami lumaki bilang magkakabata at magkaibigan at namumuhay ng simple lang.

You might also like